Katie's POV
When Cywen closed the door, napasandal ako sa pintuan ng bathroom ko and let out a sigh.
What was that? Cywen almost kissed me!
Pa impit akong tumili.
Sheems! Kahit basher niya ako, eh kung siya na yung lumalandi sa'kin, di ko talaga mapipigilan yun. Besides, Cywen's charm can't be resisted.
Napailing na lang ako at naligo ng mabilis.
Simpleng blouse at shorts lang din ang isinuot ko, nagpulbo at naglagay ng lip tint sa lips ko.
Baka mag assume pa yung Cywen na yun na nagpapaganda ako para sa kanya.
Bakit hindi ba?
Eh kasi naman nung ginigising niya ako, sabi niya date namin tapos tinawag pa niya akong sweet.
He really knows how to overthrow a woman's defense.
I took a last glance from my mirror at lumabas na ng room.
Naabutan ko siyang kumakain ng luto ni Manang Tess.
Aba aba, feeling at home agad.
Sabagay, pinakain din naman niya ako nung ako yung pumunta sa bahay nila.
"Oh Katie, halika, I'll serve you food" bungad ni Cywen sa'kin ng makita niya ako.
He pulled a chair beside him at umupo ako dun.
Nagsandok siya ng kanin at nilagyan ng bacon, fried egg and hotdog.
"Here" pag-abot ni Cywen sa'kin sa plato.
I took it and mouthed thank you.
"Coffee, hot chocolate or milk?" maya-maya'y tanong ni Cywen sa'kin.
Nilingon ko siya. "Fast talk ba yan?" pabiro kong wika sa kanya.
Napakamot naman siya ng ulo niya.
Tumawa naman ako, ang sarap asarin talaga ng lalaking 'to.
"I'm just kidding! Coffee, black coffee" ngumiti ako sa kanya.
He smiled brightly and hurriedly went to our kitchen's counter.
"Saan yung stock ng coffee niyo?" pagtatanong niya sa'kin while opening some kitchen cabinets.
"Katabi niyang binuksan mo" turo ko sa kanya.
When he got it, he started making me a black coffee.
Napangiti ulit ako.
Sarap pala ng pakiramdam ng pinagsisilbihan.
"Here's your black coffee, Madamme" wika niya and put the cup beside me.
"Thank you" masigla kong wika sa kanya. I closed my eyes, smelling the aroma of coffee. I carefully hold the cup handle dahil mainit pa talaga yun.
I slowly blow it para lumamig ng kunti. "So, ano ang nakain mo at pinagtimpla mo pa talaga ako ng kape?" maya-maya'y tanong ko sa kanya.
Tinanong ko na kasi baka mamaya ma praning ulit ako sa kakaisip kung bakit ganito ang trato niya sa'kin.
"Na miss kita eh" sagot ni Cywen at tumingin ng diretso sa mata ko.
Nasamid tuloy ako habang iniinom ang kape ko.
"Shit!" I cursed at inilagay agad ang tasa ng kape sa ibabaw ng dining table namin.
Napaso yata ako.
BINABASA MO ANG
The Last Song
Teen FictionIsa akong basher, basher ng isang sikat na singer na sa tingin ko hindi naman talaga ganun kagaling. I find him so annoying and arrogant, feeling sikat at lalong feeling magaling, di naman niya kayang gawan ng justice ang mga kanta niya! You can cal...