Chapter XLI

1K 23 10
                                    

Katie's POV

Humihikbi pa rin ako sa harap ni Bianca habang pang ilang ikot na ng mata niya.

Nagkulong ako sa kwarta buong maghapon pagkatapos kong makauwi kahapon.

At dahil gulong-gulo ako, pinapunta ko si Bianca sa bahay para may makausap ako.

"So ano? Iiyak ka lang diyan? Tigilan mo na nga yang pag-iyak mo" humarap si Bianca sa'kin.

Tumingin ako sa kanya at humikbi. "Ang sakit sakit kasi eh. "

Napasalampak siya sa couch ng kwarto ko at inihagis hagis ang stuff toy kong naabot niya galing sa ibabaw ng closet ko. "Syempre, masasaktan ka talaga. Minahal mo eh. Pero teh, tigilan mo na ang pag-iyak mo, hindi naman yun sinadya ni Cywen. Ang isipin natin, paano pakikitunguhan si Cywen ngayong klaro na sayo kung ano talaga ang nararamdaman mo para sa kanya" mahabang litanya ni Bianca sa'kin.

Napayuko ako sa sinabi ni Bianca. Totoo naman ang sinabi niya. Ako lang talaga yung OA dito na ginawang big deal ang nakita kahapon.

Pero masisisi niyo ba ako?  Yung lalaking mahal mo na pala, makikita mong may kahalikan kahit para sa eksena lang.

At saka, mahal ko na siya pero hindi pa kami. Hindi ako sure kung mahal na din ba niya ako.

Wala akong assurance sa nararamdaman ko ngayon.

"Hindi ko alam Bianca, ano ba ang dapat kong gawin?" helpless kong tanong sa kanya.

Hindi pa ako na-in love pero nung kahapon, alam kong hindi simpleng pagkagusto na lang ang nararamdaman ko para kay Cywen. 

No, it was more than liking him....

Sa bawat araw na nakasama ko siya, hindi ko namamalayang unti-unting nagkakaroon siya ng malaking lugar sa puso ko hanggang sa sakupin na nito ng buong buo ang puso ko.

Tiningnan ako ng seryoso ni Bianca. "Aminin mo sa kanya ang nararamdaman mo Katie"

"Ano?" hindi ko mapaniwalang tanong sa kanya.

"Para magkaliwanagan kayong dalawa. Let's see if he feels the same way about you"

"And if hindi?" natatakot kong tanong sa maliit na boses.

Takot ako sa magiging sagot ni Cywen.

What if he only sees me as someone special at hindi na hihigit pa dun.

Bianca shrugged off her shoulders. "Well, I'd say move on ka na lang bes. That's out of our control already."

Ganun lang? Pwede ba yun?

Kung alam ko lang na ganito pala ka komplikado ang mainlove sa isang Cyrus Wendell Smith, di sana hindi ko na lang hinayaan ang sarili kong mapalapit sa kanya.

Gaga! Matagal ka nang binalaan ni Bianca pero hindi ka nakinig.

If only I heed to her stern warning before about falling in love with him then I wouldn't be hurting right now.

May bigla akong narinig na ugong ng kotse at huminto sa tapat ng bahay ko.

Napakunot noo si Bianca. "May bisita ka ngayon?" pagtatanong niya sa'kin.

Biglang bumundol ang matinding kaba sa puso ko.

Maya-maya ay mag nagdoorbell at ang biglang pagtunog ng cellphone ko.

Nakita ko ang pangalan ni Cywen sa screen, napalunok ako at ini-end yun, hindi pa ako ready na kausapin siya.

"Katie! Katie! Alam kong nandiyan ka! Please, we need to talk!" narinig kong sigaw ni Cywen mula sa labas at ang pagkalampag niya sa gate namin.

The Last SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon