A/N: Unang-una po sa lahat, gusto ko pong magpasalamat. Panglawa, 11,000+ words po ang laman ng kabanatang ito. Ang alien 😭
Warning: Huwag pong gagayahin ang ginawa ng isang karakter dito :)
#FANFICTION
---
"Kapag sinabi ko bang buntis ako, iiwan mo 'ko?"
Napatigil nga si Daniel, napatigil siya at kahit ano'ng pilit niya na magpatuloy sa paglakad at paggalaw, kontra ang utak niyang siyang nagkokontrol sa kanyang mga galaw.. At kanyang puso, nawala rin ng kamalayan upang huminga nang maayos.
Hindi siya makahinga, tila ba bumalik sa kanya ang karamdamang ito na hindi niya malilimutan kung anong panahon at sitawasyon niya ito nararamdaman. At ang isa pa niyang hindi makakalimutan ay ang huling beses na naramdaman niya ito.. Ang pag-iwan niya sa kanyang asawa sa panahong kinailangan niyang umalis. Tinawag siya, sinabing magbalik siya, pero hindi niya ginawa. Ni hindi rin naman siya nagsisi.
Lumingon ulit si Daniel kay Kathryn na ngayon ay luhaan ang buong mukha at nagsisimula na namang humikbi habang nakahawak na ito sa aparador na katabi nito upang ibalanse ang sarili. At sa postura pa lang ni Kathryn, mangangamba ka sa posibilidad na matumba ito o mawalan ng malay.
At sunod na ginawa niya ay hinawakan ang tiyan niya kasabay ng pagbaba ng tingin niya roon, pagkatapos ay tumingin din ulit sa asawa, sa asawa niyang alam niyang gulat sa kanyang isiniwalat.
"B-buntis.. Buntis ako.. Dala-dala ko 'tong anak mo, DJ." Sambit pa ni Kathryn.
Habang si Daniel ay hindi makasagot, labis naman ang bakas ng gulat sa mukha ng babaeng nasa kanyang tabi, si Olivia. Nanlalaki ang mga mata nito at nakaawang pa ang mga labi dahil sa gulat na tila ba isang kababalaghan ang sinabi ni Kathryn na kanyang narinig. Pero ano naman? Ano naman sa kanya ang narinig niya? Na para bang hindi kapani-paniwala ang kanyang nalaman? O parang isang hindi katanggap-tanggap para sa kanya?
Napatingin si Olivia kay Daniel at inaasahan niyang tatanggi ito o kahit magsasalita man lang, pero hanggang ngayon ay nananatili lamang ng tingin kay Kathryn, halata rin na gulat ngunit walang bakas ng pagtanggi sa mukha na ang nais ipahiwatig ay posible nga.
Bahagyang nakaramdam si Olivia ng pakiramdam na ayaw niya at muling tumingin nang muli kay Kathryn, naiinis siya. Hindi na kailangan pang bigyan ng paliwanag kung bakit nga ba.
"Olivia, iwan mo muna kaming dalawa."
At sa wakas, nakapagsalita na si Daniel, nakapagsalita nang walang paglubay ng paningin sa kanyang asawang nasa kanyang harapan. Ilang segundo pa ang lumipas ay umalis na rin si Olivia upang iwan ang mag-asawa rito pa rin sa kusina, na kung tutuusin ay ayaw niyang iwan ang dalawa dahil gusto niyang marinig at malaman kung ano ang sasabihin ni Daniel kay Kathryn. Kung ano ang magiging reaksyon ni Daniel ukol dito at kung ano ang sasabihin niya kay Kathryn. Pero sa totoo lang, kahit malaman niya, wala namang lugar ang pakiramdam niya dahil sino ba siya? Isang nars lamang ni Daniel, sabi nga si Kathryn.
Isang nars na may lihim na pagtingin sa asawa niya. Wala ngang lugar ang nararamdamang selos ni Olivia dahil wala siyang laban kapag asawa ang karibal niya.
Nang makalayo na nang tuluyan ang babae, tumindig nang muli si Daniel sa tindig na hindi gusto ni Kathryn dahil sa lamig. Humihikbi-hikbi pa rin si Kathryn habang ang kamay ay nasa bandang tiyan pa rin. Dumakong muli ang tingin ni Daniel dito, hanggang sa ilibot niyang muli pataas upang tignan ang asawa niya.
BINABASA MO ANG
A Chapter Untold (Broken Vows Book 2)
RomanceSa isang istorya, may lihim na kabanata. Ipinagkait upang hindi na gambalahin pa ang alam ng lahat. Itinago, inilihim at ginawang isang palabas. At sila, hindi na binuksang muli dahil sa tagal ng panahon na ang nakalipas upang tuluyan na ngang kalim...