"Here's your key, Sir and Ma'am. Enjoy your days and nights here in our resort." Masayang sabi ng receptionist nitong resort na kanilang kinatatayuan, nakangiti ang babae na hindi naman tulad ng dalawa na halos hindi maiguhit ang mga mukha.
Malamang, ayaw nila. Sino ba naman ang matutuwa kung napilitan lang sila sa pagsama sa sinabi ni Carla na 'to? Ngunit wala namang mali, hindi ba? Ano ba ang ikinakabahala ng mag-asawa?
Ang ikinakabahala ni Kathryn ay ang pagpunta ng mga taong inaasahan niyang nakasunod sa kanila, na hanggang ngayon ay wala pa rin. Kanina pa siya palingon-lingon sa gawing pasukan ng resort, nagbabakasaling darating na ang mga taong hinihintay niya at may mga batang nagtatakbuhan at nag-uunahan na sa sabik sa paglalaro rito sa lugar.
Pero wala, kaya napatingin ulit siya sa telepono niya at umaasang may mensahe mula kay Carla o sa kanyang ina, ngunit sa parehong sagot, wala.
"Nasaan na kaya sila? Nasa daan pa rin?" Saad ni Kathryn sa kanyang isipan habang nag-iisip ng dahilan kung bakit wala pa ang mga taong alam niyang nakasunod sa kanila.
Ang tinutukoy niya ay sina Carla, Min, Samuel, Isabel, mga kapatid ng asawa niya at mga pinsan nito sa puting van na nakasunod sa kanila. Hindi iisang sasakyan ang sinakyan niya sa sinakyan ng pamilya ng asawa niya, ina niya at mga anak niya, iba ang sinakyan niya dahil ang kasama niya sa isang sasakyan ay mismong asawa niya.
Katahimikan, ayan ang namayani sa halos dalawang oras na byahe patungo sa tampok na isla na mayroon dito sa Batangas. Ang akala ni Kathryn na sa isang sasakyan silang lahat at sama-samang magpupunta rito sa isla ay hindi nangyari bagkus ay ang asawa niyang humiwalay ng sasakyan siya sumabay.
Nagtaka pa siya kung bakit kinailangan pa ni Daniel na humiwalay ng sasakyan at sariling kotse pa ang ginamit pang-byahe, ngunit hindi na rin naman siya nag-isip pa ng dahilan para malaman kung bakit nga ba. Isa lang namang dahilan, ayaw siya nitong makasama sa sasakyan. Halata naman.
Subalit ano nga ba ang nangyari? Ito, sila ang magkasama sa byahe sa isang kotse, kay Daniel siya nakisabay at siyang nakasama niya sa byahe. Hindi niya inasahan dahil pinilit lang siya ni Carla at Min na kay Daniel sumabay. Noong una, tumanggi siya, ngunit nang sabihin ni Carla na ipinagpaalam niya kay Daniel, wala nang dahilan para humindi siya. At kahit pa gusto niyang isama si Isabel ay hindi naman pwede dahil pang-dalawahan lang ang sasakyang ng kanyang asawa, kung kaya't wala siyang nagawa kundi sumabay kay Daniel at pagpalamon sa katahimikan sa loob ng dalawang oras.
At ipinapangako niya sa sarili niya na ang byaheng iyon ay isang karanasan sa kanya na pakiramdam niya ang ibang tao ang kasama niya, sa unang pagkakataon. Walang nagsalita at hindi man lang siya tinignan. Hindi tulad noon na hanggang sa byahe, hindi dahilan ang kailangan sa pagpokus sa daan para hindi magtawanan, magkwentuhan at magtuksuhan sa kanilang dalawa. Na pati pa ang pulang ilaw para itigil muna ang sasakyan ay gagawing paraan upang makaisa ng romansa sa kanya, halik.
"Ma, nasaan na ba kayo?" Bulong ni Kathryn habang pinipindot ang mga letra ng mensahe na nais niyang ipahatid sa ina, at muling tinawagan, ngunit walang sagot.
Masyado ngang inip si Kathryn sa pagdating nila Carla sa lugar at kung bakit ay wala pa sila kung nakasunod lang naman sila sa kanilang mag-asawa. Tatawagan niya na rin sana si Magui nang lumingon na si Daniel sa kanya, bahagya niyang ibinulsa ang telepono niya at binuhat nang muli ang gamit niya ngunit bago pa siya nagbigay ng lakas para gawin ay nakuha na ng asawa niya mula sa kanya.
"Tara na." Sabi nito at naunang naglakad, sumunod na lamang siya dahil hindi niya alam kung saan paparoon. Nakasunod siyang walang dala, kundi kanyang telepono lamang habang ang asawa niya naman ay dala ang bag nilang dalawa. Isa sa kanya at isa sa asawa niya.
BINABASA MO ANG
A Chapter Untold (Broken Vows Book 2)
RomanceSa isang istorya, may lihim na kabanata. Ipinagkait upang hindi na gambalahin pa ang alam ng lahat. Itinago, inilihim at ginawang isang palabas. At sila, hindi na binuksang muli dahil sa tagal ng panahon na ang nakalipas upang tuluyan na ngang kalim...