Kinuha ni Kathryn ang huling pirasong butones na hawak niya at idinikit ito sa manika na kanyang inaayos kasama ang anak niya.
"Ayan! Done na, Isabel!" Masiglang sabi ni Kathryn sa anak na ikinasigla rin nito.
"Yey! Galing na si Alice! Pagaling siya Doctor Mommy!" Pagtalon-talon ng bata sa ibabaw ng kama habang nilalaro na ang manika. "Thank you, Mommy." Saad namin niya sa ina niya at ginawaran ng halik sa pisngi.
"Aww. That's so sweet, my Isabel.." Ngiti ni Kathryn.
Alas 8 ng gabi, naririto ang mag-inang Ford sa kwarto ng bunso. Nandito, bukod sa patutulugin ni Kathryn ang anak niya, tinahi nito ang nasirang manika ng anak niya na siyang ipinangako niya sa bata.
"Oh, anak, huwag mo munang iha-hug masyado si Alice mo. Hot pa 'yong glue at baka mapaso ka. Wait ka muna ng 10 minutes, tapos pwede na, okay?" Paalala naman ni Kathryn at sumunod naman ang bata. Kinuhang muli ni Kathryn ang manika at inilayo muna sa anak upang patuyuin ang mainit na likidong ginamit pangdikit dito.
Inayos na ni Kathryn ang mga kagamitan na ginamit niya at itinabi na palayo sa anak niya at baka pakialamanan pa ng bata ang mga ito at madisgrasya pa.
"Pero, Mommy, may isa pa naman akong Lalaloopsy. Bigay ulit Grandma Carla."
Napatingin naman ulit si Kathryn sa anak niyang nasa kama na't nakahiga sa sinabi nito at tama nga, napansin niya na may panibago ulit na manika na binigay ni Carla sa anak niya. Hindi lang naman mga manika, mga iba't ibang klase pa ng laruang pambata.
Isa naman sa pumasok sa isipan ni Kathryn ang madalas na pagbibigay ng biyenan niya ng mga bagay sa mga anak niya. Hindi naman sa ayaw niya o hindi siya natutuwa, ang sa kanya ay nagdududa siya. Nagdududa siya dahil sa kadalasan at galing pa ito mula sa ibang bansa. At ang isa pa, hanggang ngayon, iniisip niya pa rin ang bag na ibinigay naman sa kanya.
"Pero mas gusto ko pa si Alice. Bukas ko na lang open 'yon." Bungisngis ng bata.
Pagkatapos ayusin ni Kathryn ang mga dapat ayusin, lumapit na siya sa anak niya upang tumabi.
"Baby, wala ka bang assignments?" Pagpapaalala ulit ni Kathryn.
"Wala, Mommy. Tignan mo, Mommy, kuha ulit akong stars." Sagot ng bata at ipinakita ang likod ng kamay.
"Very good talaga ang Isabel ko."
"Si Kuya, hindi siya very good. Wala siyang stars kuha lagi." Natawa na lang si Kathryn sa panlalait ng anak niyang iyon sa panganay niya.
Pero kailanman, hindi naging biro ang naririnig niyang pambobolakbol ni Samuel sa eskwelahan. Kamakailan lang ay nabalitaan niyang may nakaalitan ang panganay niya sa paaralang pinapasukan niya. Isang ulat na nakuha niya mula sa adviser ng anak niya na itinawag sa kanya.
Si Samuel, nakipagsagutan sa kapwa niya kaklase, na napunta sa tulakan at ang malala pa, sa galit niya ay nabato niya ang bola ng hawak niya sa kaalitan nito. Maraming nakasaksi ng nangyaring iyon at sa nasaksihan nila, si Samuel ang nagkasala. Pero kung narinig sana ng lahat ang ang bunga ng away, baka maintidihan nila kung bakit nagkainitan ang dalawang bata, lalo na si Samuel.
Akala ni Kathryn, papapuntahin siya ng guro sa opisina upang makausap kasama ang anak, pero nakampante siya dahil hindi na nangyari. Patanong-tanong lang si Kathryn sa guro kung ano ang nangyari, at ang pinayo ng guro na kausapin nang masinsinan at payuhan si Samuel, hindi pa rin nangyayari.
Hindi magawa ni Kathryn ang payuhan at makausap nang masinsinan si Samuel. Pakiramdam niya, siya pa itong makakakuha ng payo at salita mula sa anak niya.
BINABASA MO ANG
A Chapter Untold (Broken Vows Book 2)
RomanceSa isang istorya, may lihim na kabanata. Ipinagkait upang hindi na gambalahin pa ang alam ng lahat. Itinago, inilihim at ginawang isang palabas. At sila, hindi na binuksang muli dahil sa tagal ng panahon na ang nakalipas upang tuluyan na ngang kalim...