EPILOGUE

4.8K 125 88
                                    

Kung mayroon mang yugto ng buhay na masasabi mo kung ano talaga ang kahulugan ng buhay, ayun ay ang pagpapakasal. Kasal, sadyang kay sarap nga sa pandinig. Ito 'yong parte ng relasyon na namamagitan sa dalawang tao na nais marating at mangyari sa kanilang buhay. Na maikasal sila at ang dalawang sila ay maging isa. Maliban na lamang kung pilit at hindi ginusto ng bawat isa o kahit ng isa.

Sa kabuuan, ang pagpapakasal, masaya at kaba ang mararamdaman. Ng dalawang taong may gusto, ng mga magulang ng dalawa at ng mga taong saksi sa pagmamahalan ng dalawang ito. Nandoon din 'yong sabik, 'yong lungkot na mula sa mga magulang, at 'yong sobra-sobrang kaligayahan na wala nang tutumbas at abot hanggang kalangitan. Nandoon ang lahat ng kahit ano pang salita ang maihalintulad sa pakiramdam na hindi mo maipaliwanag dahil hindi sapat ang salita o kahit man pag-akto para mapunan ang kasiyahan na hawak mo sa oras na ito, nasa iyong tapat mo na siya at wala nang makakapigil pa upang maghiwalay kayong dalawa.

Pagpapakasal. Ito 'yong paksa at estado na masasabi nating seryoso at hindi laro, bagkus ay pinag-iisipang mabuti at may kalakip na paninindigan sa desisyon at rason kung bakit. Kung bakit gusto mo nang humantong sa parte ng buhay na sakripisyong handa mong bitawan ang lahat kung maituturing. Na hindi katulad ng pagsubo ng mainit na kanin na kapag napaso ka ay iluluwa mo. Hindi tulad ng laro na kapag natalo ka ay wala na, tuluyan ka nang susuko. Na hindi tulad ng paglalaro ng pisikal na mga laro na kapag nasaktan ka ay ayaw mo na. Na hindi rin tulad ng kandila na kapag naubos na ay wala na, naubos ka na rin.

Maaaring sa umpisa ay masasabi mong masaya ang pagpapakasal dahil sa wakas, ligal na makakasama mo na ang taong nasa hinaharap mo, 'yong taong alam mong makakasama mo hanggang sa huli at 'yong taong pinakamamahal mo. Siya ngang tunay, totoo naman. Subalit sa buhay, walang permanente. Dahil kahit ano pang nararamdaman mong kasiyahan sa araw ngayon na kaharap mo siya sa altar, ang kasiyahan na ito ay mawawala upang subukin kayong dalawa. Ano'ng salita ang tumutukoy sa mga kataga, pagsubok.

Wala ngang permanente, ang lahat ng bagay ay nagbabago. At sa bawat pagbabago, nakakadiskubre ka ng mga bagay-bagay na bago nga mula sa iyong pagkakaalam mula sa isa't isa.. Na ang hantungan ay 'di pagkakaunawaan o maaari ring away o pagsuko.

Oo, alam ko 'yan. Alam namin 'yan. Normal naman. Sinasabi ng dalawang tao nang matungtong na nila ang unang linggo, unang buwan at unang taon pagkatapos ang pagpapakasal. Dahil ang pagpapakasal, hindi lang naman patungkol sa masayang pagsasama, sa maayos at ginhawang natatamasa ng dalawang tao. At alam iyon ni Daniel at Kathryn noon pa man, at nangako sila na walang kahit anong ihip ng unos sila magpapahina at magpapaapekto.

Subalit ano ang nangyari sa kanilang dalawa? 'Yung paninindigan nilang lalaban sila at hindi magpapatalo kahit ano pang away, pagsubok, husga o duda, ay nilunok nilang dalawa. Nagpahina sila, naging mahina, hanggang sa humina nang humina nang humina.. Hanggang ang mga sarili nila ang siya na ring sumuko at hindi na lumaban, na para bang tinanggap na hindi sila ang itinadhana.

Ang saya nila sa mga nagdaang taon at sa panahong nagsisimula sila, pero naging lungkot nang dumaan ang unos upang subukin sila. Hindi nga naging permanente, at ang kasiyahan at pagmamahal na hawak nila ay hindi na nanatili.

Naghiwalay silang dalawa at ang isa ay nakatakdang ikasal ngayong araw. Ngayon mismo, at ang siya nama'y.. May mas hihigit pa ba sa pagdadalumhati na pakiramdam? At para bang living ang kanyang pupuntahan dahil sa pagluluksang nararamdaman niya.

Napalunok si Kathryn, hindi niya malaman kung ilang beses na. Basta ang alam niya lang, nanunuyo ang lalamunan niya, subalit ang kanyang mga mata ay nagsisimula na namang mamasa. Na kahit anong pagpunas niya, hindi niya makontrol ang hindi pa rin pagtila.

A Chapter Untold (Broken Vows Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon