Chapter 24

644 17 4
                                    

Baekhyun's POV

Ngayong alam ko nang may sakit si Jongdae, hindi ko dapat siyang iwan.

Kahit masakit mang ni-reject ko si Chanyeol, hindi ko naman  kakayaning mawala sakin si Chen.

Aalis kami ngayon dahil bibisitahin ulit namin ang mama ni Chen, nag-aayos lang ako at hinihintay na rin ako ni Chen sa baba!

Teka.. asan na ba yung singsing na binigay sakin ni Chen? Gaaaash! Hinubad ko kasi yun kanina, nung naligo ako at dito ko lang sa table inilagay! Asaaan na yun?

Biglang bumukas yung pinto...

Chanyeol... Mugtong mugto yung mata niya, umiyak kaya siya mag damag?

"Baek." Yung boses niya, sobrang lungkot! Gusto ko tuloy siyang yakapin!

"Cha-chanyeol.. a-anong ginagawa mo dito?"

"Bumalik ka na sakin.. Miss na miss na kita." Again, nakita ko nanaman kung paano tumulo yung luha niya.

Gosh! Channie.. tinotorture mo ko!

"Cha-chanyeol.. d-diba napag-usapan na natin 'to? Ma-maha--" Bago ko pa man maituloy yung sasabihin ko eh nag-salita na siya.

"No, please. Wag mong sabihing mahal mo siya! Alam ko ako pa rin mahal mo!" Pinipigilan kong umiyak, dapat hindi nya makita yun kasi baka lalo pa siyang umasa.

"Mahal ko siya Chanyeol! Mahal ko si Chen! Mahal ko siya!" Sigaw ko,

"Hindi ako naniniwala."

"Pwes, maniwala ka!" Sigaw ko, nagulat ako nung inilabas nya yung singsing na binigay sakin ni Chen!

"Ba-bakit na sayo 'yan?"

"Hindi kasi 'to ang bagay sa kamay mo."

Ano bang sinasabi niya?

"Ano?"

"Eto ang bagay sayo,"

Inilabas niya ang isa pag singsing, simple lang 'to, at May letter B siya dun sa gitna! Omg ang ganda. [A/N: Eto yung binili ni Chanyeol na singsing nung kasama niya si Kyungsoo, para sa mga hindi nakakaalam. Chapter 17. Hehehe]

Lumapit siya sakin at tsaka isinuot ang singsing sa mga kamay ko.

Gusto ko sanang damdamin ang ganda ng singsing, pero naalala ko kapag ginawa ko yun baka lalo lang umasa si Chanyeol. Kaya ang ginawa ko tinanggal ko yun sa kamay ko at ibinalik sakanya.

"Hindi ko matatanggap 'yan."

"B-bakit?" Nauutal niyang tanong. 

"Kasi, mas maganda yung bigay ni Chen! Mas gusto ko yun! Kaya please. Ibigay mo na sakin yan!" Kitang kita ko sa mata ni Chanyeol kung paano sya nasaktan sa mga sinabi ko! Kahit ako nasaktan ako sa mga sinabi ko, pero mas masakit makita kay chanyeol na nasasaktan siya, kaya dobleng sakit ang nararamdaman ko ngayon.

"B-baek..." Umiiyak nanaman siya, chanyeol.. bakit ba napaka iyakin mo?

"Akin na yan!" Kukunin ko na sana sa kamay niya yung singsing na binigay sa akin ni Chen, pero bigla niyang itinaas 'to!

Pilit kong inaabot pero hindi ko maabot! Ano ba naman 'to! Bakit kasi higante ang isang 'to?!

"Chanyeol, ibigay mo 'yan sakin!"

"Hindi!"

"Ibigay mo!"

"Ayaw ko!"

"Isa!"

"Dalawa!"  Sagot niya, ang kulet nitong batang 'to ah!

"Bakit ba ayaw mong ibigay 'yan?" Galit na tanong ko!

"Tanggapin mo muna yung bigay ko," Tanggapin? Siguro nga tanggapin ko nalang, para ibigay niya na. Tsaka, gusto ko namna talaga yung singsing na gusto nyang ibigay eh! Sige na nga, tangapin ko nalang.

Huminga akong malalim.

"Okay, tatanggapin ko. Basta, ibigay mo na 'yan sakin." Kalmadong sabi ko.

Napangiti naman sya dun, at tsaka isinuot sa akin ang singsing.

"Wag mo tatanggalin yan ha!"

"O, asan na yung singsing na binigay ni Chen?" Pag-susungit ko.

"Eto oh," Akmang isusuot ko na sa kabilang kamay ko pero, pinigilan niya ko!

"Ilagay mo muna yan sa bulsa mo, mas maganda kung nag-iisa yung binigay ko!" Sabi niya, at tsaka niya inilagay yung singsing na binigay ni Chen sa bulsa ko.

Loko 'to ah! Mag-rereact pa sana ako pero...

"Baekhyun? Tapos ka na ba dyan?" Pareho kaming nagulat sa boses ni Chen! Nako po. Oo nga pala, nakalimutan ko! May lakad pala kami, eto kasing higanteng 'to eh!

"Ah, oo! Lalabas na ako." Sigaw ko.

Nagulat ako nang bigla nalang ako yakapin ni Chanyeol sa likod.

"Baekhyun, wag ka na umalis. Please.." Napanunok ako. Baek.. wag ka mag-papadala sa emosyon mo please!

"Chanyeol.. may sakit siya..." Sagot ko, pero mahina lang. At alam kong hindi niya narinig yun!

"Ano?" Hindi na ako sumagot, at tinanggal ko na ang pag-kakayakap nya sakin at tsaka ako lumabas!

[Author's Note: Walang kwentang update 'to! HAHAHAHA! Sorry, puro kalokohan lang talaga ang alam ko eh! Laaabyouuuu :* ]

Promise [BaekYeol FanFic] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon