"Hindi talaga ako makapaniwala." Muling sinabi ni Trina matapos marinig mula sa kaibigan niyang si Kathryn ang mga ibang nalalaman nito tungkol sa asawa. Tungkol kay Daniel, tungkol sa anim na taong panloloko nito sa lahat na wala na siya, at tungkol sa lalaking ngayon ay may dala-dala nang pangalang Johnny.
Tanging pagsinghot na lamang ang nagagawa ni Kathryn sa tuwing nagbibigay ng opinyon at sumasagot ang mga kanyang kaibigan sa kanya. Dito, kasalukuyang nasa pribadong kainan si Kathryn, kasama si Arisse at si Trina, mga kaibigang malalapit sa kanya at bukod sa nanay niya, ito ang mga napagsasabihan niya ng problema. At ito ang unang beses na nakausap niya sa personal ang mga kaibigan matapos ang ilang buwan na tanging telepono lang ang komunikasyon dahil sa kawalan ng oras para gawin.
At sa pag-uusap sa telepono, dito nalaman nina Arisse at Trina ang isang pahayag na halos takasan na sila ng kaluluwa dahil sa kaunting sindak sa sinabi ni Kathryn sa kanila.
Si Daniel, buhay. Si Daniel, hindi naman talaga patay. Paano?
Tulad ni Kathryn, paano, ayan ang tanong nila. Kagabi lang sinabi ni Kathryn sa dalawang ito, na inasahan nga ni Kathryn na may ideya na o alam na ang dalawa tungkol sa buhay niyang asawa pero wala. At sa hindi pagkakaalam ni Kathryn, tanging ang mga ilang kalalakihang kaibigan ng asawa niya ang nakakaalam, nananatili pa ring sagrado sa iba, lalo na sa mata ng midya. At ngayon, dalawang bagong tao ang napagsabihan niya, at tingin niya, wala namang masama dahil malalapit na kaibigan niya naman si Arisse at Trina.
Sinabi niya, sinabi niya sa dalawang kasama niya na buhay ang asawa niya. Na akala pa ng dalawang ito, nagbibiro lang si Kathryn, ngunit nawaglit ang kaisipan ng dalawa nang magsimulang magkwento si Kathryn at nakikisabay rin ang mga luha sa kanyang pagsasalita. Hindi sila nagpaulan muna ng tanong at hinayaan muna si Kathryn na magpahayag, at sila, hindi makapaniwala.
At ang isa pang hindi nila mapaniwalaan ay ang makayang gawin ni Daniel ang lahat ng ito sa kaibigan nilang si Kathryn. Napapailing sila dahil imposible, imposibleng ang magawa ni Daniel ang lokohin si Kathryn sa anim na taon. Pero nangyari na nga, alin pa ba ang hindi nila mapaniwalaan?
"Naguguluhan ako.. Paanong.. Paanong nagawa rin ni Tita Carla na itago sa'yo 'to? Shit, 6 years, Kath. Tinago nila sa'yo na buhay si DJ, hindi lang pala sa'yo, pati sa mga anak mo, sa amin at sa lahat ng taong nakakakilala at nagmamahal sa kanya.. Bakit?" Mga sinabi ni Arisse na bakas ang kaguluhan sa utak dahil sa kunit ng noo at malalim na pag-iisip.
Bakit? Isang simple at payak na tanong na hindi masagot ni Kathryn. Pero isa lang, isa lang naman ang naglalaro sa kanyang isipan, at ang sagot na ito, katulad pa rin ng dati. Mismong sarili niya ang dahilan kung bakit. Maaaring hindi maisip nina Arisse ang dahilan pero siya, siya pa kaya?
"So all this time, may alam pala si Tita Carla. Pero hindi niya sinabi dahil si DJ ang may gusto? Pero mali, maling-mali.. Dapat sinabi niya pa rin sa'yo dahil may karapatan ka." Sabi pa ni Arisse at tsaka na rin sumagi sa isipan ni Kathryn na kaya pala madalasan ang mga kahon na padala mula sa ibang bansa ang napapansin niya at nagiging dahilan upang magpunta siya kasama ang dalawang anak niya sa biyenan.
Para saan? Para sa mga padala ng asawa niya sa mga anak niya.
Hindi pa sila nagkakausap ni Carla, hindi pa sila nagkakausap. Hindi niya alam, at isa lang ang nararamdaman niya. Panloloko mula sa isang babaeng itinuring niya na ring ina, na bukod sa nanay niya, ito ang nagsisilbing takbuhan niya sa tuwing may problema. Pero alam niyo 'yong masakit? 'Yung pati ang taong ito, itong taong pinagkatiwalaan mo, isa rin pala sa nanloko sa'yo sa loob na anim na taon.
BINABASA MO ANG
A Chapter Untold (Broken Vows Book 2)
RomanceSa isang istorya, may lihim na kabanata. Ipinagkait upang hindi na gambalahin pa ang alam ng lahat. Itinago, inilihim at ginawang isang palabas. At sila, hindi na binuksang muli dahil sa tagal ng panahon na ang nakalipas upang tuluyan na ngang kalim...