"Tatay, kailan ka uwi?"
Napatigil si Kathryn sa pagtutupi at pati ang puso niya'y gusto niyang pigilan upang hindi ang malakas na kabog ang kanyang marinig, kundi ang sagot mula sa taong tinatanong ng kanyang anak. Pero wala, wala siyang narinig dahil hindi ito sumagot. Hindi nakasagot, tanging pagbuntong-hininga lamang at pag-aalo sa batang nangungulit sa kanya.
"Bakit 'di ka uwi? Iwan mo na ulit kami Kuya at.. Nanay?"
Kinailangan na ni Kathryn na lingunin ang mga anak at isa lang naman ang klase ng emosyon ang natatanaw niya. Pagmamakaawa ng mga batang nangungulila sa ama ng dalawa na ilang bansa ang pagitan upang makasama ito. Pagmamakaawa sa lalaking umalis na lang bigla at walang maayos na pagpapaalam. Pagmamakaawa sa isang lalaking bumalik upang mapunan at wakasan ang pangungulilang nadarama ng mga batang halos araw-araw tinatanong kung kailan ba ang araw na magbabalik siya.. At pagmamakaawa na umuwi na rito sa kanilang tahanang gaya ng pagkawala niya bigla ay pagkawala ng kasiyahan dito sa tahanang sa unang araw na hindi siya nakita, nakasama at naramdaman ang presensya niya hanggang sa araw na itong hindi na mabilang dahil sa tagal at unti-unting pinaglulumaan nang muli ng panahon.
"Basta, malapit na." Rinig ni Kathryn na sagot ng asawa niya.
Hindi sumagot si Kathryn. Hindi, hindi pala, dahil kailan pa ba siya sumagot at kahit imik man lang? Wala na, nawala na. Dahil wala na, wala nang nagdudugtong sa ugnayan nila ni Daniel bilang isang mag-asawa maliban sa mga anak nilang natatanging koneksyon kung bakit ay ito pa rin, naririnig ang boses at nagkakaroon ng komunikasyon mula rito sa Pinas hanggang sa Amerika na kinaroroonan ng asawa niya.
Pagkatapos.. Pagkatapos ng nangyari, tatlong buwan ang nakalipas, tuluyan na ngang nagwakas. Tuluyan nang natapos ang namamagitan kay Daniel at Kathryn. At para kay Kathryn, hindi na angkop upang balikan kung anoman ang nangyari sa tatlong buwang lumipas simula ngayon dahil sa totoo lang, ayaw niya nang balikan ang araw na ipinangako at sinimulang pinanindigang wala na, titigil na siya. Wala na, tanggap niya na.
At sa tuwing binabalikan niya ang araw na 'yon, pinagtatawanan niya lamang ang sarili niya, kinakawaan kung tutuusin. Subalit nawawaglit sa tuwing nakikita niya rin sa piktura ng pag-iisip niya ang dalawang batang nag-abang sa kanya sa pag-uwi niyang iyon. Pag-aabang na may kalakip na pag-asang may kasama siyang uuwi sa tahanang pupunan ng kasiyahan at pagmamahalan. At halos pagsisihan niya ulit ang pagpunta niya sa taong iyon na hindi siya matutong tumigil at sinagad ang pasensya niya, sinisisi niya ang sarili niya dahil hindi lang naman ang sarili niya ang pinaasa't sinaktan niya, pati ang mga anak niya at lalo na si Samuel. Pati sina Min, Carla, at kung sino pang mga taong naniniwala at nananalig na maaayos pa, na pwede pa, na maibabalik pa.. Pero ano ba ang nangyari? Tadhana na ang naghiwalay mismo sa kanilang dalawa, ang sabi ni Kathryn.
Tikom ang bibig ni Kathryn nang umuwi siya sa bahay, hindi siya nagsalita, na kahit ang dalawang anak niya ay tinatanong siya, pagbaling at pagngiti lamang ng tipid ang sinagot niya. At pati sa ina niyang nakikisosyo't nakikibalita kung ano ang naging hantungan ng usapan nila ni Daniel, hindi siya nagbigay ng kahit anong salita. Tahimik, gusto niya ng katahimikan at wala nang iba kundi iyon lamang.
Hanggang sa kinabukasan, nagulat na lamang ang lahat nang malaman ni Min na lumuwas ng bansa si Daniel at nagbalik sa Amerika. Halos ang puso niya ay tangayin dahil sa hindi malaman na rason kung bakit umalis ang manugang niya nang hindi man lang nagpaalam sa kanya at sa mga apo niya. Nabalitaan niya na lamang kay Carla na nabigla rin sa biglaang desisyon ni Daniel na bumalik doon.
Hindi napigilan ni Carla ang kanyang anak, at pati ito ay walang binitawang salita kundi ang lumisan at bumalik sa Amerika na ayon sa kagustuhan nito. Gulong-gulo ang dalawang inang sina Carla at Min, at mas gulong-gulo sila nang wala man lang sinabi ni Kathryn tungkol doon.
BINABASA MO ANG
A Chapter Untold (Broken Vows Book 2)
RomanceSa isang istorya, may lihim na kabanata. Ipinagkait upang hindi na gambalahin pa ang alam ng lahat. Itinago, inilihim at ginawang isang palabas. At sila, hindi na binuksang muli dahil sa tagal ng panahon na ang nakalipas upang tuluyan na ngang kalim...