Chapter 3

1.1K 32 2
                                    

Baekhyun's POV

Umuwi na kami sa Dorm at dumiretso na agad ako sa kwarto.

Anong oras na pero wala pa rin si Yeol. Asan na kaya 'yun? Feeling ko umiinit nanaman yung magkabilang dulo ng mga mata ko. Naluluha nanaman ata ako.

Humiga na ako at nag-talukbong ng kumot.

~After One Hour~

Narinig kong bumukas ang pinto at naramdaman kong may tumabi sakin.

"Baek.." Tumalon yung puso ko nang marinig ko ang boses niya. Si Chanyeol. Agad kong tinanggal ang kumot at humarap sakanya.

"Ch-chanyeol..-" Naramdaman ko ang mainit na labi na dumikit sa mga noo ko.

"Baek, i'm sorry kanina kung nasigawan kita sa phone ah? Mainit lang kasi ang ulo ko nun eh." Ngumiti ako pero may halong lungkot iyon.

"Okay lang jagi, naiintindihan ko." Ngumiti rin si Chanyeol sakin at hinalikan ako sa labi.

"I love you Baek." Bulong ni Yeol sakin.

"I love you too, jagi. Promise me that you wont leave me." Ngumiti siya at tsaka hinawi ang buhok ko.

"I Promise." Aniya niya. At tsaka humiga sa kama para matulog.

***

Chen's PoV

Another day nanaman.. At eto! Practice ulit kami.

Kanina ko pa tinitignan si Baekhyun, pero nakatingin lang siya kay Chanyeol habang sumasayaw ito.

Grabe. Mahal niya talaga si Chanyeol, ako kaya? Kelan kaya ako mamahalin ni Baekhyun? Imposibleng mangyari 'yon. Ang awkward nga namin kanina eh. Nahihirapan tuloy ako, hindi ako sanay. Sana pala hindi ko nalang inamin. Pero gusto ko lang naman sabihin yung nararamdaman ko eh. Mahal ko talaga siya. Mahal na mahal.

>Flashback<

Magbestfriend kami ni Baekhyun simula Kinder hanggang ngayon.

"Chennieee~" Ayan nanaman siya. Sumisigaw nanaman siya. Ang sakit lang sa tenga ha!

"Oh? Ano nanaman?" Nag-pout naman siya. Haha ang cute talaga!

"Magpapasama lang naman ako sayo sa Faculty room, inutusan kasi ako ng isang teacher na ibigay ito sa head ng faculty. Eh wala akong kasama eh."

"Eh bakit kailangan mo ng kasama?"
"Nakakatakot kaya! Di mo ba alam yung balita? May namatay daw dyan na estudyanteng lalaki."

"Ah, oo alam ko yung balitang 'yon"

"Talaga, alam mo?"

"Oo, ako yung namatay eh." Pinandilatan ko siya ng mata at nakita kong lumaki ang maliliit niyang mata.

"Waaaaaaaah! Jongdae naman eh, huwag mo nga ako takutin."

"HAHAHAHAHA."

"Heh! Bwisit ka! Magpapasama nalang ako sa iba!!!"

"Hahaha, joke lang eh, tara samahan na kita." Inakbayan ko siya papunta dun sa Faculty.

Medyo madilim nga dito kasi mag-gagabi na rin, yung ibang estudyante umalis na. Nakakatakot nga dito.

Kapit na kapit sakin si Baek habang nag-lalakad. Napailing nalang ako. Tsk tsk. Magaling mang-asar, pero duwag rin naman pala.

May narinig kaming kumalampag at biglang pumatay sindi ang ilaw.

"Hwaaaaaaaah! Chennie~Huhuhu."
Nakayakap na siya sakin ng mahigpit. Sobrang higpit.

At dun ko naramdaman na ang lakas na pala ng tibok ng puso ko. Parang naging abnormal yung tibok ng puso ko. Ewan ko kung bakit ko ito nararamdaman sa kanya. Sa lalaki pa.. At dun ko narealize na inlove na pala ako sa kanya.

>End of Flashback<

"Tapos ka na ba dyan sa Flashback mo?" Bumalik ako sa sarili ko ng narinig kong may nag-salita sa harap ko.

"H-ha?" Nasa harap ko na pala ngayon si Xiumin hyung.

"Tss. Kanina pa kaya kita tinatawag. Oh eto tubig! Uminom ka, baka pagod ka na." Binigay niya sakin ang isang bote ng tubig.

"Salamat, hyung ah!"

"Sige. Practice lang ako." Tumango lang ako.

***

Natapos na kaming mag-practice. Andito na kami sa Dorm, kumakain.

"Hay! Nakakapagod talaga mag-practice." Sabi ni Baekhyun pag-katapos umimom ng tubig.

"Oo nga hyung, medyo sumakit nga yung likod ko eh." Sabi naman ni Sehun.

"Masakit likod mo Sehunnie? Gusto mo hilutin kita mamaya?" Tanong naman ni Luhan.

"Talaga hyung, sige.".

"Yieeee.." Sigaw ng members.

Tinignan ko si Baekhyun, nakatingin lang siya kay Chanyeol. Pero si Chanyeol, tahimik lang na kumakain. May problema nanaman kaya sila ni Baek? Bakit parang hindi siya sweet ngayon?

***

Natapos na ang kainan at yung iba ay pumunta na sa kanya kanyang room nila. Ako, andito lang sa labas nagpapahangin. Hindi pa ko inaantok eh.

Maya maya, naramdaman kong may yumakap sa likuran ko.

"Chennieee~" Banggit niya habang nakayakap pa rin. Bumilis nanaman yung tibok ng puso ko.

"B-baek?" Tinanggal niya ang pagkakayakap sa akin at hinarap ako.

"Chennie, sorry na. Ayoko ng awkward tayo, hindi ako sanay." Napangiti ako. Kahit pala, medyo nagalit siya sakin ay siya pa ang unang nakipag-usap.

"Okay lang 'yon Baek, Tama ka naman eh, dapat kung saan ka masaya, dun ka. Kung masaya ka, masaya na rin ako." Nakita kong ngumiti ulit siya.

"Salamat chennie ha? Sorry kung hindi ko mapantayan 'yang pagmamahal mo sakin. Mahal naman kita eh, pero bilang bestfriend nga lang." Ngumiti ako na may halong lungkot.

Bilang Bestfriend...

"Okay lang 'yon. Ang mahalaga, mahal kita at masaya ka. Pero kapag sinaktan ka ni Chanyeol sabihin mo sakin ha? Ako bahala.." Napatawa naman siya sa sinabi ko.

"Haha, opo. Love you chennie ko." Aniya, at tsaka ako niyakap.

***

[A/N: Okay. Bati na ang ChenBaek. Hehe. Ano pa kayang mangyayari sa next chapter? Abangan! Xoxo.]»

Promise [BaekYeol FanFic] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon