Chapter XX

1.4K 34 9
                                    

Katie's POV

Pagkatapos ng klase namin, dali dali kong niligpit ang gamit ko.

Di ko alam pero sobrang excited akong matapos ang araw na'to.

Kasi pupunta ka ulit sa bahay ni Cywen at makakasama mo siya ngayon.

I shake off my head lightly. Minsan talaga tung konsensya ko nakakainis!

Nang matapos ako, isinukbit ko sa balikat ang shoulder bag ko. Napansin kong tapos na pala siyang magligpit at naghihintay na lang sa'kin.

I smiled at him. "Tara?" pag aya ko sa kanya.

He nodded at ginulo ng kunti ang buhok ko.

I frowned a little.

"Akin na yang mga libro mo, ako na ang magdadala" wika nito at biglang kinuha ang dala dala kong libro na nakaipit sa braso ko.

I uttered a thank you na lang since nasa kanya na din naman yung mga libro ko.

We then started walking at the school hallways. Weird, kahit walang nagsasalita sa'ming dalawa nararamdaman ko yung magaan na pakiramdam.

Ganito din kaya ang nararamdaman niya ngayon?

Hay, Katie nag-iilusyon ka na naman.

I turned my gaze towards him and I caught him smiling to himself. Napangiti na din ako. Para kaming mga timang tuloy.

That girl? Di'ba yan yung fake enrollee daw at kasama ni Cywen sa cafeteria kanina?

Oo girl, confirmed si Katie Rivera nga yan.

Wow! Kapal ng mukhang lumapit kay Cywen at ginawa pa talaga niyang alila si Cywen!

True girl, baka kumakapit ang fake Music student na yan kay Cywen para di siya maexpel sa school.

I agree, lubos na matulungin si Cywen, baka nagmakaawa yang girl.

Napayuko naman ako sa mga naririnig kong bulungan ng mga estudyante sa hallways.

I restrained myself from crying. Hindi ako iiyak sa harap ng mga taong 'to. Hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak. Sabi ng hindi ako iiyak eh.

I brushed my tears away with my hand ng hindi ko mapigilan ang pag-agos nun.

Nagulat ako ng biglang tumigil sa paglakad si Cywen with a clenched jaw.

Bigla niya akong nilingon kaya dali-dali akong umiwas ng tingin.

Ayokong makita niya akong umiiyak.

To my surprise, he held my hand and we continued our pace.

Napalingon ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

Bakit ganito? Bakit feeling ko safe ako pag kasama siya? Bakit sa isang hawak niya sa'kin, nawawala yung lungkot ko at gumagaan ang feeling ko? I should be hating him now dahil isa siya sa mga rason kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako ngayon pero kahit pilitin kong magalit sa kanya, wala akong makapa sa kaloob-looban ko.

Cywen? Nagiging dependent na ako sa'yo, paano na pag kailangan ko ng lumayo sa'yo at bumalik sa normal kong buhay?



Hindi ko namalayang nasa harap na kami ng kotse niya.

He turned to me and smiled na parang walang nangyari kanina.

He's trying to cheer me up and hindi na pansinin ang mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa'kin.

Pinilit kong ngumiti sa kanya. "Thank you"

The Last SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon