[Katie's POV]
Nakatulala lang ako ngayon sa harap ng inorder kong pagkain sa canteen namin.
Di pa rin mawala sa isipan ko ang naging pag-uusap namin ni Professor Aburido kanina.
[THROWBACK]
"Ms. Rivera, I won't beat around the bush at didiretsuhin na kita. I know naman na may idea ka na kung ano ang pag-uusapan natin ngayon", seryosong simula ni prof.
I gulped hard and slightly nodded at him.
Nanunuyo ang lalamunan ko.
"As you see Ms. Rivera, I have passed a report to Music department's dean regarding with your incident the other day. The dean is not happy hearing it, as well as the administrator and director of the school. Alam mong may iniingatang reputasyon ang eskwelahang ito." He stopped talking and look at me with scrunity.
Biglang nanliit ako sa sarili. My confidence are slowly crumbling into pieces.
"Ms. Rivera can you be honest with me?", pagpapatuloy ni Prof. "Did you fake your enrollment documents?" I can't help but notice the sarcasm and insult in his tone.
Di ako makahinga, para akong nasa quicksand ngayon palubog ng palubog with nothing to hold on.
Pero di'ba dapat di ako kinakabahan or natatakot ngayon dahil hindi totoo ang paratang nila? Tama, mas kilala ko ang sarili ko keysa sa kanila.
With my new found confidence, I straighten up and looked at my professor directly.
"Nope Sir, yung ipinasa ko po, boses ko po talaga yun. Kinakabahan lang po talaga ako ng time na yun, please Sir just give me one more chance at patutunayan ko po sa inyo na hindi po ako fake enrollee."
Hindi agad sumagot ang professor namin. He's still looking at me, nakipagsukatan din ako ng titig just to prove na totoo ang mga sinabi ko.
Finally, he let out a sigh.
"Very well then Ms. Rivera, it's nice to hear that. I still have hopes for you. I'll tell the dean about this and let's see ano ang magiging decision niya. But Ms. Rivera, if napatunayan na fake ang documents mo, you will be expelled and will be blacklisted from all Music school here in the country."
"Yes Sir, I understand"
"Okay Ms. Rivera you may now go"
[END OF THROWBACK]
Hays! Ang lakas ng loob ko kaninang sabihin na kaya kong patunayan ang sarili ko.
"Hoy! Ayan ka na naman nakatunganga ka na naman sa harap ng pagkain mo". Nabigla ako sa biglang pagsulpot ni Bianca.
She became my friend when we met on the first day of school here sa canteen.
Umupo siya sa katabing chair ko at inilapag ang inorder niya.
"May problema ka na naman ba Katie?", pagtatanong niya sa'kin ng makitang hindi ko pa rin ginagalaw ang pagkain ko.
Sasabihin ko ba sa kanya?
"Ahm ano kasi Bianca eh, may kunting problema lang ako." Pagsisimula ko habang nakikinig siya sakin at kumakain.
She looked at me and signaled me to continue.
Ibubuka ko na sana ang bibig ko ng makita ko ang grupo nila ni Cheska.
"Hah! Himala at nandito ka pa Ms. Katie Rivera, akala ko expelled ka na?" Cheska said with an evil smile on her face.
Damn it! Ang sarap suntukin sa bunganga ang isang 'to kung wala lang sana akong pinoproblema ngayon pinatulan ko na 'to eh.
"Ano ba ang pinagsasabi mo Miss? Bakit naman maiiexpel si Katie?" pagtatanong ni Bianca kay Cheska.
Maraming estudyante na din ang nakakapansin sa'min.
Please Cheska wag ka dito mag eskandalo.
But knowing Cheska, I know she intended to confront me here, to shame me in front of the whole school.
"People, listen, alam niyo ba na si Katie Rivera ang babaeng ito, ay isang FAKE enrollee sa MUSIC department?" wika ni Cheska sa malaking boses habang itinuro ako.
Nagbulungan naman ang mga estudyanteng nakarinig.
Bianca looked at me.
Tears ran down my cheeks.
This is too much! Kasalanan ko ba kung may anxiety ako sa pagkanta sa harap ng maraming tao?
People are still looking at me, and Bianca beside me was obviously shocked. I silently wept my tears ng may biglang humawak sa kamay ko at hinila ako patayo.
I was bewildered ng makita kong si Cyrus Wendell yun.
Umugong uli ang bulungan habang di maipinta naman ang mukha ni Cheska. I can't make out Bianca's reaction.
I tried getting my hands back but his grip is tight.
Then, without a word, naglakad siya habang hila hila pa din ako palayo sa canteen.
Hindi ko alam kung nahipan ba ako ng masamang hangin pero hindi ako umangal.
I just think that this is what I needed right now, ang makalayo sa school at sa mapanghusgang mga tao doon.
Natauhan lang ako ng makita kong nasa parking lot kami ng school at nasa harap ng kotse niya.
He's still holding my hand.
He's still holding my hand?!
Binawi ko ang mga kamay ko, hindi na masyadong mahigpit kaya nakawala din.
Humarap siya sa'kin at nag alburoto ulit ang pintig ng puso ko.
Without a word, he opened the door to passenger's seat.
"Hop in", he said in a demanding tone.
Tumaas ang kilay ko at magtataray na sana ako ng inilagay niya ang hintuturo niya sa bibig ko.
With that brief touch, I could feel electrical spark surging in my skin.
"Hop in or gusto mong naka headline ang picture nating dalawa bukas sa tabloids, newspaper, social media and online news"
Nagtataka ako sa sinabi niya.
"There's a guy in the second floor with a camera on his hands" pag iinform niya sa'kin.
I turned to confirm it pero hinila na niya ako papasok sa kotse niya.
"Matigas talaga ang ulo mo eh" wika niya sa'kin.
Natutuliro ako dahil sobrang lapit ng mukha niya.
He seemed unaffected though.
He closed the door and turn to driver's seat and hopped in.
Di ko gusto ang side effects ng mga kinakain ko ngayon, di kaya dahil yun sa magic sarap?
Nabalik ako sa huwisyo when he started the engine and started driving towards the school gate.
Nanlaki ang mga mata ko.
Saan ako dadalhin ng damuhong ito?
"Hey, where you going to bring me?" sigaw ko sa kanya.
A smirk appeared on his lips. "Sa date natin, remember, you owe me one"
What?
BINABASA MO ANG
The Last Song
Teen FictionIsa akong basher, basher ng isang sikat na singer na sa tingin ko hindi naman talaga ganun kagaling. I find him so annoying and arrogant, feeling sikat at lalong feeling magaling, di naman niya kayang gawan ng justice ang mga kanta niya! You can cal...