Two

3.2K 84 25
                                    

September 9, 2030

"Bye, Mommy." Paalam ni Isabel sa kanyang ina matapos nito gawaran ng halik sa pisngi. Napangiti si Kathryn at dala ng aliw niya sa bata ay niyakap niya pa ito at hinalik-halikan sa pisngi.

"Love you, baby. Love mo rin si Nanay, ha?"

"Opo, Mommy. I love you, always and forever." Sagot ng bata.

Napangiti pa lalo si Kathryn sa sinagot ng kanyang anak. Pero hindi nagtagal ay nawala rin dahil sa sumagi sa isip niya. Pilit niyang winala at ibaling ang atensyon sa saya na mayroon siya ngayong kapiling niya ang kanyang anak.

Nagtagal ang yakap nang mga sampung segundo at sa mga oras na 'to, biglang naalala ni Kathryn na hindi lang si Isabel ang kanyang ihahatid ngayong umaga sa paaralan, may isa pang nasa loob ng kotse.

"Sige na, baby. 'Yung sinabi ko sa'yo, ha? Huwag maglaro nang maglaro para hindi ka ubuhin. Huwag kang kakain ng junk foods dahil hindi healthy and.."

"Don't talk to strangers, Mommy." Sabi naman ng bata at natawa ang mag-ina. "Ay, mayroon pa, Mommy. Aral mabuti, kinig kay Teacher para dami ako star kuha and ma-happy ko kita, Mommy." Sabi pa nito at napatango si Kathryn.

Umayos na ng tayo si Kathryn at bumaling ng tingin sa kasambahay niyang nag-aalaga sa anak niya. "Manang, ikaw na po ang bahala ah." Sabi nito at umayon naman ang babaeng nasa kalagitnaan ng edad ang tanda.

Pinanood lang ni Kathryn ang anak niyang naglalakad sa kanya palayo na hindi pa nakalalayo ay muling lumingon ito sa kanya. Kumaway ang bata at napakaway din si Kathryn sa anak.

Limang taong gulang, isang batang nasa yugto ng kindergarten ang anak ni Kathryn na si Daniella Isabel. Sa paaralan na sinigurado niyang ligtas ang anak niya at kalmado ang pakiramdam niya, walang takot at walang pangamba. At alam niyang walang maririnig na kung ano-ano ang anak niya mula sa mga tao.

Ilang taon na nga ang nakalipas at mga tao pa rin ang iniisip ni Kathryn. Mga taong umuusig, naninira at patuloy siyang pinag-uusapan. Siguro, tunay ngang mahina siya pagdating sa mundo na puno ng panlalait at puno ng taong mahilig mangialam sa buhay. Lagi niyang iniisip ang sasabihin ng iba, kahit na nag-iingat siya, isang galaw niya lang, may ibang epekto sa lahat. At heto, patuloy pa rin na nagpapahina. Kumbaga sa paglalaro ng laruang robot o manika, siya 'yong laruan at nagpapakontrol siya sa sinasabi ng mga tao.

Kaya nga ito ang naging dahilan kung bakit nangyari ang pagpapanggap. Nagpahina siya at hindi siya naging matapang sa pag-ibig na pinanghahawakan nilang dalawa. Bumitiw siya at nagduda kung nararapat ba siya sa isang lalaking masyadong mabuti at matalino sa buhay sa kanya?

Hindi isang tanong, isa nang konsepto.

Napabuntong-hininga si Kathryn nang tuluyan nang mawala si Isabel sa kanyang paningin, tsaka napagpasyahan na sumakay na sa sasakyan niya upang ihatid naman ang panganay niya.

Pagpasok ni Kathryn ay sa anak niyang nasa shot gun seat napunta ang tingin niya ngunit tulad ng inaasahan niya, hindi man lang ito tumingin o damhin ang presensya ng ina. Si Samuel, gaya ng pagkapasok nito sa sasakyan kanina at hanggang ngayon, nakasuot ito ng headphones at nakabaling ang atensyon sa gadget. Wala na ring sinabi si Kathryn at nagpokus na lang sa pagmamaneho.

Sa mga taong nagdaan, isa rin ang pagmamaneho sa napag-aralan niya. Kailangan niya ito, dahil bukod sa hindi niya na pang maabala ang kanilang drayber sa nais niyang puntahan, pinagsikapan niya ito upang makamit ang hinahangad na siya ang maghatid sa mga anak niya sa kanya-kanyang paaralan. Ngunit hindi naman araw-araw, sa mga araw lang na wala siyang lakad, trabaho o anomang pinagkakaabalahan niya.

A Chapter Untold (Broken Vows Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon