"Kath, anak.. Nandito si DJ."
Napatigil si Kathryn sa pagsusuklay ng buhok nang magsalita ang nanay niyang nasa pinto ng kanyang silid. Napatigil siya at hindi na inabala pang tignan ang ina niya at nanatili lamang ng tingin sa tanawin sa labas ng kanyang bintana.
"Paalisin ninyo siya rito. Ayaw ko siyang makita." Sagot muli ni Kathryn sa kanyang ina at nagdadalawang-isip pa si Min na gawin muli ang kagustuhan niya.
Walang magawa si Min kundi ang sundin ang anak, na kahit ang gusto niya ay mag-usap ang dalawa at nananalig sa kapirasong pag-asa, hindi niya magawa. Oo, ina siya ni Kathryn, pero hindi siya si Kathryn upang magdesisyon at kumontrol sa kung ano ang gusto ng anak niya. At takot, isa ngang dahilan para hindi niya ipagpilitan ang tiwalag sa gusto ni Kathryn, takot na baka magbantang muli.
Na siya ngang dahilan kung bakit hindi niya malubayan ang anak niya simula nang mangyari ang kinatatakutan niyang mangyari muli. Limang araw na ang nakakalipas, ngunit ang limang araw na ito, tila parang kahapon lang naganap. Kung kaya't ito, minabuti niya na dumito muna sa bahay ng kanyang anak at nagsilbing tagabantay sa lahat ng aksyon nito, na sa pagkakataon na mawala lang sa paningin niya ay halos kumarera na ang puso niya dahil sa kaba.
At ang hindi naman alam ni Min, gusto nga ni Kathryn na naririto ang ina niya, dahil mismo ang sarili niya ay pinangangambahan niya. Alam niya sa sarili niya na maski ang sarili niya ay wala nang kontrol, sa tamang kontrol.
Walang pagliban ng tingin, ayan nga ang ginagawa ni Min. Wala na ngang hihigit pa sa takot na namamayani sa isang ina, takot na hindi lang naman ang anak mo ang ikinakabahala mong apektado, pati ang mga anak ng anak mong siya ring apektado nga sa nangyayari.
Hindi na bago para kay Samuel nang matuklasan at maungkat muli ng kanyang isipan ang ganitong isyu at katotohanang itinatago sa pamilyang mayroon siya, pero kay Isabel? Siya ngang bago. Subalit ang musmos na ito ay tila ba iba ang pananaw sa buhay. Ang inaasahan ni Kathryn na tatanungin siya ng anak niyang ito, at kamumuhian siya pagkatapos ng mga narinig nito, ay hindi nangyari, bagkus bukod sa kanyang ina, isa rin ito sa mga taong binabantayan siya at patuloy na niyayakap sa likod ng mga pagkakamali niya.
Bata nga kaya hindi pa makabuo ng konsepto, pero hindi.. Kailan pa manghuhusga ang taong mas piniling hagkan ka kaysa sa pagkakamaling nagawa mo? Maaaring ang iba'y hindi dahil ang sa utak na siyang nagdidikta sa poot na mayroon ka, na dapat ay mayroon ka't nararamdaman mo..
Nang makuntento si Kathryn sa pakiramdam na hindi na papasok muli si Min sa kanyang silid, napatigil siya sa pagsusuklay at napabuntong-hininga matapos maibaba ang hawak. Humiga siya sa ayos na hindi papatulog, at ang mga paa'y nasa hangganan pa rin ng kanyang kama. Hanggang sa damputin niya ang bagay mula sa ilalim ng unan na isang rason ng kanyang pag-iyak, at muli, naiyak siya dahil bigo nga siya at dala na naman ng pagiging desperada niya kaya pinaniwalaan niya ang kanyang hinala.
Isang linya, sabi ng maliit na bagay upang makita ang resulta kung buntis siya o hindi. Isang linya, sagot na halos kapusin na naman siya ng luha dahil napatunayan nga niya na sa sobrang desperada niya ay naisip niya ang paraan na ito upang balikan siya ng kanyang asawa. Isang linya, mas nagmukha nga siyang tanga kay Daniel ngayon dahil tama ang sinabi ng asawa niya, nagpapaawa lang siya.
Napaluha siyang muli, at nagtatalo ang hindi niya maintindihang utak sa resulta. Ang isa ay natutuwa na hindi siya buntis sa taong niloko at sinaktan lang naman siya, at ang isa naman ay umaasa na sana ay magpakita sa kanya ngayon ang dalawang pulang linya. Nanghihinayang siya, at sa parehong oras, sinasampal siya ng kamartiran kung bakit pa siya umaasa.
BINABASA MO ANG
A Chapter Untold (Broken Vows Book 2)
RomanceSa isang istorya, may lihim na kabanata. Ipinagkait upang hindi na gambalahin pa ang alam ng lahat. Itinago, inilihim at ginawang isang palabas. At sila, hindi na binuksang muli dahil sa tagal ng panahon na ang nakalipas upang tuluyan na ngang kalim...