Chapter XI

1.5K 24 2
                                    

[Katie's POV]

"...Sa date natin, remember you owe me one"

Wait, what?

Marahas akong napalingon sa mokong ng marealize ko ang sinabi niya.

Slow talaga ang utak ko sa pag process ng mga bagay-bagay ngayon.

"Anong sinabi mo?" , marahas kong tanong ko sa kanya na prenteng nagda drive. Sinulyapan niya ako sandali "I told you we're going on a date"

Sumakit ang ulo ko sa sinabi niya.

"Anong date? Wala akong natatandaang pumayag akong makipagdate sayo", bulyaw ko sa kanya.

"Wrong, you agreed ng magpahila ka sa'kin papuntang parking lot", he said with a smirk on his face.

Natampal ko ang noo ko.

Complicated din ang pag-iisip ng isang to eh.

"Eh malay ko bang -" Nahinto ako sa pagsasalita ng nilagay niya ulit ang hintuturo niya sa labi ko.

Automatic ang pagkabog ng puso ko, nabibingi ako sa lakas ng tambol ng puso ko. Namanhid buong katawan ko ng lumapat ang daliri niya sa labi ko. Wala akong naiintindihan sa mga nararamdaman ko ngayon, everything is new to me.

Sinalat ko ang noo ko kung may sakit ako. Siguro, napansin niya ang ginawa ko at sinalat niya ang noo ko habang nakatingin sa daan. "Bakit, masama ba ang pakiramdam mo?" tanong niya at tinapunan ako ng tingin.

Parang nalulon ko ang dila ko at walang salitang namutawi sa bibig ko. Nakatitig lang ako sa kanya.

May mali talaga sa'kin! Di ko 'to gusto!

"Hey, please stop staring at me, na coconscious ako, ayokong maaksidente tayo dahil natunaw ako sa titig mo" biglang wika nito at tumingin sa'kin ng nakangiti.

Biglang namula ang mukha ko at nag-init ang buong katawan ko.

He caught me staring at him! Eww. Baka akalain niyang may gusto ako sa kanya.

Neknek niya, pero paki ko kung ano ang gustong isipin niya dba wala naman talaga akong pakialam sa lalaking ito?

Dahil sa pagkapahiya, I shifted to another position at doon na lang sa bintana ako nakatingin, slowly, I didn't realize I drifted to sleep.


[Cywen's POV]

I actually don't know what I am doing right now. Siguro dahil naguiguilty ako sa mga nangyayari sa kanya sa school ngayon.

Pero I won't deny na iba ang pakiramdam ko kapag kasama ko ang masungit na'to kahit pa sabihing puro pag-aaway lang kadalasan ang pag-uusap namin.

I honestly don't know saan ko dadalhin ang babaeng ito, I don't have any idea what an ideal date is, sa clubs at bar ko lang naman dinadala ang mga babae ko noon.

But, I don't want to bring Ms. Sungit to such places, she just don't deserve it, she deserves better.

Sinulyapan ko siya habang nakatulog na. Automatic ang pagkurba ng mga labi ko.

I took my phone from my car's dashboard. "Siri, call Manager Lee"

Siri dialled my manager's number and maya-maya sinagot na din nito ang tawag ko.

"Oh, Cyrus napatawag ka? May nangyari ba sa school niyo?"

"Nope, nothing but there's favor I want to ask"

I hope this would be a memorable one for you Ms. Sungit.


[Katie's POV]

Naalimpungatan ako ng may yumuyugyog sa balikat ko.

"Ms. Sungit, wake up. We're here."

I wake up to that Cywen's voice and I realized nakatulog ako.

Nag unat ako at nag bukas ng mata.

Napatili ako ng makitang sobrang lapit ng mukha ni Cyrus Wendell.

Nasampal ko siya sa sobrang gulat ko.

"Ouch" sosyal na reklamo ng mokong.

"Ouch? Ba't ba ang lapit ng mukha mo kanina?" alam kong namumula ang pisngi ko at nandoon na naman yung potek kong puso.

He just shrugged. "Ginigising lang kita, tulog mantika ka eh, besides nilawayan mo headrest ng kotse ko Ms. Sungit pero okay lang, I guess nagmo-mouthwash ka naman eh", he said in a teasing voice.

Dali-dali kong pinahiran yung magkabilang pisngi ko at nag check sa headrest. May bakat nga dun na parang likido.

Nakakahiya!

"Kasalanan ko ba kung nakatulog ako at saka as if naman ako lang yung naglalaway sa mundo? For sure madami din noh!" defensive.kong sagot sa kanya.

Napatanga na lang ako ng biglang humalakhak siya.

"Ang cute mo, I was just teasing you" mangiyak ngiyak niyang wika dala sa kakatawa. "Let's go?"

I froze at what he said.

Cute ako?

The Last SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon