"Is this me, Nanay? Noong nasa tummy mo pa ako?" Rinig ni Daniel na tanong ni Isabel sa kanyang asawa kaya napalingon siya mula rito sa aparador na kinaroroonan niya sa kanyang mag-ina na narito ngayon sa kanilang kama.
Bahagya siyang nagtaka kung ano ang itinatanong ni Isabel kay Kathryn hanggang sa makita niya kung ano ang hawak ni Isabel, hindi isang ordinaryong kopya ng litrato, kundi litrato ng ultrasound ni Kathryn sa panahong ipinagbubuntis ni Kathryn ang bunso nilang si Isabel. Siya nga.
Napangiti siya at napatingin siya kay Kathryn, pero nawala nang hindi niya masilayan ang ngiti ng kanyang asawa. Nakatingin lang ito sa ipinapakita ni Isabel sa kanya at para bang malalim na nag-iisip habang tinitignan ang litratong iyon. Bigla naman siyang nabahala kung may problema ba o masakit kay Kathryn. Minabuti niya na lang na bilisan ang pagpapatuyo ng kanyang buhok at pagsusuot ng damit bago puntahan ang kanyang mag-ina at para malaman na rin kung ano ang tila ba bumabagabag sa isipan ni Kathryn.
Katatapos lamang maligo ni Daniel. Kanina lamang ay sabay na silang nagpunta ni Kathryn dito sa kanilang silid pagkatapos nilang maghapunan sa isang pribadong kainan, silang dalawa at ang kanilang dalawang anak. Dahil inabot na rin sila ng gabi sa trapiko kaya minabuting sa madadaanang kainan na lamang sila maghapunan at para hindi na maghanda pa rito sa kanilang bahay.
Kaninang umaga lamang ay galing din sila sa bahay ni Carla, pagbisita at paglipas ng halos buong araw doon sa pananatili. Hapon nang mapagpasyahan nilang umuwi at ang plano sana ni Kathryn na siyang maghanda ng hapunan ay hindi nangyari dahil nga sa ginabi sila ng uwi. Linggo-linggo nilang kinagawian iyon at ganoon din sa ina nilang si Min.
Natapos si Daniel at lumapit na rin sa kanyang mag-ina na narito sa kamang nagkalat ang mga litratong inaayos ni Kathryn, tumabi siya kay Kathryn. Napalingon si Kathryn sa kanya nang mabilis niya itong hinalikan sa balikat na nakasalubong sa kanya. Ngumiti siya at ngumiti na rin naman si Kathryn sa kanya, pero alam niyang pilit. Hindi muna iyon inalintana ni Daniel pero sinisigurado niyang kapag wala na ang anak nilang si Isabel dito sa silid ay uusisain niya kung may problema man si Kathryn.
Isa-isa niya na lang tinignan ang mga ito at tulad ng anak niya ay naenganyo siyang kunin ang mga ito at isa-isang suriin na kanya namang ginawa. Mga litrato ni Samuel at Isabel, simula noong bata pa ang mga ito hanggang sa kasalukuyan. At ang sunod na nahagilap ng kanyang mga mata litrato na kung saan ay buhat-buhat niya ang sanggol sa kanyang bisig, hindi man nakatingin sa kamera ay tandang-tanda niya na sobrang saya niya sa panahon na ito, kuha ni Kathryn. Humihiling siya na sana ay nahagkan din niya si Isabel noong sanggol pa ito. Na sana ay narinig niya ang unang salitang babanggitin ng anak niya.. At nakita rin niya sana si Kathryn kung ano at paano siya noong pinagbubuntis niya ang pangalawang anak nila.
Pero naisip niya, malamang, nagdadalumhati lang naman ang babaeng iniwan at pinabayaan niyang mag-isa sa panahong kailangan niya ng kasama.
Kinailangan nang ibaling ni Daniel ang kanyang atensyon sa kanyang mag-ina upang makaiwas sa nakaraan na binabalikan niya, dahil sa tuwing iniisip lang niya ang mga pagsisisi niya sa kanyang mga nagawa, nagkakaroon lang siya ng galit para sa kanyang sarili.
"Tara na, baby. Sleep ka na." Saad ni Kathryn at kita ni Daniel kung paano kunin ng kanyang asawa ang ultrasound picture nito mula sa kanilang anak at pansin niya na isiniksik ni Kathryn ang litrato sa album na hawak nito, na para bang itinatago ito sa kanya.
"No, ayaw ko pa." Tanggi ng bata. "Gusto ko pa tignan pictures."
Napabuntong-hininga si Kathryn at malamlam lang ang mga mata niya tulad ng pagngiti niya. "Okay."
Ilang sandali ay nagpaalam si Kathryn kay Daniel na sunod namang magpupunta sa banyo. Mula sa pagkuha ng tuwalya hanggang sa pagpasok sa banyo ay nakasunod lamang si Daniel ng tingin sa kanyang asawa. Umaasa siyang lilingunin siya nito pero para bang may nagawa siyang mali dahil sa hindi nito pagpansin sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Chapter Untold (Broken Vows Book 2)
Storie d'amoreSa isang istorya, may lihim na kabanata. Ipinagkait upang hindi na gambalahin pa ang alam ng lahat. Itinago, inilihim at ginawang isang palabas. At sila, hindi na binuksang muli dahil sa tagal ng panahon na ang nakalipas upang tuluyan na ngang kalim...