Hindi alam ni Kathryn kung paanong napayagan niya ang dalawang anak niya na magpunta rito sa lugar na tinutuluyan ni Daniel, ni hindi niya rin alam kung ano ang pumasok sa isipan niya na sumama sa dalawa. At ngayon, para siyang nagsisisi, nagsisisi kung ba't pa sumama dahil sa nakikita niya ngayon. Si Samuel, Isabel, Daniel at ang dalawang tao pa na kanina pa niya hindi maiwasan na hindi tignan, lalo na ang babae.
May parteng naiirita siya dahil sa inggit na kinakausap ito ng asawa niya kaysa sa kanya, na hindi pa kailanman kinausap, pero para siyang nakampante nang malaman niyang hindi naman pala ito babae ni Daniel o kahit ano pang tawag. Isang nars, nars na nag-alaga kay Daniel sa Amerika. Ang hindi lamang maintindihan ni Kathryn, magaling na ang asawa niya ngunit bakit pa niya ito kasama? At may anak pa, sino ang ama ng bata? Mga katanungan pa ni Kathryn.
Isang linggo, isang linggo na ang lumipas matapos ang pagpunta ng dalawa sa isla, pagsunod ni Justin at ang hindi malimot-limutan ni Kathryn na nangyari sa kanila ng asawa niya. At isa na rin ang pag-uwi nilang dalawa dahil sa anak nilang si Isabel.
"Nasaan siya?" Agad na tanong ni Kathryn habang hingal na hingal pang nakarating sa banda ng ospital kung saan ay sinabi ng ina niya na kinaroroonan nila.
Napatayo mula sa pagkakaupo si Carla nang makita ang manugang, at kita niya na rin ang anak niya na nakasunod lamang sa likod niya at hinihingal din. Hinihingal dahil sa paghahabol kay Kathryn.
"Nasa loob siya, anak." Tanging sagot lamang ni Carla at hindi na inabala na isipin ang pagbeso o simpleng pagbati man lang mula kay Kathryn dahil kita nito ang kaba na mayroon siya.
At isa pa, nahihiya siya, nababalutan siya ng hiya dahil sa pagplano niya na si Daniel lamang ang kasama niya sa isla. At sa katunayan, plano niya nga, siya ang nakaisip at nagkaroon pa siya ng pagpilit kay Min na hindi rin nagtagal ay pumayag na rin.
"Sige po, Ma." Sagot ni Kathryn at pumasok na sa loob, na sinundan na rin naman ng mag-ina.
Unang nakita ni Kathryn ang anak niya na nakaupo na sa kama at kinakausap ito ng mga kasama. At nang wala man lang pagpaparamdam na narito na siya ay agad na siyang tumakbo patungo sa anak at niyakap ito.
"Nanay!" Masayang bati ni Isabel at wala na lamang nagawa si Kathryn kundi ang yakapin nang mahigpit ang anak at halikan nang paulit-ulit sa buhok, kasabay ng pagpatak ng mga luha niya dahil sa takot na mayroon siya bilang isang ina.
Isa siyang ina, ano nga ba dapat ang maramdaman niya kung malaman niyang isinugod ang anak niya sa ospital at malayo pa siya upang mapuntahan ang anak? Halos atakihin na siya ng takot nang tumawag sa kanya si Min kanina, halos patayin na siya lalo na't naging parte ng takot niya ang ospital sa kanyang buhay. At kahit sinabi ng ina niya na hindi na mataas ang lagnat ni Isabel, hindi pa rin naalis kaba niya kaninang nasa byahe siya kasama ang asawa niya at hanggang ngayon na narito na siya at yakap niya na ang bata.
"Shh, Nanay, don't cry.." Bulong ng bata sa kanya at imbes na sundin niya ay mas nagawa niya.
Nakatingin lang ang lahat kay Kathryn, at si Daniel, unti-unti na ring lumapit sa kanyang mag-ina.
"I missed you, Nanay. Hanap kita kagabi pa." Sabi pa ng bata. Pinunasan muna ni Kathryn ang kanyang mga pisngi bago harapin ang anak.
"Sorry kung wala ako sa tabi mo, baby. Sorry kung ngayon lang ako.." Sabi pang muli ni Kathryn at dito, dito na nabahiran ng hiya si Carla at Min dahil sa ginawa nila. Na kung hindi nila siguro pinagsama ang dalawa roon sa isla ay hindi mangyayari ito. Na kung sumama na lang sana silang lahat ay maaari ngang hindi nangyari.
BINABASA MO ANG
A Chapter Untold (Broken Vows Book 2)
RomanceSa isang istorya, may lihim na kabanata. Ipinagkait upang hindi na gambalahin pa ang alam ng lahat. Itinago, inilihim at ginawang isang palabas. At sila, hindi na binuksang muli dahil sa tagal ng panahon na ang nakalipas upang tuluyan na ngang kalim...