Sixteen

3.1K 98 162
                                    

"Kath, okay ka lang?"

Ilang beses na bang narinig ito sa mga taong nakakasama niya? Na sa ilang beses niya nang naririnig, alam niyang isa ito sa tatanungin sa kanya sa tuwing siya'y nakakasama. At natatawa siya, dahil sa ilang ulit niya na itong nasasagot, hindi pa rin ba sapat ang tanong na kailan pa ba siya naging nasa maayos na kalagayan? Paulit-ulit na lang siya tinatanong nang ganito.

Ngunit sino nga ba ang maniniwala sa kanya? At ang tanong naman na ito ang sunod na mapagtanto niya kung bakit tila ba ay lahat ay ayaw sa kanya.

Maliban na lamang sa taong kasama niya ngayon at napangiti siya dahil ang taong ito ay hindi siya iniiwan at hindi niya na kailangan pang ipagpilitan pa ang sarili niya na gustuhin at mahalin siya nito. Pero nawala rin sa isang saglit ang ngiti niya, dahil hindi naman ito ang gusto niyang kasama.. Pero paano nga ba? Ang gusto niyang kasama ay iba naman ang nais makasama at hindi siya iyon, kinamumuhian pa siya nito.

Bumuka ang bibig ni Kathryn at saglit pang napaisip. "Oo, o-okay lang ako." Isa na namang sagot na sa tono pa lamang ay kasinungalingan.

"Maputla ka, may masakit ba sa'yo? Okay ka lang ba, ha?" Tanong pa ni Justin na punong-puno ng pag-aalala.

Hindi pa nakuntento at tumayo na upang lumipat ng upuan at tabihan si Kathryn, kung saan ay naririto sila ngayon sa isang pribadong kainan na madalas bilang puntahan. Hinawakan ni Justin ang parte ng leeg ni Kathryn upang tignan kung may sama ba itong nararamdaman, ngunit hindi pa man nagkakaroon ng konklusyon ang binata ay tinanggal ni Kathryn ang kamay nito mula sa kanyang leeg.

"Justin, okay nga lang ako." Sabi pa ni Kathryn sa tonong naninigas sa lamig dahil sa namumuong inis. Hindi dahil kay Justin, kundi dahil sa pag-iisip kung ano na kaya ang nangyayari sa mga anak niya ngayon kasama si Daniel? At pag-iisip na rin kung kasama ba si Olivia sa lakad ng kanyang mag-aama?

Hindi siya kasama sa lakad ng mag-aama niya ngayong araw, kadalasan naman. At halata naman dahil hindi niya kasama ang dalawang anak niya at si Daniel ngayong araw ng Sabado at sa mga nagdaan na mga araw at linggo dahil sa bakasyon ng mga anak, semestral break. Pero kung tutuusin, kahit kasama naman siya ng tatlong ito, para siyang isang kaluluwa lamang dahil sa pakiramdam na hindi siya kasapi sa kasiyahan ng na namamagitan sa mga anak niya at kay Daniel.

Nilalait-lait niya ang sarili niya na isang katulong, dahil bakit nga ba hindi? Tanging paninilbihan ang ginagawa niya sa tuwing bibisita si Daniel sa kanilang bahay. Magluluto siya, maghahanda, magliligpit, at nakakatawa dahil siya rin naman ang nagpupumilit na gumawa ng mga ito kahit todo sa pagtanggi ang mga katulong niya na sila na lamang.

Isang linggo? Dalawa o mahigit? Hindi alam ni Kathryn kung sadyang matagal na ang panahon matapos ang pagpunta ni Kathryn at ng mga bata sa condominium na tinutuluyan ni Daniel, o kinalimutan niya na lamang dahil sa bilis ng pangyayari. Mga nasa linggong iyon na rin nang mabisto ni Kathryn ang ugali na mayroon sa kinakasamang nars ni Daniel, na siya naman itong napagmukhaan na naman siyang masama kahit wala naman siyang ginagawa.

Hindi niya na iniyakan pa ang pagbibintang sa kanya ng nars sa kanya na kahit siya ay sinaktan nang may intensyon. Kuha niya na at ang importante sa kanya ay ang paglalayo niya sa mga anak niya mula sa babaeng ito, kaya hindi niya na pinayagan pa ang dalawang anak niya na magpunta roon sa lugar ni Daniel at magpunta sa kahit saang lugar na kasama ang babaeng ito. At kung mangyari man, susugod siya at susugurin ang babaeng iyon. Wala nang kaso sa kanya na siya itong pinagmukhang masama at siya itong sinaktan, ngunit bilang isang ina, sa oras na nasaktan o alam niyang nasa isang taong hindi niya mapagkakatiwalaan ang mga anak niya, lalaban na siya.

A Chapter Untold (Broken Vows Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon