A/N: Guys! Puno ng mura itong Chapter na ito. Yun lang po. Thanyoooouu! :* XDD
---------------------------------------------------------------------
Chanyeol's Point of View
"Bilisan mo naman! Ano ba!" Sigaw sakin ni Nana, habang kumakain.
"Oo na, eto na nga diba!" Lumapit ako sakanya at inilapag sa tabi niya ang isang basong tubig.
"Your so tagal! Like G.R.R, nabubulunan na ako dito oh, gusto mo ba akong mamatay?" Sigaw niya sakin. Tss! Ang tamad tamad kasi. Bakit hindi nalang siya ang kumuha ng tubig?
"Putol ba kamay at paa mo ha?" Sigaw ko. Ang tamad tamad kasi! Ako nalang palagi kumukilos dito sa bahay!
"What?! Mukha bang putol kamay at paa ko ha?! Sinasabi mo bang tamad ako?" Sigaw niya nanaman.
"Tss! Wala, kumain ka na nga lang!" Sabi ko.
Palagi nalang kaming ganito, nag-aaway dahil panay utos. Parang walang kamay at paa. Ang tamad tamad! Ibang iba siya kay Baekhyun, buti pa si baekhyun, may kusa.
Si nana, napaka-OA pa minsan, kapag may sinabi ka lang ng mga bagay bagay sakanya, ikakasama na ng loob niya, tapos sisigaw ng sisigaw. Buti pa si Baekhyun, nangiingay, pero masarap pakinggan sa tenga, hindi katulad niya, para akong nasa palengke eh.
Si nana ulit, palaging hawak ang cellphone, palaging may-katext. Nakakainis! Ang daming nililihim. Buti pa si Baekhyun, loyal.
Tapos si Nana, napaka-moody, Papalit palit ng mood, minsan tatawa, tapos biglang maiinis, tapos magiging sweet, tapos magagalit ulit. Parang baliw! Napaka-bipolar. Nakakairita nga eh! Buti pa si Baekhyun, sweet lang, tapos palatawa pa. Namimiss ko na tuloy yun!
What the? Sinabi ko bang namimiss ko si baekhyun? A-ahh oo, bilang kaibigan syempre.
Pero bakit ko ba siya kinocompare kay Nana? Ah bwisit!
"Omg, channie! Aalis muna ako ngayon ha! Makikipag-kita lang ako sa friend ko!"
"Ngayon na?" Tanong ko.
"Yes yes, babye!" sagot niya at lumabas.
At dahil nga gwapo ako, susundan ko siya. Parang andami niya kasing nililihim. Tapos lagi pa siyang umaalis! Nakakaintriga tuloy. Tsaka okay lang naman na sundan ko siya diba? Boyfriend naman niya ako eh, naninigurado lang ako.
Nakita kong sumakay siya sa Cab, kaya pumara rin ako ng isa at pinasundan siya.
Nakita kong huminto yung kotse niya sa isang restaurant. Kaya bumaba na rin ako.
Ano naman kayang gagawin niya dito? Kakain siya?
Pag-pasok niya, sinundan ko siya at tinignan kung san siya pupunta.
Pumunta siya sa isang table, kaya pumunta rin ako sa isang table, katabi lang nun. Buti nalang at may menu sa harapan, para matakpan ko yung mukha ko.
After 5 minutes, nakita kong may lumapit na lalaki sa table niya at nag-kiss sila.
O_________________O
Hindi lang siya basta basta kiss, parang laplapan na ata yun.
Gi-ginagago l-lang ako ni Nana? PUTANGINA!
Sa sobrang inis ko, parang gusto ko na silang sugurin at Patayin. Tangina nila. Promise.
Pero minabuti ko munang pakinggan nalang ang pag-uusapan nila.
"Babe~" pa-sweet na sabi ni nana. Babe? Yak kadiri!
"Babe, i miss you! Sagot pa nung lalaking mukhang paa ko lang.
"I miss you too babe!" sagot ni Nana. Napaka putangina nila.
"Kamusta naman yung plano?" Tanong nung lalaki, Plano? Anong plano?
"Okay lang babe, you know..Nag-eenjoy ako. Andaling paikutin ni Chanyeol." So, ako yung plano nila? Mga putangina nga naman talaga!
"Good babe,At least nakakaganti na rin tayo kay baekhyun!" Puta! Pinag-planuhan nila kami? Mga hayop!
"Yes babe.." sagot ni nana at naghalikan ulit sila.
"Ititigil mo na ba yung plano babe?" Tanong nung lalaki.
"No babe, nag-eenjoy pa ako kay chanyeol, mag-papakasal muna kami, tapos ididivorce ko rin, oh diba? Masasaktan yun ng todo! Patay na patay sakin yun eh!" Ulul! Pakasalan mo sarili mo, at tsaka ako? Patay na patay sayo? Gago! Papatayin kita mamaya pag-uwi mo.
"Baka naman..Naiinlove ka na dyan kay chanyeol ha?" Tanong nung lalaki, pero natahimik lang si nana.
"Whatever babe, change topic na nga tayo!" Sagot ni nana. Bakit natahimk siya? Mahal niya kaya talaga ako?
Pero ako, simula kasi nung narinig ko yung usapan nila kanina, parang nag-bago ang tingin ko kay Nana, at the same time, nawala rin yung pagmamahal ko.
Nagtataka nga ako eh, bakit ang bilis mawala yung pag-mamahal ko sakanya? Minahal ko nga kaya talaga siya? O nadala lang ako sa isip ko?
Puta! Maka-alis na nga!
Pasimple akong lumabas ng Resto, para di nila ako mahalata.
Pag-labas ko, agad akong pumara ng Cab at sumakay.
Parang narealize ko ngayong araw, na ang dami kong ginawang mali. Andami kong pinagsisisihan, Lahat lahat! Tama nga sila, nasa huli ang pag-sisisi.
Nagsisisi ako, nagsisisi ako na nakipag-hiwalay ako kay Baekhyun.
Ang tanga tanga ko!
At bakit ngayon ko lang to narealize?
All this time, si baekhyun parin pala nasa puso ko.
Napasabunot nalang ako sa sarili, nasasaktan ako. Hindi dahil sa niloko ako ni Nana, kung di dahil sa pinakawalan ko pa si Baekhyun. Pero paano? Paano kung may bago ng mahal si baekhyun? Paano kung tuluyan na niyang mahalin si Chen?
PUTANGINA AYOKO!
Hindi ako nasaktan sa mga ginawa ni Nana, Nagalit ako! Galit at kinamumuhian ko na siya.
Pag-kababa ko ng Cab, pumasok na agad ko sa bahay at nag-empake.
Pagtapos kong mag-empake...
Tinawagan ko muna si Baekhyun..
Calling Baby smurf~
"Hello Baekhyun?"
[Chanyeol?]
Itutuloy...
-----------------------------------------------------------------------------------
Pabitin. =P
Oh yan. Pakyu ka Nana. Napaka-Pakyu mo! HAHAHA. Nalaman na ni Yeollieee! Kyaaaah XD
BINABASA MO ANG
Promise [BaekYeol FanFic]
FanfictionNag-Promise si Chanyeol kay Baekhyun na hindi niya iiwan ito. Pero matupad kaya ni Chanyeol ang Promise niya kay Baekhyun? Paano kung hindi? Paano kung wala kay Baekhyun ang mga hinahanap ni Chanyeol? Paano kung mag-bago si Chanyeol kay Baekhyun? ...
![Promise [BaekYeol FanFic]](https://img.wattpad.com/cover/17259463-64-k422034.jpg)