Katie's POV
"Lalala..lalala..lalala" I happily hummed while busy prepping up myself for our first first date as official couple.
"Aba'y sobrang ang saya mo naman ngayon ata Katie? Iba din naman talaga ang nagagawa ng pag-ibig" pagpansin ni Manang Tess sa mood ko habang kinukuha ang labahin sa kwarto ko.
I turn to her grinning widely.
"Ganyan po ba ka obvious?" nakangiti kong tanong sa kanya.
Lubos ang pagtataka ko paano nalaman niyang in-love ako kahit wala naman akong ikinukwento tungkol sa'min ni Cywen.
Nakangiting tumango siya. Umupo siya sa isang chair sa gilid ko. "Yung lalaking pumunta ba dito?"
Wala naman ibang lalaking nakapunta sa'min kaya alam kong si Cywen ang tinutukoy niya.
I giggled and nods my head.
Napangiti si Manang Tess. "Bagay na bagay kayo dun inday. Pareho kayong gwapo at maganda. Masaya ako na unti-unti ay binubuksan mo na ang pintuan mo sa realidad, nakikipaghalubilo ka na sa ibang tao, hindi tulad nun na nandito ka lang sa bahay nagbabasa at nanunood ng movie." masayang lahad ni Manang Tess.
Yumakap ako kay Manang Tess. "Ako din po Manang. Hindi ko akalain na may ganitong pakiramdam pala, walang pagsidlan ang kasiyahan ko."
"Masaya ako na masaya ka ngayon Katie"
May nag doorbell at napangiti ako.
Si Cywen na yun!
Tiningnan ako ni Manang Tess. "Mukhang nandito na ang boyfriend mo, pagbubuksan ko muna."
I grinned when I heard her mentioned "boyfriend"
Boyfriend ko na si Cywen!
Lumabas na si Manang Tess sa kwarto ko.
Para akong baliw na nakangiti sa harap ng salamin.
Hindi pa rin ako makapaniwala na nagtapat na si Cywen sa'kin kagabi.
Sobrang saya ko ng malaman kong may katugon ang nararamdaman ko para sa kanya.
Ng ma sure kong okay na ang itsura ko, kinuha ko yung maliit na shoulder bag ko at lumabas ng kwarto.
Inaamin kong nagpaganda talaga ako ngayon, naglagay ng kunting blush, lipstick and put a small mascara to my lashes. Nag dress din ako ngayon.
Gusto kong mag-ayos para sa unang date namin ni Cywen at walang pakialaman.
Nandoon na si Cywen sa sala at kinakausap ni Manang Tess.
I walked down the stairs and he looked up to me.
Nakita ko ang pag-awang ng bibig ni Cywen and how he stared at me without blinking.
Nag blush ako.
Nung nasa huling baitang na ako, lumapit ako sa kanya na nakangiti.
Nakaawang pa rin ang bibig niya at nakatulala sa'kin.
"Hoy!" natatawa kong pukaw sa kanya.
Naipilig niya ang ulo niya at nakangiting tiningnan ulit ako.
"Wow! You look so lovely my princess" he breathlessly told me.
I blushed hard at his compliment. "And you look so dapper and handsome, my knight." Totoong sobrang gwapo niya ngayon.
Oh well, kailan ba pumangit si Cywen sa paningin ko.
Tumikhim si Manang Tess at naalala naming nandiyan pa pala siya.
BINABASA MO ANG
The Last Song
Teen FictionIsa akong basher, basher ng isang sikat na singer na sa tingin ko hindi naman talaga ganun kagaling. I find him so annoying and arrogant, feeling sikat at lalong feeling magaling, di naman niya kayang gawan ng justice ang mga kanta niya! You can cal...