Nineteen

4.6K 106 124
                                    

10,400 words po 'to. Salamat po sa paghihintay. Sana.. Sana magustuhan niyo po. Hehezz. Ito na!!!

--

Kung may isang hindi kapani-paniwalang nangyayari ngayon, ayun ay ang paggising ni Kathryn nang madaling araw pa lang. Madaling araw, subalit hindi pa man tuluyang bumabangon ang araw at wala pang liwanag na natatanaw, si Kathryn naman ay tila isang buwan na gising na gising ang diwa at mulat ang mga mata. Kanina pa kung tutuusin.

Pipikit siya, at ilang oras naman ay magigising siya. Pipikit muli, at magigising muli ang kamalayan na tila ba hindi makapaghintay na tuluyan nang magpakita ang araw sa kanya upang magkaroon na ng dahilan na bumangon at gawin ang mga nais ayon sa planong inilatag niya kagabi lamang.

Hindi siya makatulog, hindi siya nagkaroon ng tulog na maayos. Hindi na bago, hindi bago. Ngunit may bagong dahilan, hindi na dahil sa mga problema, hindi dahil sa sakit at paglutang ng mga isip niya sa pagiging negatibo. Dahil ngayon, ngayon simula kagabi ay naramdaman niyang muli ang pakiramdam na ipinagkait sa kanya sa tagal ng panahon. Naramdaman niyang muli ang pakiramdam na maging isang ina sa panganay niyang si Samuel.

Siya ngang dahilan kung bakit hindi siya makatulog. Pikit-mulat ang mga mata niya, nagbabakasaling isa na namang ilusyon ang nangyaring konprontasyon sa kanila ni Samuel kagabi. Na o baka nama'y isang panaginip o dahilan ng nangyari ay naisip niya lamang ang bagay na iyon. Pero paano mapapatunayan ang mga duda niya sa nangyari kung ngayon ay tanaw niya na naman ang papel na kung saan ay nakasaad ang tula na ginawa ng kanyang anak para sa kanya? Ang tulang hindi naman pala puno ng salita, kundi emosyon at pag-asa.

Pag-asa, siya ngang salita. Pag-asa, hiling ng may-akda.

Hindi maipaliwanag ni Kathryn ang nararamdaman niya, at ang tanging nagagawa niya na lamang ay magpasalamat nang paulit-ulit sa Diyos. Nagsusumigaw ang puso niya sa pagpapasalamat dahil ibinigay Niyang muli ang pagkakataon na maging ina sa anak na anim na taong hindi niya nagawa dahil sa siya ang ugat ng dahilan kung bakit hindi. Aminado siya roon, at aminado man siya kung hindi na siya ituring pa ni Samuel bilang isang ina.

Pero ano ba ang nangyari? Isa ngang mahika na binigyan siya ng pagkakataon, ibinigay sa kanya ang pagkakataon na hindi niya inakalang mangyayari pa. Isang pagkakataon na nakapagpagulat sa kanya dahil ang sarili niyang ubos na ubos na, napuno bigla simula nang kumatok ang panganay niya sa kanya. Isang pagkakataong tila isang magnanakaw na hindi niya inaasahang tinangay bigla ang emosyong nilulugmok siya at napalitan ng sobrang galak. At isang pagkakataon na halos hindi niya nga tinulugan dahil kung isang panaginip lamang, lulubusin niya ang bawat segundo na yakap niya ito.

Ngunit sa labas na kasiyahan na ito, lumuluha siya at hindi nga makatulog dahil sa takot na baka pagkagising niya, bigla na namang mag-iba.

Sadyang natural na nga kay Kathryn ang pagiging negatibo. Sa lahat ng pinagdaanan niya, hindi bago sa kanya ang pag-iisip ng mga maaaring mangyari sa sayang nararamdaman niya sa isang araw at mga bagay na nakakatakot para sa kanya na posibleng maging kapalit ng kasiyahan ito. At ang isa pa, magising siya na sa isang iglap, isa lang palang ilusyon o panaginip sa kanya. At isa na namang pagdadalamhati ang idudulot sa kanya sa mga susunod na araw.

Subalit wala namang laban ang tao sa tadhanang siya ang nakalaan at naaayon.

Ngunit may isa pa.. May isa pang dahilan ng hindi pagtulog ni Kathryn.. Dahil bukod sa tula ng kanyang anak, may isa pang katagang sinabi si Samuel sa kanya. Isang hiling.. Ang kahilingan ng anak niyang makipagbalikan kay Daniel. Na kung saan ay kita niya ang pagmamakaawa ng anak niya sa kanya na gawin ang hiling nito sa kanya. Nakita niya rin sa bawat butil ng luha ang pangungulila sa pamilyang inaasam-asam sa tagal ng panahong hindi nabuo at nagkasama. Gaano kahirap para hindi iyon magawa at mapagbigyan ni Kathryn ang kanyang anak? Sino siya para ipagkait ang kahilingan ng isa pang batang hindi niya matanggihan?

A Chapter Untold (Broken Vows Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon