Aligagang inaayos ni Kathryn ang gamit niyang kakailanganin niya sa kanyang pupuntahan. Pero sa totoo, hindi lang naman 'yong kakailanganin niya. Ito, hanggang ngayon, patuloy pa rin sa pangkakalkal sa iba't ibang pitaka at bag niya upang na nagbabasakaling makita ang bagay na makakapagpatahimik sa kanya, dito sa kanyang silid kung saan ay naririto rin si Justin at naaapektuhan sa kanyang kilos. Kanina pa nahihilo si Justin sa pagpunta rito at doon ni Kathryn, at sa tingin niya, ang dami na namang iniisip nito dahilan ng pagiging taranta niya sa pagkilos.
"Hey, kumalma ka nga.. Para kang nawawala sa sarili." Natatawang sabi na ni Justin sa kanyang nobya. Mula sa pagkakaupo niya sa kama ay pinuntahan niya si Kathryn na nasa harap ng salamin at hinila para isama sa pag-upo.
Hindi naman na nagpapigil si Kathryn pero hindi pa rin natatanggal ang kunot ng noo niya at problema sa kanyang mukha. At mukha pa siyang naiiyak dahil hanggang ngayon ay hindi siya matahimik na wala na nang tuluyan ang bagay na kanyang hinahanap simula noong nakaraang mga araw.
Paano ba siya matatahimik kung maisip niya lang na talagang nawala na iyon ay sobrang kapos ang konsensya niya ara tanggapin iyon?
"Ano ba ang problema mo, Kath? Para matulungan kita.." Sabi pa ni Justin habang hawak ang dalawang kamay ni Kathryn ngunit ang atensyon ni Kathryn ay nasa sulok ng kanyang kwarto na para pa ring nililigaw ang kanyang isip sa nawawalang iyon.
Na kahit ilang beses niya nang balikan at halungkatin ulit, wala talaga siyang makita na singsing. Ang tanging hindi niya pa nagagawa ay ang puntahan ang sementeryo kung saan ay may posibilidad na doon nga nahulog.
Pero paano? Paano niya mahahanap ang katiting na bagay na iyon sa malawak na lugar, damuhan at sa ilang araw nang nagdaan ay baka nadaanan na ng mga taong naroroon at napulot na nila? At umulan pa noong isang gabi na baka dahilan nang pag-agos nito sa ibang espasyo? Hindi niya na alam, basta ang alam niya lang, dapat ay hindi iyon mawala at makita niya kung saan dahil napakaimportante ng singsing na 'yon sa kanya.
Singsing na bigay ng kanyang asawa, ayun, tinangay na rin tulad ng kanyang pagsasawalang-bahala.
"No.. Hindi 'yon pwedeng mawala.." Bulong pa ni Kathryn sa kanyang sarili na hindi pinapansin si Justin na kanina pa nakatitig sa kanya.
Bumalik na lamang ang atensyon ni Kathryn nang halikan ni Justin ang kamay nito.
"Okay ka lang ba, ha?" Tanong ng lalaki at tumango si Kathryn.
Pero hindi nagpatinag si Justin at lumapit pa kay Kathryn upang isandal ang ulo nito sa kanyang dibdib at akbayan upang pakalmahin. At si Justin, malayang naglalakbay ang kamay niya sa braso ng nobya niya at pinaghahalikan ito sa tuktok ng ulo.
"Justin, pwede ba tayong magpunta sa cemetery?" Tanong ni Kathryn, hiling niya.
Sa araw na mga nagdaan, walang araw na malaya siyang magpunta sa sementeryo dahil sa sunod-sunod na trabaho niya, hindi lang trabaho sa kanyang mga anak kundi trabaho niya bilang isang endorser sa iba't ibang produkto na kanyang hawak. Nawalan siya ng oras para magpunta roon dahil sa gabi ba siya nakakauwi at may kalayuan pa ito mula sa kanyang bahay.
Pero ang totoo, may kung ano-anong nagpipigil sa kanya na huwag magpunta roon. Ang daming paraan pero nagpapakontrol siya sa kanyang nga dahilan.
"Kath, hindi naman sa ayaw ko pero.. Pero male-late na tayo sa foundation day ni Sam." Saad ni Justin na siya namang sunod na pumasok sa isipan ni Kathryn at muling nataranta.
Napatingin si Kathryn sa kanyang orasan dito sa mesa at muli na siyang napatayo upang ayusin nang muli ang kanyang mga gamit.
"Justin, maliligo na ako. Ikaw, hintayin mo na lang ako sa baba." Sabi niya nang madampot niya na ang tuwalya niya.
BINABASA MO ANG
A Chapter Untold (Broken Vows Book 2)
RomanceSa isang istorya, may lihim na kabanata. Ipinagkait upang hindi na gambalahin pa ang alam ng lahat. Itinago, inilihim at ginawang isang palabas. At sila, hindi na binuksang muli dahil sa tagal ng panahon na ang nakalipas upang tuluyan na ngang kalim...