"DJ.. Sabihin mong nananaginip ako ngayon, simula kanina pa.." Bulong ni Kathryn sa kay Daniel habang magkaakap silang dinuduyan at isinasayaw ang isa't isa rito sa gitna at pinalilibutan sila ng kanilang mga bisita.
Lumayo nang kaunti si Daniel para tignan ang kanyang asawa, ang salitang iyon na hinding-hindi siya binigo na napakasarap sa kanyang pandinig. Natawa na lamang siya at hinawi ang ilang hibla na tumatakip sa kagandahan ng kanyang Kathryn.
"Ano pa ba ang gusto mong gawin ko para mapaniwala kang hindi ka nananaginip, Mahal?" Pagbalik ng tanong ni Daniel at muli nang ipinatong ang noo sa balikat ni Kathryn, pumikit, at tulad nga ni Kathryn, hindi niya maikaila na pati siya ay inaakalang nananaginip siya dahil sa sobrang kasiyahan na nararamdaman niya ngayon. Ngayong sandali na ito simula kanina nang sumagot ng oo ang babaeng yakap niya ngayon at wala na siyang balak bitawan pa.
Sino nga ba ang mag-aakala na sila pa rin pala ang nagkatuluyan? Na ito, nakatayo silang sila pa rin ang naninindigan? Na pati si Daniel ay nawalan ng pag-asa nang maisip niya na ito na lang ang tanging paraan.. Na kailangan na lang idaan sa sorpresa kahit mas namamayani ang malaking porsyento na tanggihan siya rito mismo sa kasal na pinlano niyang gulatin si Kathryn. Kumbaga ay sumugal siya, wala nang kasiguraduhan. Umabante siya kahit pilit na umaatras ang sarili niya na umaasa lang siya sa wala.
Pero hindi, dahil naging kakampi niya ang Diyos para sumang-ayon ang tadhana sa plano niya.. Naging kakampi niya ang Diyos para muling mapasakanya ang babaeng nag-iisang laman lang naman ng buhay niya. Walang naging imposible, wala namang imposible kapag ayun naman talaga ang nakatakda.
Alas 7 ng gabi, narito pa rin sila sa dalampasigan kung saan ginanap ang kanilang kasal, sa ikalawang pagkakataon, sa buhay na may kalakip na pagbabago. Madilim na, subalit gaya ng nakapalibot na mga bisita at mahahalagang tao sa kanila ngayon ay ang nakapalibot ding palamuti at nagkikislapang mga ilaw.
Ilang oras na ang nakalipas, para pa ring nililigaw si Kathryn sa isla nang nananaginip. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari kani-kanina lang. Patuloy pa rin niyang tinatanong ang kanyang sarili kung totoo ba 'to at kung ano 'to.
Gulat nga siya, nasorpresa siya. Wala siyang kaalam-alam, ni kahit katiting na ideya na siya pala ang ikakasal ngayon. Dahil sa uulitin, paano niya ba malalaman kung hindi naman ipinaalam sa kanya. O kahit man binasa niya ang imbitasyon, 'di niya malalaman dahil walang pangalan na nakalagay doon. Tanging pag-imbita lang na dumalo.
Planado kung planado nga ni Daniel, at hindi lang naman siya ang nagplano nang mag-isa. Kasama niya ang mga kaibigan niya, ang pamilya niya at ang pamilya rin ni Kathryn na bago pa siya humingi ng tulong ay humingi siya ng tawad sa lahat ng kanyang mga nagawa. Inamin niya ang lahat ng kanyang mga kasalanan, mga bagay na sinaktan si Kathryn sa haba ng panahon. At inaamin niya, hindi naging madali ang pakikipag-usap na ito sa tatay, nanay at mga kapatid ni Kathryn dahil ramdam niya ang tensyon at namumuong galit ng mga ito sa kanya. Pero katulad ng pag-asa sa kanyang maaayos pa ang lahat ay nangyari, muling nag-ugnay ang koneksyon sa sa kanya at sa pangalawang pamilyang itinuturing niya.
At ngayon, labis siyang natutuwa dahil nagtagumpay siya, nagtagumpay siya sa planong ito, sa kasal na ito. Pag-iibigan pa rin nila ang nanalo.
Natapos ang kasal nila at pag-aasikaso sa mga bisita ang pinagkaabalahan nila. Pagbati, pakikipag-usap, at kung ano-ano pa, at pagkatapos ay kumain na rin naman sila. Pero ngayon, narito sila sa gitna ng lahat na kung saan ay parang silang dalawa ang naririto, dinadama ang bawat isa sa pamamagitan ng pagsayaw.
"Ang ganda talaga ng dagat, 'no? Thank you so much, Bal, dahil dito mo pa rin ako dinala.." Sabi ni Kathryn dahil ramdam niya ang pagkalma ng sarili niya sa lugar, hindi naman nagbago.
BINABASA MO ANG
A Chapter Untold (Broken Vows Book 2)
RomanceSa isang istorya, may lihim na kabanata. Ipinagkait upang hindi na gambalahin pa ang alam ng lahat. Itinago, inilihim at ginawang isang palabas. At sila, hindi na binuksang muli dahil sa tagal ng panahon na ang nakalipas upang tuluyan na ngang kalim...