Special Chapter Three

3.7K 60 22
                                    

Binuksan ko ang pinto at 'di na ako nagulat nang siya ang bumungad sa'kin. Mas lalong lumawak ang ngiti ko pero 'di tulad niya na nakasimangot at parang nagtatampo. Ano na naman ang dahilan ng pagsimangot ng asawa ko?

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong niya sa'kin at kunot pa ang kanyang noo. Nakapamewang din.

Imbes na magalit ako, mairita sa kanya o magtaka pa kung bakit siya nagagalit sa'kin, naidadaan ko na lang sa pagngiti. Hindi, mali pala.. Talagang pagngiti naman na ang aking nagagawa sa tuwing nagkakaganito siya. Normal na lang sa'kin 'to.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. At akmang hahalikan siya sa pisngi at sa mga labi niya pero mas lalo siyang nairita sa'kin dahil lumayo siya at mahina akong itinulak.

"Ano ba 'yan?! Ang baho mo! At amoy alak pa!" Singhal pa niya.

Pumasok na siya sa loob ng silid namin at ganoon din ako, nakasunod ako sa kanya hanggang sa umupo siya sa gilid ng kama naming dalawa. Ano'ng oras na ba? Alas 9 na rin ng gabi, gabi na ah. Sinabi kong matulog na siya at baka magabihan ako ng uwi pero wala, hinintay pa rin niya ako.

Nayaya lang naman maglaro ng basketball at napainom na rin pagkatapos. Hindi sa bar, syempre, sa condo lang ni Pat. Kung sa bar, 'di na ako magtataka kung sa guest room ako patulugin ni Kathryn.

Ito na nga oh, naiirita na siya sa presensya ko. Iniintindi ko siya dahil buntis siya and lately, ang bilis niya mainis at magalit. Pero ganoon na rin 'yong bilis ng paghupa ng galit niya. Magalit pa kaya siya sa binili ko para sa kanya.

"Tangi.." Tawag ko at ipinakita sa kanya 'yong laman ng bag ko.

Tumingin siya sa'kin at mula sa pagkakalikot ng phone ay nabitawan niya ito nang makita niya 'yong pasalubong ko para sa kanya.

"Wow! Chicharon bulaklak!" Masiglang sabi niya at lumapit na sa'kin pero itinaas ko 'yong pasalubong kong ata siyang makuha kaya napasimangot ulit siya. "What?" Iritado pa niyang sabi.

Tumaas ang mga kilay ko at ngumuso sa kanya. "Kiss ko muna."

"I don't want. Akin na 'yan!"

"Edi I don't want din." Kunwaring sagot ko.

"Ehh! Sino boss dito? 'Di ba, ako?" Ayan na.

"Kiss mo muna ako."

"Ehh! Ang baho mo!"

Inamoy-amoy ko sarili ko, gusto kong sabihan na OA ang asawa ko ngayon dahil okay pa naman ang amoy ko. Pero alam niyo na, buntis kaya 'di ko rin masisi sa pagiging weird niya kadalasan.

Ako? Mabaho? Pero mamaya-maya, magpapayakap naman sa'kin. Sino'ng niloko ni Kathryn?

Ibinigay ko na lang 'yong binili ko para sa kanya at natuwa siya. Naglulundag-lundag pa at nataranta ako sa ginagawa niya kaya pinigilan ko siya. 4 months.. 4 months na. Lumalaki na rin ng Baby Tangi namin.

Buong buhay ko.. Mali, paano ko ba uumpisahan? Hindi ko rin alam. Parang ang tagal para matapos ko kung babalikan ko pa ang nakaraan. 'Yung pagsisisi, 'yong mga panghihinayang ko, 'yong mga kagaguhan at katarantaduhan ko, 'yong mga kasalanan ko sa kanya. Sa totoo lang, ayaw ko nang balikan pero napapaisip ako minsan, kung hindi naman dahil sa mga 'yon, hindi ako makakarating sa puntong 'to. Pero 'di ko sinasabing nagustuhan ko 'yon.

Ang daming nangyari, ang bilis ng mga pangyayari. 'Yung sa isang iglap, parang boom, biglang nagbago ang lahat. Ang tagal na rin ng panahon, parang pakiramdam ko, ang tagal ko nang namumuhay para makabisado ang tunay na ikot ng mundong 'to. Sino na nga ba ako? Sino na nga ba ako sa panahong mahina ako? Sino na nga ba ako sa panahong nagmatigas ako?

A Chapter Untold (Broken Vows Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon