Chapter LI

1K 26 5
                                    



Ericka's POV

"Hello Ano? Nagawa mo na ba yung pinapagawa ko sa'yo?" agad kong tanong ng sinagot ko ang tawag ng isang importanteng tao.

"No, but I found something else. Mas matutuwa ka dun Ericka" sagot ng caller sa kabilang linya.

Napaangat ang kilay ko sa sinabi ng kausap ko.

Hmmm....interesting.

"Ano ba yan? Make sure na talagang matutuwa ako sa ibabalita mo kung ayaw mong malintikan sa'kin." Mataray kong wika sa kausap ko.

Agad na nagsalita ang kausap ko at idinetalye ang sasabihin niya.

Mainam akong nakikinig sa kanya and gradually, a smirk formed in my lips.

"I'm impressed! You're efficient at dahil diyan, bibigyan kita ng bonus." Nakangiti kong saad. Naglakad ako papunta sa glass window ng opisina ko and gaze at the night view of the city. "We will pull the trigger when the right time comes." Nakangiti kong saad and took a sip of wine.

Ini-end ko na ang call.

Isang matagumpay na ngiti ang naglalaro sa mga labi ko.

Can't wait for that day!


Katie's POV

Naalimpungatan ako sa nakakasilaw na sinag ng araw mula sa bintana.

Napatayo ako bigla pero natigilan ng may maramdaman akong tila kamay na nakayakap sa'kin.

May katabi ako!

That' when I realized na nakatulog pala kaming dalawa ni Cywen sa sofa ng bahay ng makatulog siya dahil sa pagod.

Tinitigan ko ang nahihimbing na Cywen.

Napakaguwapo talaga ng boyfriend ko!

I lifted my finger at dinama dama ko pilikmata niya. Pinanggigilan ko talaga minsan ang pilikmata niya dahil natural iyong kulot. Gustong gusto ko din ang eyebags niya na talagang nagbibigay ng karakter sa mata niyang mapupungay.

Nagmulat ng mata si Cywen at ngumiti ako sa kanya.

"Good morning, bangon ka na dba may schedule ka pa today? Ali ka na, ipagtitimpla muna kita ng kape." Wika ko sa kanya at binalak kong bumangon pero pinigilan niya ako.

"Good morning princess, let me hug you for a while kahit 5 seconds lang " paungol niyang wika at napangiti na lang ako.

Naramdaman kong humigpit ang pagkakayakap niya, gumanti rin ako ng yakap.

Ay naku, kung si Cywen ang makikita ko kada umaga naku magsisipag talaga ako sa pagbangon ng sobrang maaga para masilayan ang napakaamo niyang mukha paggising ko.

Pagtingin ko sa orasan, napanganga ako ng makitang maga-alas otso na.

Napabalikwas ako ng bangon.

Patay! Umuwi kaya sina Mommy at Daddy kagabi? O di kaya'y si Ericka?

"Hoy, Cywen! Bangon ka na diyan, mukhang hindi umuwi sina Mommy at Daddy pero baka maabutan ka nila dito ngayon. Alas otso na!" pasigaw kong turan sa kanya pero bumalik lang ulit sa pagtulog.

Kinuha ko yung braso niya at pilit kong pinatayo siya pero umuungol lang siya.

Hay naku, talagang napuyat ata si Cywen.

The Last SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon