Baekhyun's POV
Hays, salamat naman at nag-kaayos. rin kami ni Chenchen. Di ko naman kasi talaga kaya na hindi kami mag-pansinan eh.
Pauwi na kami, mag-gagabi na rin kasi. Dito na kami sa kotse galing ulit kami sa practice. Si Kyungsoo ang katabi ko sa left side, at si Yeol naman ang katabi ko sa right.
Nakatingin lang ako sa kanya, pero siya nakatingin lang sa bintana. Napapansin ko, these pastfew days hindi na siya nagiging sweet sakin. At nasasaktan ako dun.
Pagkarating namin, dumiretso na sila sa kanya kanyang kwarto. Pag-pasok ko, nakita ko si chanyeol na nag-papalit ng damit. Niyakap ko siya mula sa likuran.
"Yeol." Tawag ko, pero agad niya ring inalis ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Pagod ako, Baekhyun." sabi niya at agad na humiga sa kama. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Bakit ganun? Bakit ang cold niya sakin? Feeling ko umiinit nanaman ang mga mata ko, pero pinigil ko 'yon. Ayokong umiyak.
Humiga na rin ako sa tabi niya at tsaka natulog.
*** 1 week later ***
Someone's PoV
Nakalipas na ang isang linggo, pero ganun pa rin si Chanyeol kay Baekhyun. Cold as ice. Tuwing pag-uwi nila sa bahay galing practice. Hindi na sweet si Chanyeol.
Napapansin din ni Baek na, palaging tumitingin si Yeol sa cellphone niya at ngumingiti ito. Pero pag-dating sa kanya, ang cold.
Nasasaktan na siya pero pilit niyang iniintindi si Chanyeol. Kahit na mahirap. Iniintindi niya kasi nga mahal niya.
Si baekhyun ang isang taong, sweet, makulit, masarap kausap, at cute. At iyon ang mga katangiang nagustuhan ni Jongdae sakanya.
Bukas na ang pinaghahandaang concert nila, kaya todo practice na sila ngayon. Nag-aayos na rin sila ng mga susuotin. Samantalang si Baekhyun, ayun. Iniisip pa rin kung may problema ba si Chanyeol.
***Kina-tomorrow***
Sumayaw na sila ng History, wolf, at mama. Kumanta naman sila Baek, D.O, luhan, at Chen ng Miracle in December. Marami na silang nagawa. Ang huli nalang nilang sasayawin ay Growl at Overdose.
Masaya si Baek dahil maraming pumunta ng Concert nila. Pero may halong lungkot din iyon dahil sa sitwasyon nila ni Chanyeol.
***
Natapos na ang Concert, at ito sila ngayon, nagcecelebrate. Katabi ni Baek, sina Kyungsoo at Chen. Si chanyeol naman nasa harap niya, Nakiki-join na ulit ito sa mga kulitan. At napangiti naman siya dun. Masaya na siya ng nakita niyang ngumiti ulit si Yeol.
~~~Ringgg~~~
Narinig nila ang pag-ring ng cellphone ni Chanyeol kaya lahat sila ay napatingin dito."Ahm. Hyung, aalis muna ako ah. May mahalaga lang akong pupuntahan." Sabi niya sa members.
"Ganun ba? Sige. Ingat ka.""Sige, babye." Tuluyan ng nag-paalam si Yeol. Nasaktan nanaman si Baek, kasi hindi man lang nagawang mag-paalam sa kanya ni Chanyeol. Ultimo pag-tingin, hindi nagawa ng binata.
**
Mag-aalauno na rin ng umaga kaya naisipan nilang umuwi na.
Pag-karating nila, agad silang pumunta sa kanya kanyang kwarto. At eto. Mag-isa nanaman siya sa kwarto nila ni Chanyeol. Nalulungkot siya kasi nag-babago na ang binata.
**
3 hours ng nag-hihintay si Baek kay Chanyeol. Alas kwatro na pero wala pa rin ito. Nag-aalala na siya sa binata kaya sinubukan niyang tawagan.
[The number you have dialed is busy at the moment, please try your call later]
Bumuntong hininga si Baek. Mukhang hindi siya uuwi ngayon. Naisipan ni Baek na matulog na. Pero biglang nag-bukas ang pinto ng kwarto nila.
"Y-yeol" Tawag ni Baekhyun sa kadarating lang na si Chanyeol.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" Kunot-noong tanong ni Chanyeol.
"Hi-hinihintay kasi kita eh." Kinakabahan si Baek na makipag-usap kay Chanyeol, baka kasi magalit lang ito sakanya.
"Bakit ka pa nag-hintay? Nag-sasayang ka lang ng oras." Galit na sabi ni Chanyeol kay Baekhyun.
Sabi na nga ba eh. Magagalit lang siya. Sana pala, hindi ko na sinabing hinihintay ko siya.
Yan ang nasa isip ngayon ni Baek. Natatakot siya na baka mag-away lang sila ng binata.
"So-sorry." Naka-yukong sabi ni Baekhyun kay Chanyeol.
Bumuntong hininga si Chanyeol kay Baekhyun. Natatakot si Baek sa kung anong sasabihin ni Chanyeol sa kanya.
"Baek...I think...i think...we need to end are relationship now.".
Sa sinabing 'yon ni Chanyeol, mas malala pa pala sa takot ang nadarama niya kanina kesa ngayon. Kasi ngayon masakit.
"Y-yeol, a-anong ibig mong sabihin?" Gustong mag-pakatanga ni Baekhyun kay Chanyeol pero mukhang talo na talaga siya.
"Baek, i'm..i'm sorry. I'm so sorry.." Nakayukong sabi ni Chanyeol.
"H-hindi mo na ba ko mahal?" Kinagat ni Baek ang ibabang labi niya habang hinihintay ang sagot ng binata.
"I'm sorry baek..pero may mahal na akong iba." Parang sinaksak ng 1000 beses ang puso ni Baekhyun ngayon. Sobrang nasasaktan siya dahil mahal na mahal niya si Chanyeol.. Higit pa sa buhay niya.
"Yeo-yeol, di-diba s-sabi mo hindi mo a-ako iiwan? Diba na-nag promise ka sakin? Di-diba?" Halos basang basa na ang mukha ni Baekhyun kakaiyak. Ayaw niyang mawala sa kanya si Chanyeol. "Masakit. Sobrang sakit.." Yan ang naa isip ngayon ni Baekhyun.
"I'm sorry Baek..i'm so sorry..."
itutuloy...
Hutaimnida BaekYeol :'(
BINABASA MO ANG
Promise [BaekYeol FanFic]
FanficNag-Promise si Chanyeol kay Baekhyun na hindi niya iiwan ito. Pero matupad kaya ni Chanyeol ang Promise niya kay Baekhyun? Paano kung hindi? Paano kung wala kay Baekhyun ang mga hinahanap ni Chanyeol? Paano kung mag-bago si Chanyeol kay Baekhyun? ...