Chapter Forty-three

121 5 0
                                    

CHAPTER FORTY-THREE

I played succession on my finger. Bakit ang tagal nya?

"Hey.."

Tumingin ako sa kanya with a bored look. "You're late."

"I know."

"Siguro alam mo rin naman na ayaw kong pinaghihintay." Tinaasan ko sya ng kilay.

Hindi sya sumagot. Nakakapagtaka lang. Hindi naman sya nale-late sa mga date namin at kung male-late man sya, nagsasabi sya.

"Anong bang nangyayari sayo? May problema ka ba o ano?"

Lumapit sya at niyakap ako. He sniffed my hair while brushing it using his hands.

"T-tristan.. Ano bang nangyayari sayo?"

Kumalas na sya sa pagkakayakap nya sakin. "Wala. I missed you."

"Okay? I think nagka-brain damage kana dahil dun sa askidente."

Hinawakan nya ang kamay ko. "Of course not. Just come with me."

Dinala nya ako sa isang playground.

"You want to play here?"

Nagnod sya. "Oo, nakakamiss kase yung mga bagay na natapos na."

Bago pa ako makapagsalita, hinila nya ako papuntang swing.

"Maupo ka lang dyan. Itutulak kita." ^__^

"Kapag ako nahulog ha!"

"Don't worry. Sasaluhin naman kita.."

Nagsimula na syang itulak ako.

"Alam mo, ang corny ma talaga."

"Nagmamahal lang."

"Eh bakit naman ako?"

"Corny ka din kaya dati." he muttered then pouted.

"At kelan naman nangyari yun?"

"Nung kayo pa."

*cricket sounds*

*cricket sounds*

"Bakit natahimik ka ata?" *smirk*

"Ako ba eh pinaglololoko mo?"

"Of course not. Hindi kita kayang lokohin. Kahit pa gawin mo sakin lahat ng mga nakakasakit na bagay, I would still be loyal to you."

Silence.. And another silence.. Silence.. Silence..

He muttered something.

"Ano?!"

"Wala. Sabi ko mahal ko yung babaeng may pulang buhok."

"Mahal ko rin yung lalaking mahilig akong gulatin everytime late akong umuuwi."

"Mahal na mahal ko yung babaeng nakasama ko ng limang taon sa Paris na isang certified corn addict."

'Daniel.. Mahal na mahal na mahal kita at ikaw lang ang mamahalin ko ng ganito..'

Parang nag-slo-mo ang lahat nung naalala ko yung sinabi ko ng gabing yun.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ansakit ng puso ko.. Parang hindi ako makahinga..

Bumalik ako sa realidad nung tumigil sya sa pagtulak sakin.

"Bakit? May problema ba?"

Nalingon ko sya. Humawak sya dun sa chain ng swing.

Isang mahabang katahimikan ang namagitan samin.

"How much do you love me?"

Natameme ako. Gaano nga ba kita kamahal Tristan?

My Knight on a Leather Jacket[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon