Fourteen

2.8K 92 55
                                    

SPG: TEMA, LENGGWAHE, KARAHASAN.

"Tangina." Katagang lumabas kay Daniel sa dalawang taong natatanaw niya ngayon, malayo man ngunit pokus kung pokus ang tingin sa dalawang taong ito na naging dahilan kung bakit siya nagkaroon ng init ng ulo. Lalo na sa lalaking hindi magkamayaw ang saya na nararamdaman dahil pati ang mga mata ay nakangiti.

Napatiim-bagang siya at umiling dahil mismong sarili niya ay hindi niya alam kung bakit nga ba siya naiinis. Hindi niya alam, at ang gusto niya lamang malaman ay paanong naririto ang lalaking ito sa lugar na kasama niya ang kanyang asawa. Hindi nagtagal, nagkaroon din naman siya ng sagot. Naisip niya na baka kay Kathryn mismo galing at baka nga ay pinapunta ni Kathryn ang lalaki rito. At dito, mas lalo siyang naiiinis dahil muli, pilit niyang tinatanggal ang pakiramdam o emosyon ngayong kita niya ang pagpunas ng kamay ng lalaking ito sa labi ni Kathryn.

Mula rito sa sala na mayroon ang resort hanggang sa hardin, kita niya si Kathryn at ang lalaking hindi niya makakalimutan at may pangalang Justin. Nandito siya simula nang madatnan niya ang agaw-atensyon na parte nitong resot dahil sa pagkantyaw ng ilan na siya rin umagaw ng atensyon niya para lumapit at silipin kung ano ang mayroon. At rason nga upang hindi na siya magpatuloy sa pagpunta sana sa silid nilang mag-asawa.

Paano pa nga ba niya babalikan sana ang babaeng inasikaso niya kagabi dahil sa pagsusuka kung mukhang mabuti na ang kalagayan at ngayon ay may kasama ng iba?

Napailing na lamang si Daniel at muli na lamang dumako ng tingin sa dyaryong kanina niya pa binabasa. Binabasa? Hindi, hindi pala, pilit niya lang binabaling ang atensyon niya sa papel pero ang totoo ang pabalik-balik ang kanyang mga mata sa dalawang taong hanggang ngayon ay agaw-atensyon pa rin sa kanya.

"Ay, siya yata 'yong kasama ni Kathryn Bernardo rito sa resort."

"Boyfriend niya? Pogi rin ha."

"Ang sweet."

"Parang numukhaan ko nga eh. Artista ba?

"Girl, basketball player ng PBA. Justin De Vera."

Impormasyong narinig ni Daniel sa grupo ng kababaihan na malapit sa kanyang kinaroroonan, at muli, tumingin ulit siya sa lalaki at tila ba iwinasto ang nalaman niyang impormasyon sa hitsura. Oo, basketbolista nga dahil sa tangkad at pagkakaroon ng matipuno na katawan. At oo, hindi malayong hindi magustuhan ng asawa niya dahil bukod sa may hitsura, mukhang galing sa mayamang pamilya at edukado.

Mga karakter na noon ay nilalait-lait niya ang sarili niya dahil wala siya, hindi siya ganoon. Ang mayroon lang siya sa panahong iyon ay isang babaeng handa siyang ipaglaban at tanggapin kasi ano at sino siya. Ngunit paglipas ng panahon, naging isa lamang abo, hindi naman siya nito pinaglaban hanggang sa huli, siya rin itong sumuko.

Bumaling naman si Daniel ng tingin ulit sa asawa niyang tahimik na kumakain at pangiti-ngiti rin. Pinagmasdan niya at hindi na nga niya bakas ang inaasahan niyang masamang pakiramdam na bubungad sa kanyang asawa dahil sa pagkalasing kagabi.

"Marunong na siyang maglasing?" Tanong pa ni Daniel sa kanyang sarili. "Wala naman akong pake." Sabi niya pa sa huli.

Naisip niya, hindi naman malabo. Ilang taon niya itong hindi nakasama kaya posible nga. Pero ang hindi niya mawala sa kanyang isipan ay ang pigura ni Kathryn kagabi habang may isang estrangherong lalaking nakahawak sa beywang nito, at nakakatawa para kay Daniel dahil hindi niya makita ang babaeng kilala niya na hinahayaan lamang ang lalaking iyon na hawak-hawakan siya kahit saan. At ngayon, isang lalaki na naman na nobyo ang posisyon nito kay Kathryn at may gana pang magpunta sa bahay niya upang bisitahin ang kanyang asawa at mga anak?

A Chapter Untold (Broken Vows Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon