Four

2.5K 76 47
                                    

Tahimik lang ang magkaibigan na nagsasalo ng tanghalian, hindi na rin nila namalayan na sa haba ng kwentuhan nila, pasado alas dose na ng hapon kung kaya't napagdesisyunan nilang kumain habang ipagpatuloy ang usapan. Subalit ngayon ay parang nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila, simula nang mapansin at makilala ng ilan si Kathryn kasama ang lalaking bago sa paningin ng mga ito.

Hindi man niya naririnig ang bulungan ngunit tanaw niya naman ang pasimpleng tingin at baling ng mga ito sa kanya at sa kaibigan niya, pero hindi niya na pinagtuunan pa ng pansin dahil wala namang malisya sa kanya dahil isang kaibigan lang ang lalaking kasama niya ngayon sa pribado't kilalang restaurant sa lungsod ng Maynila.

Nagpatuloy lang si Kathryn sa pagkain pero napatigil siya nang tuluyan niya nang maintindihan ang sinabi ng isa.

"Woah, si Kathryn Bernardo 'yon, 'di ba? Sino 'yong kasama niya?"

"Baka bodyguard lang."

"Bodyguard pero ang romantic ng pa-table for two. Haha."

"Baka naman, boyfriend niya."

"Sabagay. Pero pwede ring boylet, 'di ba?"

Humigpit ang hawak ni Kathryn sa hawak niyang tinidor at kung may dugo man siyang palengkera at walang kahihiyan ay baka kanina pa siya nagwala at nagsisisigaw sa mga taong makikitid ang utak. Pero hindi niya 'yon kayang gawin, lalo na't reputasyon ng mga anak niya ang kanyang inaalala sa bawat galaw niya.

Nakita ni Justin ang paghigpit ng hawak ni Kathryn na iyon, may inis din na namumuo sa kanya dahil sa naririnig pero ayaw niya naman na magmukhang kaawa-awa at apektado sa tingin ni Kathryn.

Kinuha ni Justin ang kamay na nangaggagagalit ni Kathryn na siya namang ikinagulat ni Kathryn sa ginawa niya.

"Hayaan mo na sila.. Mga inggit lang 'yan." Sabi ng lalaki at kumalma naman na si Kathryn. Napatingin muli si Kathryn sa kamay na nakapatong sa kanya at ramdam niya ang ilang ni Kathryn kaya binitiwan niya ito. "Sorry." Ngiti niya.

"Sorry.." Sambit rin ni Kathryn at kumunot ang noo ng kasama. "Sorry kung.. sa ano, dito. Sorry."

Nakuha naman iyon ni Justin. "Sus, huwag mo nang alaalahinin 'yang mga 'yan. Inggit lang sila, wala kasing lovelife eh." Pagtawa nito pero naging tipid lang ang ngiti ni Kathryn.

Justin De Vera, isang modelo at basketbolista, pinsan ng makeup aritist at kaibigan ni Kathryn na malapit sa kanya. At sa pagiging kamag-anak ni Justin sa makeup artist ng natitipuhan niyang babae ay kinuha niya ang pagkakataon na ito upang mapalapit kay Kathryn at gawin ang unang hakbang upang makuha ang loob.

Sa mahigit walong buwan na nagkakilala sila, tuluyan na ngang nagkamalapitan ang loob niyang dalawa sa isa't isa. Naging isang kaibigan na rin kay Kathryn ang lalaking kaedad niyang ito, kaibigan na nakakasama niya sa mga ilang lakad niya, kaibigan na dumadalaw paminsan-minsan sa bahay o sa lokasyon ng trabaho niya, at isang kaibigan na napagsasabihan niya na rin ng problema. Sa tingin ni Kathryn, wala namang mali kay Justin dahil bukod sa may natatangi itong hitsura na desente at kagwapuhan, mabait ito at palabiro, kung kaya't nahulog na nga ang loob niya sa lalaki. Bilang isang kaibigan..

Pero sa pagpatak ng bawat petsa, alam ni Kathryn kung saan patutungo ang relasyon nilang ito. Hindi naman siya manhid upang sabihin na wala lang ang bawat pagbigay ng bulaklak at madalas na palitan ng mensahe nilang dalawa, tinatanong kung kumain na ba o hindi at ang pagkain nila sa labas na minsan ay kasama si Isabel ngunit madalas ay hindi. Alam ni Kathryn ang nais ni Justin sa kanya, hindi lang pagkakaibigan.

A Chapter Untold (Broken Vows Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon