PROLOGUE

9K 127 37
                                    

Kinuha ni Kathryn muli ang larawan ng kanyang asawa at inilagay sa kanyang tabi, at humiga. Humiga siya at pumikit, nagkumot at pinapakiramdaman na ang simpleng bagay ay katawan ng kanyang asawa na nasa kanyang tabi. At heto nga, tuluyan na siyang nawala sa imahinasyon niyang may lalaking nakayakap sa kanya at bumubulong-bulong sa kanyang tainga.

Ugaling anim na taon niya nang ginagawa. Kasanayan na kailanma'y hindi nawala. Anim na taon at sa mga taong ito, nangyari nga ang hindi niya paglimot sa kanyang asawa, ni hindi niya pa rin natatanggap na wala na nga.

Umaaktong ayos lang sa lahat at tanggap niya na ang nangyari na salungat naman kapag mag-isa na siya. Maaaring nahihibang na nga si Kathryn sa pinaggagagawa niya na pinagmumukha niya sa sarili niya na kasama niya ang asawa niya sa kwartong anim na taon nang siya lang ang tao. Hindi man kita ng lahat pero sapat na ang sarili niya para malamang nagmumukhang tanga siya at umaasa.

Bakit pa nga ba siya umaasa kung ang katotohanan ay siyang ayun na nga?

Dahil may pagkakataon na hindi ang alam ng lahat ang magiging sandata upang tumigil na. Paano ba siya matatahimik kung anim na taon nang magulo ang utak at.. puso niya? Patuloy na may kung ano-anong konsepto ang gumagambala sa kanya.

"Tangi.." Tinig na narinig ni Kathryn at nagsitayuan ang mga balahibo niya. Napariin ang pagpikit niya at mas humigpit ang yakap niya sa unan.

Mas lalong nanigas si Kathryn nang may kamay na siyang naramdaman sa beywang niya at para na siyang nagugunaw. Hindi niya alam kung imahinasyon o nasa mundo na siya ng panaginip dahil sa nangyayari pero gising siya, gising na gising. Gising siya at hindi siya dadalawin ng antok dahil sa sobrang bilis ng kabog ng puso niya na hindi siya gawing kalma at tahimik.

Ngunit.. Ngunit hindi naman natuloy ang naiiisip niya nang malaman niya na kung kaninong boses galing ang kanyang naririnig. Hindi kay Daniel, kundi sa anak niya.

"Nanay.." Maliit at malambing na tawag ng bunso niyang si Isabel mula sa likuran niya.

Unti-unti nang bumukas ang mga mata ni Kathryn at kasabay nito ang pagpatak ng butil mula sa kanyang mata. Na naman.

"Nanay, gising ka pa?" Tanong pa ng batang nakayakap sa kanya.

Pinunasan ni Kathryn ang kanyang mata bago harapin ang anak niya. "Hmm, baby? Why are you here? I thought you're sleeping na sa room mo? You need something?" Mga tanong niya sa batang Kathryn ngunit hawig ni Daniel, para kay Kathryn.

Inayos ni Kathryn ang buhok na nakatakip sa mala-butones nitong mga mata na kuha mula sa kanya at maumbok na mga pisngi nito na pinanggigigilan niya.

"Did you call me Tangi?" Tanong nito at tumango ang anak niya.

"Sabi Mommy Min, lagi tawag sa'yo Tatay Tangi." Ngumiti ang anak niya at nawala ang ngiti ni Kathryn, napalitan ng lungkot at walang katapusang pangungulila.

Lagi naman.

"Why Tangi, Nanay? Parang tunog bungi." Bungisngis ng bata at natawa si Kathryn.

Daniella Isabel, anak nila, tao na siyang lamang dahilan ng ngiti at aliw niya.

Pinunta ni Kathryn ang anak niya nang mas malapit sa kanya at hinalikan niya ito sa noo bago sumagot.

"Tangi is one and only. That was Tatay and Nanay's endearment. It's like a sign or reminder for us to remember that we own each other. Tatay is mine and Nanay is Tatay's." Sagot ni Kathryn habang tinatapik niya ang binti ng anak niya.

A Chapter Untold (Broken Vows Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon