Chapter 21

810 19 7
                                        

Baekhyun's POV 

May 5

Nandito kami ngayon ni Chen sa Mall. Kaming dalawa lang. Pero syempre, naka-disguise kami. Mahirap na, baka may makakita samin dito at pag-kaguluhan kami. 

Naka-beanie ako na violet tapos yung ibang strands ng buhok ko syempre kita at blonde yung kulay. Plain white v-neck shirt at black maong pants. Nakashades din ako, si chen din at hindi mo talaga kami mamumukaan. Yung kay chen di ko na sasabihin tinatamad mag-type yung author. 

Birthday ko na kasi bukas at alam kong nag-paplano rin sila suho hyung sa bahay kaya umalis muna kami ni Chen at ibibigay niya na daw yung regalo nya. Bibilhin pa nga lang niya eh, gusto niya kasi siya mauna mag-bigay ng regalo! Arte nga e, masyado syang advance! 

"Psst, Jagi, san mo gusto kumain?" Tanong niya sakin nang naka-akbay. 

"San mo ba gusto yeobo?" Tanong ko rin pero syempre pa-sweet. Gusto ko naman din maging sweet sakanya para ramdam niya talaga na kami na. 

Jagi at Yeobo na rin ang tawagan namin, kasi. Wala lang, gusto ko lang. 

Gusto ko lang na masanay na iba na ang tinatawag ko ganyan. 

"Ahm.. McDo nalang kaya?" Hays, what do you expect? Diba last time, fries at mcfloat ang kinakain nyan? Favorite niya siguro talaga iyon. 

"Ahm.. di mo naman masyadong favorite ang McDo ano?" Pang-asar ko siyang tinignan. 

"Jagi naman.. Ang sarap kasi eh.." Napatawa naman ako dun, para siyang bata. Ang cute >3< 

"Haha, halika na nga.." Sabi ko at nag-lakad na. 

--

"Jagi, ano gusto mo? Oorder na ko." Tanong niya.

"Ahm.. Kung ano nalang sayo yeobo.." Sagot ko. 

"Okay" Sabi niya at nag-order na. 

Maya-maya pa ay dumating na rin sya dala dala yung order namin. 

Ang order namin ay, 2 sphagetti, 2 mcfloat, 2 burgers ar 2 large fries. At wait-- may pahabol pa. May isang waiter at may dalang 2 choco hot fudge sunday, at large pa. Aigoo~ Hindi naman masyadong matakaw itong Yeobo ko. 

Kumain lang kami ng kumain, at syempre kwentuhan, plano nga rin pala namin ni Chen na, sabihin na bukas sa members na kami na. Sana maging masaya ang araw ko bukas. 

Tapos na kami kumain, at patayo na sana kami ng biglang may sumigaw. 

"OMG! SI BAEKHYUN AT SI CHEN! KYAAAAAAAH!" Rinig naming sigaw at andami ng nakatingin sa direksyon namin. 

WHAT THE FUDGE? NAMUKHAAN PA RIN KAMI? OH LIFE! 

Nag-katinginan kami ni Yeobo at sabay nanglaki ang mata katulad ng kay D.O. Waaaah! Ano ng gagawin namin? 

"Ja-jagi, takbo!" Sigaw ni Yeobo at yun, takbo nga kami. Tumakbo lang kami ng tumakbo hanggang sa marating namin yung likod ng mall at ang labas ay parking lot. 

Nakita ko kaninang sobrang raming humabol samin at may mga cameras pa! Naku. Kalat nanaman to sa internet panigurado! 

"Jagi, okay ka lang?" Tanong ng yeobo ko at hinihingal hingal pa, mabuti nalang at malapit na kami sa kotse namin. 

"O-okay lang ako, yeobo. Ikaw?" Balik tanong ko. 

"Okay lang din ako. Akala ko dudumugin na tayo kanina! Hahaha." Sabi niya at napangiti na rin ako. Akala ko rin talaga! XD 

Promise [BaekYeol FanFic] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon