Katie's POV
Currently, nasa mall kami ngayon ni Cywen pagala-gala habang magkaholding hands.
We both ditched school when he suddenly grabbed my hand a while ago and dragged me to his car.
Yun pala, papunta na kami sa mall. Kaya ayun, wala na akong nagawa. Actually, gusto ko naman. At least, makakawala kami saglit from the prying eyes from his fans and admirers. Pero baka naman magalit yung dean sa'min, magkaroon ulit ako ng issue sa school. Nakakasawa din na lagi ka na lang pinag-uusapan.
"Uy, balik na tayo dun, baka mapagalitan tayo pag nalaman ng dean na hindi tayo sumali sa symposium", bigla kong wika sa kanya.
Every department kasi may kani-kanilang symposium and later on, workshops for the students under them.
Kaso tong si Cywen, sukat na lang na hinila ako dito sa mall.
"Wag na tayo bumalik dun, ang boring ng symposium Katie. Mag date na lang tayo today", sagot nito at kumindat sa'kin.
Piningot ko siya sa tenga. "Ay ang galing, magbubulakbol ka na nga lang dinamay mo pa ako. Alam mo namang kahit naka perform na ako eh, mainit pa rin ako sa issue ngayon. Paano kung i-big deal na naman ng fans mo yung pag ditch ko sa symposium at workshop?"
"Eh di, isa-save kita ulit, di'ba yun naman talaga dapat? Ikaw ang prinsesa ko at ako ang yung knight in shining armor" wika niya na nakangiti at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
"Talaga lang ha?" ngumiti ako sa kanya.
"Oo nga kasi" wika niya sabay gulo sa buhok ko. Sumimangot ako ng kunti. "Besides, hindi na natin kailangan ang workshop, masyadong overqualified tayo dun" ngisi niyang wika.
Napatawa ako. "Aba, aba lumalaki na din ang ulo mo." Pinanliitan ko siya ng mata at saka nameywang. "Okay, since ayaw mong bumalik sa school, samahan mo na lang ako sa bookstore, may bibilhin ako", excited kong wika sa kanya at hinila patungo sa loob ng bookstore.
Napakamot naman ng ulo si Cywen. "Ba't sa bookstore pa Katie? Ang boring dun. Manood na lang tayo ng sine, I heard may showing daw na horror movie ngayon." nakangisi nitong hila sa'kin papalayo sa bookstore.
Hinila ko naman siya ulit patungo sa bookstore. "Tsk, ayoko dun, tsatsansingan mo lang ako dun. Alam ko na ang mga moves na yan." irap ko sa kanya.
He chuckled. "Katie, kung tsatsansingan kita, ba't kailangan pang dalhin kita sa loob ng sinehan, when I could kiss you right now if I want" he said with a mischievous grin while moving closer to me.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Hoy Cywen, tigilan mo nga yan, ang daming tao oh, nakakahiya"
Unti-unti na ring namumula ang mukha ko dahil sobrang lapit na ni Cywen sa'kin.
At anak ng tokwa, nginitian lang ako ng mokong!
"Ang babaeng katulad mo, hindi dapat ikinakahiya Katie" he muttered.
Ang babaeng katulad mo, hindi dapat ikinakahiya Katie
Nag echo ang boses ni Cywen sa tenga ko.
Cywen naman eh, hinay-hinay lang sa pagpapakilig, marupok ako pagdating sa'yo!
When he was about to kiss me, again, with his facemask on (insert facepalm emoji), kinaladkad ko na siya sa loob ng bookstore kaya wala na siyang nagawa pa.
Napangiti naman ako ng maisip na kung saka-sakali hindi magdadalawang isip si Cywen na halikan ako sa harap ng maraming tao.
Aba, ilang kilometro na kaya ang taas ng buhok ko ngayon?
BINABASA MO ANG
The Last Song
Teen FictionIsa akong basher, basher ng isang sikat na singer na sa tingin ko hindi naman talaga ganun kagaling. I find him so annoying and arrogant, feeling sikat at lalong feeling magaling, di naman niya kayang gawan ng justice ang mga kanta niya! You can cal...