Chapter 20

812 20 13
                                        

Baekhyun's Pov

*1 month later*


Isang buwan ng nakakalipas nung simula akong mag-moveon. Iniisip ko nalang talaga na hanggang mag-kaibigan lang kami. Wala ng iba.

Palagi ko na rin kasama si Jongdae. Tuwing kasama ko siya, si Chanyeol pa rin yung iniisip ko, minsan nga finifeel ko na si chanyeol talaga yung kasama ko eh. Pero nakakakonsensya naman kay Chen, ginagawa niya lahat para sakin. Gusto ko na talaga siyang mahalin! Kelan ba mangyayari yun? Kelan ba ko mahuhulog sakanya?

Nararamdaman ko rin, tuwing kasama ko si Chen parang may mabigat siyang dinadala. Hindi ko alam pero natatakot ako.

"Baekhyun!" Siya yan.

"Oh?" Sagot ko. 

"Gusto mo?" Pag-aalok niya, meron kasi siyang fries at tsaka cokefloat, Nahiya naman ako ngayon lang siya nag-yaya, eh kanina pa sya kumakain dyan. -_-

"Wag na, nahiya naman ako sayo, mukhang gutom na gutom ka" Sagot ko.

"Okay" Sabi niya at itinuloy ang pag-kain.

Pinagmasdan ko siya, bakit ganun? Kahit kain siya ng kain, pumapayat sya. Tapos ang tamlay tamlay pa ng mukha nya, minsan na lang rin sya mag-joke. Namimiss ko na nga yung dati eh. Yung mas makulit na Jongdae.

"Jongdae..."Bulong ko.

"Oh? Bakit binubulong mo ang pangalan ko?" Napapikit ako. Narinig nya pala ako?

"Wa-wala.." Yun lang ang sinabi ko at hindi na naman siya umimik.

----------------------------------------------------------------------

Chanyeol's Pov

Kanina ko pa sila tinitignan. Ang sakit. Ang sakit sa mata. Lagi nalang sila yung mag-kasama, feeling ko iniiwasan niya ko. Hindi na katulad ng dati na walang awkwardness samin. Nakipagpalit na rin siya ng kwarto, kami na ni xiumin hyung ang mag-kasama at silang dalawa na ni Jongdae ang magkasama. Minsan nga napapaisip ako kung anong ginagawa nila dun. Hindi ko mapigilang hindi mag-selos.

Ang sweet sweet nila palagi.

Sana bumalik kami sa dati. Yung masaya lang.. Yung ako lang yung mahal niya..

Ang tanga ko kasi eh. Nag-pauto ako sa isang babaeng niloko lang ako. Tapos ngayon, hindi ko na siya maibalik pa. Ang tanga ko! Sinayang ko siya! Sinayang ko ang pinaka-mamahal ko.

Habang tinitignan sila, nakita kong niyakap ni Jongdae si Baekhyun at mukhang ang saya saya niya. Bakit? Sila na ba?

Ganito rin ba yung naramdaman ni Baekhyun nung iniwan ko sya? Parang tinotorture yung puso ko. Ang sakit. Sobra.

Bago pa man tumulo yung luha ko, may nag-pat ng likod ko. Tinignan ko, si xiumin hyung.

"Hyung.."

"Okay lang yan Yeol..Magiging okay ka rin.." Sabi niya. Huminga ako ng malalim. Sana nga maging okay. Sana maging okay na kami. Sana bumalik na kami sa dati. Sana.. sana.. sana..

----------------------------------------------------------------------------------

Baekhyun's Pov

Nang natapos ng kumain si Jongdae, humarap siya sa akin at kita ko sa mukha nyang seryoso siya. Yung tipong seryoso talaga. Wala kang makikitang nakakatawa. Medyo kinabahan tuloy ako sa gagawin niya.

"Baekhyun..." Mahinang sabi niya..

"Baekhyun... mahal na mahal kita.." Para akong na-estatwa sa sinabi niya. Hindi naman eto yung first time na sinabi niyang mahal niya ko pero iba yung nararamdaman ko.

"Baekhyun... please..."Nakita kong huminga muna siya ng malalim bago itinuloy ang sasabihin..

"Be mine.."

Napapikit ako. Ito na ba yun? Ito na ba yung time para siya naman yung pasayahin ko? Ilang years.. Ilang years nya akong pinasaya, buong buhay ko. Siya na yung laging andyan para sakin. Siguro nga ito na yung time para sagutin ko na siya.. Para maka-move on na rin siguro ako kay Chanyeol..

Huminga ako ng malalim bago sumagot...

"Yes Chen, I'm yours now.."Sagot ko at kita ko ang saya sa mga mata niya.

Niyakap niya ko. Mahigpit, Sobrang higpit. Habang yakap niya ko, napangiti nalang ako..

Author's NOTE. Yo! Happy 3k. Yeheeey~ Mehehe. :3 Congrats, kay Chen. Sa wakas, sila na ni Baek. XD Ahoho~ Sinipag ako mag-update. Haha, wala lang. Bumabawi lang ako :* Malapit na ang pag-tatapos. Hoho~ Abangan ang next scenario. Keke~ Lav ya :* VOTE COMMENT.

This is dedicated to you.. Thanks for reading :)

Promise [BaekYeol FanFic] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon