Nine

2.4K 90 51
                                    

Muling sinilip ni Min ang anak niyang nakahiga't talikod sa kanyang gawi mula sa likod ng pintong kinaroroonan niya. Hindi man niya kita ang mukha nito ngunit tanaw niya ang pagyugyog ng balikat nito at simbolo ng pag-iyak. At bilang ina, ramdam niya, dahil pati siya, ginagawa niya. Gusto niyang lapitan ang anak, gusto niyang damayan at kausapin pero wala ring pagtutuloy dahil kapag nilapitan niya ito, magiging pipi lang siya dahil maski siya ay tila naubusan ng salita para magsalita dahil sa pagtataka.

Pagtataka kung bakit luhaang umuwi ang anak niya kagabi, kita niya ang sakit at galit na dinadala nito, at pagtataka kung bakit naririto ang balae niyang si Carla ngayon sa bahay.

Na halos kamuntikan naman siyang atakihin nang makita kung sino ang kasama nito. Si Daniel, si Daniel na kasama ni Carla na hindi niya pa inalintana dahil ang akala niya ay namimilik-mata siya pero nagulat siya nang lapitan siya nito at bumeso sa kanya. Nagulat siya, hindi pala, nagugulat pa rin siya sa nakikita niya ngayon. Paanong naririto ang manugang niyang sumakabilang buhay ba? Narito sa kanyang harapan, hindi man nagsasalita ngunit nakikita niya itong buhay na buhay at wala ng bahid pa ng kahinaan.

"Wala, tulog pa rin siya." Sabi ni Min nang balikan niya si Carla na nandirito sa sala na kinaroroonan nila, katabi nito ang anak, si Daniel. Nakaupo at sa sahig lang ang tingin, na para bang wala ang atensyon nito sa dalawang inang nakakasama niya ngayon.

Napatingin muli si Min sa kanyang manugang, at ang tingin na ito ay tinging hindi pa rin makapaniwala. Nananaig pa rin ang pagtataka at kagustuhan ng paliwanag kung bakit at ano ang bagay na hindi niya alam. Pero hindi niya magawang magtanong dahil tulad ng anak niya, tanging pagluha na lamang ang kanyang nagagawa.

Napansin ito ni Carla, na pati siya ay hindi niya alam ang paliwanag at kwento na uumpisahan niya upang maintindihan ng balae niya. Hindi niya alam kung paano uumpisahan ang kwentong nabuklat sa bahaging sobrang kumplikado na upang maipaliwanag at mainindihan pa. Paano pa? Hindi niya alam ngunit isa lang ang gusto niyang hingiin, tawad. Gusto niyang humingi ng tawad dahil naging isang karakter siya sa pagpapalabas. Palabas na gusto niya nang magwakas.

Siya, titigil, ngunit mapigilan niya kaya ang anak niyang tuloy-tuloy pa rin sa paglandas?

"Hindi ko alam ang sasabihin ko." Pagsalita na ni Min. "Hindi ko alam.. Hindi ko alam kung ano."

"Ate Min, wala ka naman dapat sabihin. Kami, kami ang magsasalita. Kami ang magpapaliwanag." Saad naman ni Carla at bahagyang pinunasan ang luha sa pisngi.

Nanatili pa ring nakaiwas ng tingin si Daniel na pati siya, hindi niya alam ang sasabihin niya. Sa dami ng mga nagawa niya, sa mga pangyayaring nasa loob ng anim na taon, wala ni isa siyang masabi sa dahilan kung bakit pa ba siya magpapaliwanag. Bakit niya pa nga ba siya magpapaliwanag? Hindi pa ba sapat ang paliwanag ng asawa niyang siyang unang gumawa ng lahat ng ito?

"Gusto naming humingi ng tawad.." Panimula ni Carla pero umiling agad si Min at napangiti nang tipid.

"Gusto ko ring humingi ng tawad pero hindi dapat kayo nagpapaliwanag sa akin. Hindi dapat sa akin.." Sabi ni Min pero hindi makakampante si Carla rito, dahil isa rin siya sa naloko at wala man ideya si Min sa konsesya na mayroon siya sa tuwing tumatakbo ang taon. Ngunit paano nga bang nadala ng konsensya niya ang panlolokong ito na umabot sa anim na taon?

Anim na taong panloloko, anim na taong napaniwala sa isang kalokohang pinalago. Mahirap nang maibalik ang tiwalang tila isang basong basag na at hindi na kayang buuin pa.

Oo, tama nga si Min, hindi dapat sa kanya humingi ng tawad ang dalawa dahil unang-una sa lahat, hindi naman siya ang nasa loob ng kalokohan na ito na pinaliligiran ng pighati at luha. Hindi siya, ngunit ano pa't kailangan pa nila ng kapatawaran kung tapos na at nangyari na?







A Chapter Untold (Broken Vows Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon