Katie's POV
"Hello" malambing kong sagot sa tawag ni Cywen sa'kin.
Nakadapa ako sa kama ko after a long stressful day sa school at workshop.
It's been 2 weeks already since Cywen surprised me in my birthday. Hindi ko pa rin makakalimutan ang gabing iyon. Hindi ako makapaniwalang aabot sa puntong mag-eeffort ng ganun si Cywen para sa'kin.
Pero after ng gabing yun, bihira ko ng makasama ng matagal si Cywen, nagsta-start na kasi siya mag shooting para sa movie nila. Minsan hinahatid niya ako sa school or sinusundo pero patago naming ginagawa yun.
Nagtataka din ako at first pero binalewala ko na lang din yun, baka nag-iingat lang si Cywen. Mahirap na kung ma issue ulit siya.
May lumabas kasi na article tungkol sa pag walk-out niya nung movie blog con nila. Mabuti na lang at naagapan agad yun ng agency namin from spreading.
Doon ko na realize kung gaano ka powerful ang mga mundong ginagalawan ko ngayon na kayang manipulahin ang balita tungkol sa talents nila.
"How's your day, princess?" tanong niya sa'kin mula sa kabilang linya. Ramdam ko ang pagod niya sa boses niya.
If only I could do something for him.
Tumihaya ako mula sa pagkakadapa habang nakangiting nakatingin sa kisame.
"Ito naga-adjust sa pag ja-juggle sa school at workshops. Ikaw kumusta ka naman? Kumakain ka ba sa tamang oras? Cywen, please take some rests in between your shoots baka mapano ka niyan." Paalala ko sa kanya.
I heard him let out a chuckle from the other line. "All noted, princess. Na touch ako na sobra kang nag-aalala para sa'kin."
I could picture him out wearing that playful smile whenever he teases me.
Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga hindi ako mananalo sa lalaking ito pag siya nagsimula siyang mang-asar.
"Hay naku, hindi mo na naman ako sineseryoso eh. Pinapaalahanan lang kita, mahirap na baka magkasakit ka niyan, sino ang mag-aalaga sa'yo?" puno ng pag-alala kong wika sa kanya.
Natahimik bigla sa kabilang linya, I have to call his name thrice kung may kausap pa ba ako or tinulugan ako.
I was ready to bid my good night to him and ended the call when I heard him sigh from the other line.
"I missed you a lot Katie, I really do." he said short-winded. " I badly wanted to spend more time with you. My schedule really sucks." he said in a frustrated tone.
I got silent for a while before I could utter a word.
"I missed you too Cywen." I replied. Kinuha ko yung hotdog pillow ko and embrace it. "Can't I see you tomorrow tutal weekend naman? Wala akong workshop bukas eh." I asked him in a hopeful tone.
I heard him groaned in frustration and right there and then, I know na hindi pwede.
"I'm sorry Katie, may shooting pa din ako bukas." malungkot niyang wika sa kabilang linya.
Hindi ko mapigilan ang malungkot. I was really looking forward to spend another day with him.
I missed him so much.
Mabuti pa yung Mikaela na yun, dalawang linggo niyang nakasama si Cywen.
Wala akong update tungkol sa shooting nilang dalawa dahil pinagbawalan ako ni Cywen na maki-update sa kanya sa social media. Pinagsabihan din niya si Bianca.
BINABASA MO ANG
The Last Song
Genç KurguIsa akong basher, basher ng isang sikat na singer na sa tingin ko hindi naman talaga ganun kagaling. I find him so annoying and arrogant, feeling sikat at lalong feeling magaling, di naman niya kayang gawan ng justice ang mga kanta niya! You can cal...