I dedicated this for you bebe! XDD
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Baekhyun's POV
Gabi na at syempre, matutulog na kami. Magkatabi kami ni Yeollie! hihi XD Ang landi ko po.
Pero feeling ko, ang sama ng pakiramdam ko.
Feeling ko, magkakasakit ako eh.
Karma ko kaya to sa ginawa ko sakanila? Hayy! Bahala na. Dahil sakin nagka galit sina Kai at Kyungsoo!
Kasalanan ko nanaman!
Eh malay ko naman kasing sinamahan lang pala ni Chanyeol si Kyungsoo bumili ng mga pagkain.
Oo na! Ako nanaman may kasalan! Che! Wag niyo na ko sisihin.
Sa sobrang inis ko sa sarili ko, natulog na lang ako.
--------------------------------------------------------------------
*yawn*
Unti unti kong minulat yung mga mata ko.
Grabe!
Ang sama talaga ng pakiramdam ko!
Tumingin ako sa orasan at 11:00 am na.
Magtatanghali na pala!
Babangon na sana ako, pero hindi ko talaga kaya! Ang sakit talaga ng pakiramdam ko! Feeling ko babagsak ako anumang oras kapag tumayo ako.
Kaya nagpasiya ako na manatiling nakahiga.
*creaaackkk*
Nakita kong nagbukas ang pinto at pumasok si Chanyeol
"Oh, baek di ka pa ba bababa?"
"M-masakit pakiramdam ko yeol eh" Sabi ko at agad namang siyang umupo sa tabi ko at hinawakan ang noo at leeg ko.
"May sakit ka? Nako baek!"
"Oo, halata ba? halata ba?"
"Tss! Sandale! Hintayin mo ko dyan ha!" Sabi niya at tsaka na lumabas.
Malamang, dito lang ako! Alangan namang lumabas pa ko.
Pag balik ni Chanyeol, may dala na siyang isang planggana at face towel.
Ayyieee! Aalagaan niya ko?
"Oh, baek! Punasan mo sarili mo!" -____-
Sabi niya, at hinagis sakin ang towel.
Putangina mo talaga chanyeol.
"Pakyeol ka Chanyeol! Bakit ka pa kumuha niyan kung di mo ko pupunasan? Bwisit ka! Lumayas ka nga dito sa harapan ko! Pakshet! Laki ng tenga mo! Layas layas! G.R.R" inis na sabi ko sakanya. Geeez! He's gettin' on my nerves.
"Hahahahahahaha, syempre joke lang naman baek! Pupunasan kita syempre!" Sabi niya at kinuha niya na yung towel.
At dahil wala na kong lakas makipag-away pa, hinayaan ko na siya, pinunasan niya lang ako at pinahiga.
"Sandali lang baek, kukuha lang ako ng pagkain" Sabi niya at tuluyan ng bumaba.
Pagbalik niya, may dala na siyang pagkain.
"Oh! Kain ka na muna!" Sabi niya at umupo sa tabi ko.
"Wala akong lakas" Sabi ko pero syempre, joke lang yon! Gusto ko lang subuan niya ko.
"Sus! Bat di mo pa sabihin, gusto mo lang subuan kita?"
"Oo, na pakyeol ka!" Sabi ko at yun nga, sinubuan niya an ko. Haha.
Pagtapos ko kumain, pinainom niya lang ako ng gamot.
"Oh baek, magpahinga ka na muna! Para naman gumaan yang pakiramdam mo"
At dahil nga masunurin ako, natulog nalang muna ako.
-------------------------------------------------------------------------------------------
6:35 pm
Pagmulat ko ng mata ko..
Agad kong nakita ang mukha ni Kyungsoo...
Natakot ako kasi may hawak siyang kutsilyo!
Omaygosh!!!
"K-kyung" Natatakot talaga ko. Baka patayin na ko ni kyung dahil sa ginawa ko sa sakanila.
"K-kyung, mapag-uusapan pa natin to, magkaibigan tayo diba?" sabi ko na pilit ngumingiti kahit na sobrang takot ko na.
"Huh? Ano bang sinasabi mo baek? Eto apple oh! Ipaghihiwa lang kita" Sabi niya at tsaka inilabas ang apple.
Woah! Kinabahan ako dun ah.
"Gago ka kyung! Tinatakot mo naman ako eh" sabi ko sabay irap.
"Hahaha, pero kung gusto mo, tototohanin ko" Sabi niya at nilakihan pa ang mata.
"Duh!" Yun lang at inirapan ko siya.
"San nga pala si Chanyeol?" Tanong ko.
"Ah. Kasama si suho hyung"
"Asan daw nag-punta?"
"Ewan, may lakad. at tsaka bibili na rin si Chanyeol ng gamot mo!"
"Ahh, talaga!" Yun lang sinabi ko pero deep inside, kinikilig ako.
Ikaw ba naman bilhan ng gamot ng taong mahal mo kapag may sakit ka? Abaaaaay kikiligin ka talaga no!
--------------------------------------------------------------------------
Short ud. Dahil pinag-uud na ako ng aking bebi gurl XD HAHA
VOTE AND COMMENT
BINABASA MO ANG
Promise [BaekYeol FanFic]
FanfictionNag-Promise si Chanyeol kay Baekhyun na hindi niya iiwan ito. Pero matupad kaya ni Chanyeol ang Promise niya kay Baekhyun? Paano kung hindi? Paano kung wala kay Baekhyun ang mga hinahanap ni Chanyeol? Paano kung mag-bago si Chanyeol kay Baekhyun? ...
![Promise [BaekYeol FanFic]](https://img.wattpad.com/cover/17259463-64-k422034.jpg)