Kathryn

3.7K 77 75
                                    

Ako. Ako 'yong babaeng maraming nangangarap na sana sila na lang ako. Ako 'yong babaeng kinatutuwaan ng lahat dahil sa mayroon na buhay akong tinatangkilik nila. Ako 'yong babaeng hinahangaan ng karamihan dahil sa sinasabi nilang maganda ako, magaling ako, masiyahin ako, mabuting tao ako, mayaman ako, nakukuha ko ang kahit ano pang gusto ko, nagmula ako sa pamilyang buo at masaya.. Kumbaga sabi nila, nasa akin na raw ang lahat.

Ako 'yong babaeng noon, nangangarap lang maging mayaman at sikat noong bata pa ako. I want to become rich so that I can travel the world, sabi ko. Noong bata pa ako kahit isip-bata pa akong mag-isip, pursigido ako sa gusto kong iyon. Marami akong naging pangarap but everytime na TV na ang kaharap ko, nagiging isa. To be shown on a television and to be known. I wanted to be an actress.

Hindi rin naman nagtagal, it happened. Dahil sa may kakilala si Mama na connected sa showbiz, hindi naging mahirap, at sila 'yong mga tumulong sa'min. And the happiest feeling was the support, 'yong support na natanggap ko sa family ko. Mula sa commercial, TV shows at kung ano-ano pang mga sumunod. At the age of 4 or 5? I don't know. Pero sa journey ko sa pag-aartista, ngayon ko lang na-realize 'yong support ng pamilya ang pinakamahalaga. At hindi lang naman ang mga producers ang ginawang aliw ng little Kathryn during the times, kundi ang family niyang mahal na mahal siya at hindi siya iniwan.

Hindi ko aakalain na magtatagal ako. Parang lumaki na lang ako bigla na mga camera pa rin ang kaharap at kasama ko. Hindi ko rin inakala na hindi lang ako isang child star, pero tinuturing na isang artista. Kung noon na pa-extra-extra lang at sa children's show lang kilala at napapanood, naging palipat-lipat na ng location dahil sa iba't ibang endorsements, featured sa magazine at hanggang sa magkaroon ako ng show na isa ako sa mga bida.

That time, naramdaman ko 'yong feeling na ganito pala, ganito pala 'yong feeling na maraming nakangiti sa'yo. Ganito pala 'yong feeling na maraming nakakakilala sa'yo.. At ganito pala 'yong feeling na lahat ng tao ay maganda ang tingin sa'yo. Ganito pala..

Ako 'yong babaeng mas nakilala dahil sa sinasabi nilang galing na naipakita ko sa isang palabas, at ang masasabi ko, hindi naging madali 'yon sa akin dahil ang dami kong nasubukan na hindi ko aakalain na magagawa ko. At naging worth it, naging worth it ang lahat ng hirap namin ni Mama. At bigla kong naalala 'yong iniisip ko na one day, mabibili ko ang gusto ko. Nangyari, nangyari siya, at mas higit pa. At lumipas ang mga taon, nadagdagan at nadagdagan at nadagdagan pa ng mga projects. Ang daming sumunod at ang dami kong nakilala at mga nakasamang artista at mga ordinaryong tao, naging malapit sa akin at naging mga kaibigan.




Hanggang sa isang project, may isa na naman akong nakilala. Hindi lang nakilala lang basta at pagkatapos ay umalis na, kundi nanatili siya hanggang sa maging permanenteng parte sa buhay ko.

Daniel John.

Akala ko noong una, wala.. Isa lang siya sa mga katrabaho ko, na magiging malapit sa akin at doon ang hangganan. Pero mali, mali ako dahil 'yong boundary ay tinawid niya para mas lapitan at kilalanin ako.. First impression ko, malakas ang loob niya. At malakas nga ang loob niya para gawin 'yon, pero ayun naman 'yong dahilan kung bakit pati ako ay nahulog na rin at kusang nagparaya para bigyan siya ng daan sa buhay ko.

Noong una, hindi ko siya gusto.. Inaamin ko. Dahil maski ako, nagduda sa apelyidong dala niya pinagdududahan ng karamihan. Pero parang binasag ko rin 'yong paniniwala ko dahil sa pinatunayan niya at kahit naman tumanggi akong ayaw ko siya, paano ko maitatago 'yong ngiti ko sa tuwing kasama ko na siya?

Hindi pa ako handa. Bata pa ako. First time ko ito. Mga sinabi ko pero ang sagot niya, maghihintay ako. Paano ko ba matatanggihan ang lalaking ito? Paano ko rin mapipigilan ang nararamdaman kong ito na nahulog na rin sa kanya? Pero 'di bale nang nahulog, dahil nasalo niya naman. Dahil parehas naman kami ng nararamdaman, at walang nandaraya.

A Chapter Untold (Broken Vows Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon