Seven

2.4K 82 22
                                    

Iminulat ni Kathryn ang mga mata at ito, sinalubong ang panibagong umaga. Isa na namang araw ngunit hindi tipikal para sa kanya, dahil ngayong araw, araw ng pagkamatay ng kanyang asawa. Anibersaryo ng pagkamatay ni Daniel.

Hindi, hindi, isa palang tipikal na araw sa kanya dahil lungkot at lumbay ay nananatili pa rin sa kanya. Parang sa tuwing gigising na lang siya, parang awtomatiko na ang ganitong karamdaman. Gigising siya at ang unang maaalala niya, ang asawa niyang iniisip niyang katabi niya kahit hindi naman. Pangungulila, pangungulila nga at ang pangungulilang ito ay hindi pa rin niya tanggap. Para pa rin siyang bulag para mapagtanto kung ilang taon na ang nagdaan ngunit heto pa rin siya, patuloy na dinadama na sana nasa isang panaginip lang siya.

"Bal, 6 years na.." Sambit ni Kathryn at tuluyan nang tumulo ang kanyang mga luha dahil sa panginginig at pag-iinit ng kanyang mga mata.

Panaginip? Sana nga, sana ay nasa panaginip lang siya. Pero imposible dahil matagal na siyang gising sa mahabang panahon at napapalamon sa bangungot na ito.

Hindi biro ang anim na taong pagkamatay ni Daniel sa buhay niya at hindi biro ang pagdadalumhati niya nang ganito. Para pa ring siyang dinadaanan ng bagyo kahit tapos na ang trahedya. Parang laging bago ang sakit na dala kahit isa lang naman ang dahilan kung bakit siya ganitong nasasaktan. Namatay ang asawa niya, sapat na siguro 'yon para mapagtanto niyang ayun ang dahilan. Pero hindi, hindi dahil marami pang dahilan kung bakit nga ba nangyari ang lahat ng ito. At ito, nahikayat na siya ng panghuhusga ng lahat na siya ang dahilan.

Sarili niya? Sarili niya nga. Sarili niya ang dahilan, ang daming nasayang na sana kung iisa-isahin pa, ngunit ang gusto niya lang maibalik, sana naging matatag siya at hindi nagpaloko sa sarili niyang magpanggap sa harapan ng asawa niya upang hiwalayan siya.. Dahil sa duda na 'yon, kaya napunta sa puntong ito.

Pero kung maiisip mo naman, kung talagang oras mo na, oras mo na. Wala ka nang magagawa dahil ayun talaga.

Pero kung hindi, tanging mga tao na lamang ang gagawa ng dahilan upang ipakita sa lahat na isa lamang palabas kasabay ng pagbagsak ng kurtina. Subalit sa tuwing naaalala niya ang isang araw na akala niyang pagbabalik ng kanyang asawa, ay salungat naman ang nangyari..

"Hmm? Ano kaya ang masarap iluto?" Tanong ni Kathryn sa kanyang sarili habang tinitignan ang laman ng kanyang refrigerator.

Nandito siya ngayon sa kanyang kusina, dito, nag-iisa. Hindi, kasama niya pala ang bata sa kanyang sinapupunan. Ang pinagbubuntis niya, ang pangalawang anak nilang dalawa ni Daniel.

Alas 10 na ng umaga, bukod sa kinagawian ni Kathryn ang paghahanda ng tanghalian at hapunan, ito na ang nagsisilbing bisyo niya sa araw-araw. Masaya siya dahil tuluyan nang natupad ang pangarap niyang ito, 'yong walang trabahong sumasabay sa responsibilidad niya bilang isang ina.. at asawa.

Pero nalungkot siya.. Bumagsak ang ngiti niya nang malamang hindi pala. Nangyari nga ang hiling niyang ito pero hindi naman kumpleto dahil wala 'yong lalaking nangungulit sa kanya na parang bata at wala 'yong lalaking parang nawawala kung makayakap sa kanya habang nagluluto siya. Wala.

"'Di bale, ilang months na lang, makakasama na ulit natin si Tatay.." Sabi niya pa sa sarili habang hinahaplos ang tiyan niyang umuumbok na.

Ang sinabi niya, ang dahilan rin ng pagkirot ng tiyan niya. Napapikit lang siya at ngumiti. Ngumiti kahit walang kasiguraduhan sa panata niyang iyon.

Mahigit isang buwan nang lisanin ni Daniel ang bansa, kasama ang nanay at tiyahin niya upang magpaopera at magpagaling. At sa mga panahon na ito, ganoon din ang panahon na hindi na nakausap ni Kathryn ang asawa. Tanging pakikibalita na lamang sa ina niyang si Min ang nasasagap niyang balita tungkol sa kalagayan ng asawa niyang nasa Amerika, na ngayon ay alam niyang nasa pagkakatulog pa rin ang asawa niya mula sa pagkakaopera sa kanya. Recovery.

A Chapter Untold (Broken Vows Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon