Chapter XLVII

1.2K 18 12
                                    

Katie's POV

  ♫ ♪  So baby pull me closer in the backseat of your Rover 

  That I know you can't afford 

Bite that tattoo on your shoulder 

Pull the sheets right off the corner 

Of the mattress that you stole 

From your roommate back in Boulder 

We ain't ever getting older    ♫ ♪

Pagbirit ni Cywen sa lyrics habang nasa loob kami ng sasakyan niya papuntang Laguna para sa out-of-town trip ng family namin.

Cywen brought his car at pinakiusapan niya si Daddy na sabay na ako sa kanya.

Thankful ako na pumayag si Daddy, malapit nga akong ma-asar ng biglang sumabat ang magaling kong step-sister para sumabay sa'min. Mabuti na lang at sinabihan siya ni Mommy na sa kanila na sumabay.

Kaya, kaming dalawa lang ni Cywen ngayon sa loob ng car niya habang nakabuntot kami sa sasakyan ni Daddy.

Pakanta kanta kami, sinasabayan ang mga kanta sa FM station na pinatugtog ko sa car niya habang magkahawak kamay.

Sa Laguna naisipan ni Daddy at Mommy na pumunta para hindi masyadong kalayuan sa Manila.

Excited ako sa trip na'to kasi makakapag relax kami ni Cywen.

Ano kaya ang pwedeng gawin dun?

Kinuha ko yung phone ko at hinila ang kamay ko mula sa kamay ni Cywen.

Umungol siya bilang protesta. Tumawa ako. "Wait, may ita-type lang ako."

Nilingon niya ako saglit then binalik niya agad ang mata niya sa kalsada.

"Ano naman yang ita-type mo?"

Ngumisi ako. "Basta! Secret lang to."

He grinned. "Baka, naglilista ka ng Ways on how to seduce your boyfriend"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Ewan ko sayo! Mag drive ka na lang diyan muna."

Hindi na siya sumagot. 

Nag search ako sa Google ng A must-do in an outing for couples.

Naglabasan agad ang suggested results. I clicked the first result and it redirected me to their website.

Napanganga ako sa unang pwedeng gawin.

Sex!? Sex kaagad?

Alam kong namumula ako. Potek naman to!

"Okay ka lang ba Katie? Naiinitan ka ba? Namumula ka oh" wika nito at sinipat ang leeg ko sa kamay niya habang diretsong nakatingin sa daan.

Agad na nag-init ang katawan ko ng lumapat ang balat niya sa balat ko. "Huh?" malayo sa isip kong turan. Pero ng ma realize ko kung ano ang ginagawa niya, dali-dali kong tinabig ang kamay niya. "Okay lang ako Cywen, I'm fine." 

The Last SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon