Chapter XXVII

1.3K 35 8
                                    

Katie's POV

Usapan namin ni Cywen na mag practice ulit ngayon pero di niya sinabi kung sa bahay ba niya ulit. Sabi niya surprise lang daw.

He told me to wear comfortable clothes so nag shorts ako and paired it with a cropped top off-shoulder blouse and white sneakers.

Nag cap din ako para matchy matchy kami ni Cywen mamaya sa mall.

Walang basagan ng trip.

I heard our doorbell.

Si Cywen na yun.

Dali-dali akong lumabas ng bahay para buksan ang gate namin. Wala kasi si Manang Tess, pinag day-off ko.

Isang napakaguwapo at fresh na Cyrus Wendell ang nabungaran ko.

He gave me a bright smile. "Good morning my beautiful princess!" he beamed and hand me a bouquet of yellow and white roses na di ko namalayang nakatago sa likod niya kanina. "Flowers for the loveliest person on the Earth"

Shems! Ang hirap magpigil ng tili juskeleerd!

"Wow!" I can't help but exclaim. "Di ka na sana nag abala pa. But thank you and good morning din. God! They're so beautiful" I can't help but gush over the bouquet. First time that someone, except for Manang Tess, gave me a a present.

"Wala ng mas gaganda pa sayo Katie, kahit ang mga bulaklak na yan hinding hindi makakapantay sa'yo" wika ni Cywen at kumindat sa'kin.

Namula agad ako sa sinabi niya. He always has that effect on me.

"Sus, aga-aga binobola mo ulit ako eh" pilit kong tago sa kilig ko.

Inakbayan ako ni Cywen papunta sa kotse niya.

"Totoo nga, walang halong bola yun. Lahat ng sinasabi ko sayo totoo and I won't get tired of telling you these dahil you are that special to me" nakangiti niyang wika habang nakatingin sa'kin and squeezed my shoulders.

Oo na! Umagang umaga, quota na si Cywen sa pagpapakilig sa'kin!


Magkaholding hands kami habang paikot ikot sa grocery area. Napansin kong mga prutas at healthy salads at kung ano-anong chips, bottled and canned drinks ang inilalagay niya sa cart namin.

"Saan ba talaga tayo pupunta Cywen at ang dami nating pinamili na pagkain?" tanong ko sa kanya habang busy siya sa pagtingin tingin sa mga items.

Kumuha siya ng dalawang Pringles at inilagay dun.

"Basta, secret lang pero for sure magi-enjoy ka dun" nakangiti niyang sagot sa'kin.

"Hoy don't tell me itatanan mo ako? Di pala dapat isang sakong bigas at mga canned foods ang binili natin" wika ko sa kanya na nakangisi.

He chuckled and tapped my head, di niya magugulo ang buhok ko ngayon katulad ng nakasanayan niya dahil naka cap ako katulad niya.

We really looked like a real couple right now, except that I actually don't if we really are.

Di nga ba kami?

Naku, mamaya ko na iisipin yan.

"So payag ka kung sakaling itatanan kita?" amused niyang tanong sa'kin.

I flashed a naughty smile. "Well, kung mapilit ka, baka di ako humindi" nakangisi kong wika.

Natawa kaming dalawa sa sagot ko, tuloy napatingin sa'min ang ibang mamimili doon.

The Last SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon