This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
--
"MOMMY!!!"
"It's not Mommy, it's Nanay!"
"MOMMY!!!" Sigaw ulit ng batang babae kasabay na ng pag-iyak nito upang magpunta ang ina sa kanya. Tuluyan na itong umiyak at sumalampak na sa sahig ng kinaroroonan niyang sala, kasama ang nakakatanda niyang kapatid na nakaupo naman sa kanilang mamahaling sofa.
At sa rindi nito sa pag-iyak ng kapatid niya ay napatakip siya ng tainga at nawalan na ng konsentrasyon sa kanyang nilalaro sa gadget nito. Kunot ang noo nito at bakas sa mukha ang inis sa kapatid.
"Isabel! Ang ingay mo!" Sigaw ni Samuel sa kapatid niya at hindi niya namang inasahan na titigil ang kapatid niya, bagkus ay mas iniinis niya ito sa walang dahilan. Sa walang dahilan.
Sa walang dahilan nga ba?
"I hate you, Sam!" Suminok ang bata dala ng pag-iyak niya at yakap-yakap pa nito ang manika na binili ng kanyang Lola.
"I hate you, too. Shut up! You sound like a parrot!" Sagot ni Sam na nakikipagtigasan sa kanyang kapatid.
"Sumbong kita kay Mommy!"
"Wala kang Mommy. Nanay ang mayroon sa atin."
"Mommy!"
"Wala nga!"
"Mommy!!!"
"Bahala ka diyan."
Hindi huminto ang sumbatan ng magkapatid. Nagmatigasan, patuloy na nagpipikunan, at si Samuel, walang pakialam sa munting babaeng nasa harapan niyang umiiyak at pawis na sa kahihikbi, magulo ang mahaba nitong buhok at marumi na rin ang kasuotan dulot ng paglalaro nito sa bakuran ng bahay.
Ilang minuto pa, unti-unti na ring kumupas ang iyak ng bata. Nagpunas na ito ng luha pero kunot pa rin ang noo nito at namumula pa rin sa inis ang maumbok na mga pisngi nito. Matalim na tinignan ulit nito ang kapatid niya na nakatutok na ulit sa paglalaro sa hawak nitong gadget. Tumayo si Isabel at kinuhang muli ang hawak nitong manika sa sahig at dala ng emosyon na mayroon siya ay binato niya ito sa kanyang Kuya. Sapul sa mukha ni Sam na mas ikinapikon pa niya lalo sa kapatid.
Bakas ang gulat kay Samuel at napalakas ang tama ng kapatid niya dahilan upang mahulog ang hawak niyang iPad.
"Fck! What the fu--"
"Sam!"
Tuluyan nang naputol ang namumuong tensyon sa magkapatid nang dumating na ang taong inaasahan nilang magpupunta para sa kanilang dalawa. Na naman, lagi namang nag-aaway ang magkapatid na 'to, ni simula nang magkamulat ang bunso, walang araw o pagkakataon na magkasundo ang dalawang ito. Puro pikunan, biruan at sumbatan sa simpleng bagay na silang nagpapalaki upang maging away. Away na ikinakasakit naman ng loob ni Kathryn sa pagitan ng mga anak niya sa mga taong nagdaan.
Parang noon, may kasama siyang susuway sa mga anak niya na nakasaad sa plano nila, ngayon, mag-isa na lang siyang ginagawa ito.
Anim na taon.
"Sam, bakit mo naman sinisigawan ang kapatid mo? At sinabi ko na sa'yo, 'di ba? Tanggalin mo 'yang pagmumura mo." Pinilit ni Kathryn na huwag pagtaasan ulit ng boses ang panganay niya kahit hindi na kaya ng pasensya niya ang hikbi ng pangalawa niya na halatang may ano-ano na namang ginawa si Samuel dito.
BINABASA MO ANG
A Chapter Untold (Broken Vows Book 2)
RomanceSa isang istorya, may lihim na kabanata. Ipinagkait upang hindi na gambalahin pa ang alam ng lahat. Itinago, inilihim at ginawang isang palabas. At sila, hindi na binuksang muli dahil sa tagal ng panahon na ang nakalipas upang tuluyan na ngang kalim...