[Katie's POV]
Ipinasok ko yung earphones ko habang naghihintay kay Cyrus Wendell dito sa rooftop ng building namin. Dito namin naisipan tumambay pagkatapos ng klase para pag-usapan kung ano ang kakantahin namin sa Foundation Week. Wala kasi kaming napili nung weekend, ng pumunta ako sa bahay nila.
"Here." Bumulagta sa paningin ko ang isang canned coke at chips. Nilingon ko si Cywen na nakatayo sa gilid ko, sipping his own coke.
Inabot ko yun. "Thanks."
Naupo din naman siya sa gilid ko, nandito kami ngayon sa garden area ng rooftop. Nakaupo kami ngayon sa Bermuda grass.
"Ano yung pinapakinggan mo?" maya-maya'y tanong niya sa'kin and took one of the earbud of my earphones and inserted it to his left ear.
I still feel awkwardness with him.
"Just random songs" sagot ko sa kanya and lumingon sa kanya.
He just nodded and closed his eyes habang nakikinig.
I stared at him. Ngayon ko lang natitigan ang mukha niya ng sobrang lapit or more like, ngayon lang ako naglakas loob na titigan siya.
Guwapo talaga siya and yes, he's exuding with charisma and appeal, hindi naman siguro mahuhumaling ang mga fans niya sa kanya kung hindi.
Napansin ko ang pilik-mata niya, kalalaking tao pero sobrang curly ng eyelashes niya.
My gaze shifted and I look at his lips. He has that kissable lips too! Ilan na kaya ang nakahalikan nito?
Nabigla naman ako sa tanong ng isip ko.
I inhaled deeply. Di pwede 'to, sobrang naapektuhan ako kay Cywen.
Biglang bumukas ang mata niya and turned to me smiling at me.
"Ikaw Katie ha, tumititig ka na sa'kin. Baka ma-fall ka sa charms ko" wika nito na nakangisi at sabay kindat sa'kin.
My heart did a somersault sa ginawa niya.
Pabiro ko siyang siniko. "Kapal din ng mukha mo eh, anong tinititigan? Hindi noh!?" todo deny kong iling while hiding my face from his sight. The hell would I admit na tinititigan ko siya, baka kung anong kababalaghan na naman ang sasabihin ng Cyrus Wendell na 'to.
He chuckled and I looked at him. Mas lalo siyang gumagwapo kapag nakangiti at tumatawa.
Hay naku Katie, ayusin mo yang sarili mo!
Napigilan naman ako sa naisip ko. Ano nga ba ang nangyayari sa'kin?
"Ay sus, nagdedeny ka pa eh, okay lang naman kung titigan mo ako, tutal tayong dalawa lang dito. May privacy tayo" wika ulit nito sa pang-aakit na tono na nakangisi pa.
Privacy?
Samu't saring imahe ang naimagine ko sa salitang yun.
Pinangilabutan ako sa mga naiimagine ko.
Kailan pa naging SPG ang pag-iisip ko?
Ipinilig ko ang ulo ko at pinanlakihan ko ng mata si Cyrus Wendell na pa ngiti ngiti ngayon habang nakatingin sa'kin. "Wag mo akong pinagloloko Cywen, tatamaan ka talaga sa'kin." Babala ko sa kanya.
A hearty laugh escaped from his lips. "I was just teasing you Katie, of course, good boy ata 'to" wika nito at itinuro ang sarili habang nagpapacute.
Tigilan mo yang pagpapacute, matagal ka ng cute.
Di napigilang komento ng isip ko.
Pinanliitan ko siya ng mata.
"I swear, good boy nga ako, ayaw mo maniwala sa'kin eh" pagmamaktol nito nag pout pa talaga.
I pinched his cheeks. "Oo na, naniniwala na akong good boy ka". Natigilan naman ako ng ma realize what I did. Did I just do that?
Napansin ko ding natigilan si Cywen sa ginawa ko.
Things got awkward after that, iniwas ko yung paningin sa kanya at siya din naman.
Tension are building up in the atmosphere between us.
Shit! Ba't ko ba ginawa yun? Baka akalain niyang nilalandi ko siya.
Pipi kong kastigo sa sarili ko. Sobrang awkward jusko!
And I know that my cheeks are now flushing red. I silently cursed myself.
Narinig kong tumikhim si Cyrus Wendell sa tabi ko. Nilingon ko naman siya at halos mapangiti ako ng makita ang namumulang mukha niya.
Ba't sobrang nacucute-an ako sa mokong na'to?
"S-s-so, m-m-mamili na tayo ng kanta para sa Foundation Week?" nauutal na wika nito sabay kamot sa ulo nito.
I smiled at him and nodded. I am thankful that he didn't tease me about it, dahil hindi ko kakayanin ang kahihiyan pag nagkataon.
Nagsimula kaming magplano kung anong klaseng performance ang gagawin namin. Naisipan naming kumanta ng classical songs but we both gave up on the idea. Kami ang first performer ng gabing yun, we have to set the mood of the ceremony for the rest of the night and surely, iilan na lang ngayon ang nakakagusto ng classical performances.
Napagkasunduan namin to sing a semi-pop and semi-country song.
Yung kanta na lang talaga ang kulang.
We're both silent while thinking of a perfect song ng biglang natigilan kaming dalawa sa naririnig naming kanta mula sa playlist ko.
We turn to each other and smiled widely.
"I think, we got the perfect song already" he said while smiling at me.
BINABASA MO ANG
The Last Song
Teen FictionIsa akong basher, basher ng isang sikat na singer na sa tingin ko hindi naman talaga ganun kagaling. I find him so annoying and arrogant, feeling sikat at lalong feeling magaling, di naman niya kayang gawan ng justice ang mga kanta niya! You can cal...