Author's NOTE: Ge. Wala ako masabi, HAHAHAHA
------------------------------------------------------------------------
Baekhyun's POV
"Guys! Iniinvite tayo bukas sa isang show" sabi ni suho hyung..habang hawak hawak ang cellphone niya.
At wait--Iniinvite? So makikita ko na ulit si Chanyeol?
"Bukas? Hyung! Hindi ako pwede!" Napataas ang kilay ko sa sinabi ni sehun.
"Hindi pwede! Dapat lahat andun!" Lahat?
Awkward nanaman to kay Chanyeol. Hayyy!
"Kasama si chanyeol?" Napatigil silang lahat sa tanong ko.
"O-oo, malamang." sagot ni suho hyung.
Hayy! ano pa nga ba?
---------------------------------------------------------------------
Ngayong hapon, nag-papractice kami, isang sayaw lang naman. Pero kailangan pa din daw mag-practice para walang mag-kamali. Hayyss! Pero ako hindi ako nag-papractice, sila lang, tinatamad ako eh, at the same time, paano ba naman ako makakapag-practice, kung may dalawang naglalandian dito sa harap ko?
Oo, andito si chanyeol at sinama niya pa si Nana. Aba! Sa pag-kakaalam ko, EXO lang ang dapat mag-practice, bakit may others? Tss, saksakin ko yan ng eyeliner ko eh.
"Channie~ i'm hungry na.." Narinig kong sabi ni Nana at nag-pout pa. O diba? Ang arte? Hindi naman cute! Tss. Kahit kailan, walang makakapantay ng ka-cutan ko no.
"Gutom ka na? May burger ako dito oh, kain ka.." Sabi ni chanyeol habang naka-akbay kay Nana. </3 Yan. Nababadtrip nanaman tuloy ako.
Magkakatabi kasi ang mga upuan dito, at medyo malapit na ako sa kanila, ang EXOM ngayon ang nag-papractice. Kaya nakaupo lang muna kami dito.
"Thank you channie! ilove you talaga~" Pa-sweet pa na sabi ni nana.
"I love you too Nana ko~" TSS. Nakakabadtrip naman dito. Ang haharot. >________<
Habang naghihintay matapos ang practice ng EXOM ay may isang taong nahagip ng mata ko mula sa pintuan.
Nakikipag-usap siya sa isang lalaki, at tsaka nag-lakad paalis.
*_________________*
Ang aking noona mylovessss ♥___________________♥
Di na ako nakapag-pigil at naglakad palabas ng pinto.
"Oh, baekhyun? Saan ka pupunta? Kakatapos lang mag-practice ng EXOM oh..Tara, kain muna tayo" Sigaw sakin ni Suho hyung. Kaya lahat ng attention na sakin na.
"Ha? Mamaya na hyung! Pupuntahan ko pa ang future ko!" Sigaw ko.
"Huh? Hahahaha.. Sinong future?" Tanong ni Chen, habang tumatawa tawa pa kasama ng ibang members, nakita kong nakatawa pa si Chanyeol at Nana. Aba! Ano bang akala nila? Na lalaki nanaman hinahabol ko? Aba! Para sabihin ko sa kanila, Lalaki ako ngayon! Magpapakalalaki ako ngayon! -_____-
Nakita kong huminahon na sila at tumingin ng seryoso sakin.
"Oo, future ko. Pupuntahan ko ang mahal na mahal kong Taeyeon" Sigaw ko at tsaka lumabas na, at feeling kong natahimik silang lahat.
CHANYEOL'S POV
"Oo, future ko. Pupuntahan ko ang mahal na mahal kong Taeyeon" Sigaw niya at tsaka lumabas na.
Lahat kami ngayon ay natahimik. Si Taeyeon? Yung dating gustong gusto ni Baekhyun? Tss.
Bakit naman niya pupuntahan yun? Andito ba si Taeyeon? Anong ginagawa nun dito? Eh sa pagkakaalam ko ang SNSD ay nasa new york ngayon.
Bakit ba kasi nandito si Taeyeon! Ayan! Nakita tuloy siya ni Baekhyun!!! Tss -_-
At bakit ba ko nag-kakaganto? Siguro dahil nag-aalala lang ako kay Baekhyun? Oo, tama. Baka kasi pag-nainlove nanaman si Baekhyun ay masaktan lang ulit sya. Kahit papaano, mahalaga pa rin sakin yun no.
"Channie! Makinig ka naman oh! Sabi ko eto na yung pag-kain mo!"
Napabalik ako sa sarili nung narinig kong nagsalita si Nana.
"Ahm... So-sorry baby, may naiisip lang ako.."
"Anong naiisip mo? Si baekhyun ba yan? Dont tell me, you still inlove with him pa ha.." sabi niya at nagpout pa ito.
"N-no baby, hindi siya ang iniisip ko. Y-yung sayaw lang..nakalimutan ko kasi yung step eh. Hehe" I lied. Baka kasi pag nalaman niyang si Baekhyun ang iniisip ko, magagalit siya.
"Really?"
"Y-yeah"
I lied again. Ayaw kong magalit si Nana sakin, kasi these past few days, madali siyang mainis. Tapos lagi siyang may kausap sa telepono. Ewan ko, pero parang may mali. Pero siguro wala lang yun. Baka nag-oover thinking nanaman ako.
*
Natapos na kaming kumain at hanggang ngayon wala pa rin si Baekhyun. Asan na kaya yun?
Chen's POV
Mag-uuwian na kami nila suho hyung pero hanggang ngayon wala pa rin si Baekhyun, siya na lanng ang hinihintay namin.
Asan na kaya yun?
"Chen? Natawagan mo na ba?" tanong sakin ni suho hyung.
"Di pa nga eh hyung" sagot ko.
"Baka nirape na si Taeyeon noona, hahahaha.." Paepal na sabi ni Kai. Haha.
"Haha, oo nga. Yun pa namang si Baekhyun, pag nakita yung taong gusto niya, susundan niya." Sabi naman ni xiumin hyung. Oo nga, basta gusto ni Baekhyun, susundan niya. Kahit ano pa yan.
Kaya mahal ko yan eh.
Tumingin ako kay Chanyeol at nakita kong di siya mapakali sa upuan niya. Bakit kaya?
Maya-maya ay nakita kong bumukas ang pintuan at inilabas ang pinaka gwap--este pinaka magandang reyna ng eyeliner.
"Hey Baek" sigaw nila.
"Hyung--" sabi ni Baekhyun pero di siya pinatapos ni Suho hyung.
"Sa bahay ka na mag-explain."
*******
Nasa bahay na kami ngayon at katabi ko si Baekhyun na nakaupo dito sa sofa.
Sina chanyeol naman ay napag-desisyunan na dito muna sila matutulog ni Nana sa bahay.
"Baek, explain" sabi ni suho hyung.
"Kasi hyung, ganito yun, sinundan ko si Taeyeon noona, sumakay siya sa kotse niya kaya sumakay din ako sa kotse ko. Sinundan ko siya, e hindi ko naman alam na malayo pala yung pupuntahan niya. Akalain ko bang pumunta siya sa beach, tapos angsdgfhjkl" sabi ni baekhyun pero tinakpan ni suho hyung yung bibig niya.
"Oo na, sige na baek. Ang daldal mo, pinapatawad na kita" sabi ni suho hyung habang natatawa pa, kaya lahat kami dito ay nagtawanan na.
Napatingin ako kay Chanyeol na nakangiti lang..
Naisip ko nanaman yung kaninang di siya mapakali..
Di kaya?
INLOVE PA SIYA KAY BAEKHYUN?
Itutuloy...
A/N: Okay. Sabi sa inyo eh, bumabalik na talaga ang nakadaldal na si Baek. Haha.
Vote and comment again. Para update na! XD
BINABASA MO ANG
Promise [BaekYeol FanFic]
FanfictionNag-Promise si Chanyeol kay Baekhyun na hindi niya iiwan ito. Pero matupad kaya ni Chanyeol ang Promise niya kay Baekhyun? Paano kung hindi? Paano kung wala kay Baekhyun ang mga hinahanap ni Chanyeol? Paano kung mag-bago si Chanyeol kay Baekhyun? ...