"Baby, dahan-dahan! Madapa ka." Muling suway ni Kathryn sa kanyang bunsong nakikipaghabulan sa tutang binili para sa kanyang anak.
Pawisan man ang batang si Isabel, ngunit hindi maitatago ang sabik at saya sa pakikipaglaro sa asong binili sa kanya ng amang si Daniel. Dito, ngayon, sa bahay ni Carla, nandito sila ngayon, na hindi malaman ni Kathryn kung ano ang mayroon ngayon at kailangan magpunta rito. Na kung saan ay pati si Min ay naririto rin at mukhang may handaan pang magaganap.
Hindi lang naman ito ang pinoproblema niya, ang isa pa, ang asawa niyang naririto rin at himala sa kanya na magpunta rito sa araw ng Linggo.
"Family day, ba't 'to nandito? B-Bakit hindi siya roon sa babae at anak niya?" Unang tanong ni Kathryn sa kanyang isipan, sa isipan niyang wala rin namang ideya at siya rin ang nagbibigay ng sagot sa kanyang nais. Mga sagot na wala namang kasiguraduhan.
Ano pa nga ba ang iniisip niya? Walang iba kundi ang babae at batang nakita niya sa pagpunta niya sa lugar ng asawa niya noong nakaraang linggo. Hindi na natanggal sa isip niya kung kaya't oras-oras ay naiisip niya, at dahilan ng pakikipagtalo niya sa mga konklusyong namumuo sa kanya.
Pilit niyang winawala pero paano nga ba mawawala kung ayun ang bagong dahilan ng pag-iyak niya? Mismong sarili niya, pinapagalitan niya. Mismong siya, napapatanong, bakit ba hindi pa siya masanay sa pagkamit ng mga sakit? Ito na nga para sa kanya ang pinakamasakit na higanting nakamit niya, ang ipagpalit siya at magkaroon ng anak ang asawa niya sa ibang babae.
Iniisip niya na baka katulong lang ang babaeng iyon ngunit paano siya makukumbinsi sa gandang taglay ng babae? Maganda ang babae, mas matangkad sa kanya, maganda ang katawan ngunit mas mapayat siya kaysa sa babaeng iyon, at ang isa pa, morena ang babae tulad niya. Hindi nga malayong magustuhan ni Daniel ang babaeng 'yon, at hindi nga malayo dahil mukhang mabait ito at mabuting asawa kaysa sa kanya.
At ang higit na hindi siya ginawang kampante, ang pagtawag ng batang lalaking nakita niya kay Daniel na Papa.
Umuwi siyang sawi at luhaan sa araw na 'yon, kailan pa nga ba nagkaroon ng saya sa kanyang labi?
Wala siyang pinagsabihan kahit kanino sa pagpunta niyang iyon at nabalutan na lamang ng hiya sa asawa niya nang sumunod sa araw ay nagpunta ito sa bahay para sa mga anak nila. Si Daniel, umaktong parang walang nangyari, parang hindi niya nasaktan ang asawa niya sa pagsarado niya ng pinto at pagtataboy na parang kung sino lang. At tila wala siyang pakialam doon at kinalimutan ang pangyayaring iyon. At si Kathryn, umakto ring normal at walang pakialam sa nangyari kahit nababalutan siya ng inis at selos.
Hindi niya nga alam kung pati sina Carla ay may alam rin ba tungkol sa kinakasama ng asawa niya o hindi. Ngunit namayani sa kanya ang konseptong maaaring nakasama ni Daniel ang babaeng iyon sa Amerika, maaaring kasama niya ang babaeng iyon sa anim na taong sa bansang iyon. Hindi pala maaari, bakit pa ba siya magtataka kung nagkaroon nga ng anak ang dalawa?
"Kath, ikaw nga, may boyfriend, wala siyang sinabi.. Ano pa ba ang ini-expect mo?" Tanong niya sa kanyang sarili.
At ang relasyon ni Justin at Kathryn ay patuloy pa rin, ganoon pa rin. Madalang man nagkikita ngunit walang pagbabago sa namamagitan sa dalawa.
Ngayon, kasalukuyang nasa sala sina Daniel, Kathryn, Isabel at Samuel, hindi na lamang napapansin si Samuel dahil nasa kabilang sopa ito at tutok na tutok sa paglalaro sa bagong gadget na galing rin sa ama. Hindi makausap at hindi maistorbo ni Kathryn na kanina niya pa rin pinagsasabihan na umayos ng upo dahil sa pag-upong hindi na maganda sa paningin lalo na't hindi nila sariling bahay ang kinaroroonan nila.
BINABASA MO ANG
A Chapter Untold (Broken Vows Book 2)
RomanceSa isang istorya, may lihim na kabanata. Ipinagkait upang hindi na gambalahin pa ang alam ng lahat. Itinago, inilihim at ginawang isang palabas. At sila, hindi na binuksang muli dahil sa tagal ng panahon na ang nakalipas upang tuluyan na ngang kalim...