"DJ!" Sigaw ni Kathryn kasabay nang pagbangon niya mula sa pagkakahiga at pagkakatulog. Bakas ang gulat at tila ba pakikipaghabulan dahil sa paghahabol niya ng hininga at pagkagulat sa kanyang reaksyon ngayong umaga.
Iginala niya ang paningin niya at bigla naman siyang nagtaka nang malamang nasa kanyang silid na siya ngayon, dito sa silid niyang maliwanag dulot ng araw na mula sa kanyang bintana ngunit kasing dilim naman ng gabi ang kanyang atensyon kung paano siya napunta rito.
"Nanaginip ako?" Tanong niya sa sarili at para na nga siyang wala sa sarili dahil sa pagiging balisa sa pag-iisip sa mga nangyari kagabi.
Dumako ang tingin niya sa kanyang kasuotan at dito niya napagtanto na hindi siya nanaginip sa nakita niya kagabi dahil ang kasuotan niya ang suot niya pa rin simula noong umalis siya kahapon nang umaga hanggang hindi niya alam kung ano na ang nangyari.
At ito na nga, pumasok na ang isang bagay na na huli at tumatak sa kanyang isipan.
"Si DJ.. Si DJ, nakita ko siya.. Si DJ." Paulit-ulit na sambit niya at agad siyang tumayo na ayun naman ang pagpasok ng kanyang ina rito sa kanyang silid kung saan ay mag dala itong tray na laman ay pagkain, gamot at isang basong tubig.
"Anak, gising ka na pala. Okay na ba pakiramdam--"
"Ma, nakita ko si DJ." Agad na sabi ni Kathryn sa ina na siya namang ikinagulat nito. Gulat na walang reaksyon kundi pag-aalala sa kanyang anak.
Naglakad pa palayo si Kathryn at hindi makapirmi sa kanyang kinaroroonan dahil sa pagpaparito at pagpaparoon. Kunot ang noo niyang iniisip ang mga lumulutang sa kanyang utak.
"Ano ba 'yang sinasabi mo, Kath?" Nagtatakang tanong ni Min dahil sa sinabi ng kanyang anak.
"Kagabi, habang naglalakad ako pauwi, nakita ko siya. Nakausap ko pa nga, Ma. Nakita ko ang asawa ko, Mama." Sabi ni Kathryn na may ngiting namumutawi sa labi niya ngunit nawala dahil hindi niya makita sa ina ang ginagawa niya.
Hindi malaman ni Min ang sasabihin niya, basta ang nais niya lang, pakainin na si Kathryn ng agahan upang makainom na ng gamot at maging ayos na ang karamdaman ng anak. Lalo na't halos kapusin siya ng hininga sa kalagayan nito kagabi nang matagpuan siyang walang malay sa kalsada.
Kagabi, si Kathryn, sa pag-aalala ni Min na pasado alas otso na gabi ay wala pa ang anak niya, walang sawa niya itong tinawagan pero walang sagot. Pati nga ang balae niya ay tinanong niya rin ngunit wala rin itong ideya na tanging sagot lang ay hapon na nang makaalis ang manugang, pagkatapos, hindi niya na alam kung saan pa magpupunta. Sinabi ni Carla na baka may pinuntahan lang ang anak, at ayun din ang inakala ni Min na baka may lakad ang anak niya kasama si Justin ngunit binawi niya dahil nagpahatid ng mensahe si Kathryn sa kanya na pauwi na siya at malapit na siya nang mga alas 7 lamang. At sa mga oras na 'yon, nakaramdam siya ng kaba dahil sa pag-aalala sa anak.
Pati ang anak ni Kathryn na si Isabel ay tanong nang tanong kung nasaan na ang ina, at kinailangan ni Min na sabihing pauwi na ang Nanay nito kahit hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Hanggang sa may nagtatawag sa labas ng bahay at lumabas siya, at bumungad sa kanya ang dalawang gwardya at ang isa ay buhat ang kanyang anak.
Labis na nag-alala si Min nang makita ang anak niyang walang malay at ang nais pa niyang itakbo sa ospital ang anak ay hindi na nangyari dahil sa paglakas ng ulan at isa na rin ang saradong daan sa village. Hindi na rin kailangan dahil pagkahimatay lang sa pagod ang dahilan kung bakit si Kathryn ay walang malay. Nakampante si Min nang magmulat ng mga mata si Kathryn ngunit nakatulog muli. At ang sumunod na labis na nag-alala ay si Isabel na halos gusto niyang lapitan si Kathryn kagabi ngunit pinigilan ni Min ang bata. Habang si Samuel, walang reaksyon na pasilip-silip sa ina niyang nakahiga at mahimbing ang tulog.
BINABASA MO ANG
A Chapter Untold (Broken Vows Book 2)
RomanceSa isang istorya, may lihim na kabanata. Ipinagkait upang hindi na gambalahin pa ang alam ng lahat. Itinago, inilihim at ginawang isang palabas. At sila, hindi na binuksang muli dahil sa tagal ng panahon na ang nakalipas upang tuluyan na ngang kalim...