Chapter LVI

1.5K 34 43
                                    

Katie's POV

Kanina pa ako nagdo-doorbell sa gate ng bahay nina Cywen.

Nagawan ko ng paraan na alamin kung nasaan si Cywen.

I'm glad Tito Lee gave me his whereabouts.

I am taking a chance na mababago ko ang desisyon ni Cywen.

I'll fight for the last time at kung hindi pa rin siya handang patawarin at paniwalaan ako, then I'll try to move on kahit masakit.

Nakita ko si Nanay Rosa palapit sa'kin.

Halatang nabigla siya ng makita ako.

Ngumiti ako ng alanganin sa kanya.

"Nanay, gusto ko lang po talaga makita si Cywen. Sandali lang po ako." 

Alanganing tumango si Nanay at binuksan ang gate.

Tahimik akong sumunod sa kanya.

I silently prayed that this time Cywen would listen to me.

Napahinto ako sa paglalakad ng makita si Cywen sa huling baitang ng hagdanan niya.

Agad siyang naglakad, I frantically followed him and blocked his way.

"Cywen, please makinig ka muna sa'kin" my voice broke.

He look at me emotionless. "Katie, tapos na tayo. I told you wala na tayong babalikan dahil sinira mo na yun"

"Cywen, please patawarin mo na ako. I didn't mean to hide the truth from you. Hindi ko intensiyon na  saktan ka. Cywen, hindi ako ang nagpost nung recording, magpapainterview ako at sasabihin ko ang totoo. Please Cywen just come back to me." umiiyak kong pakiusap sa kanya.

May iiyak pa pala ako? Hindi matapos tapos ang pesteng luha ko!

Hindi ako tiningnan ni Cywen. "It doesn't change the fact that you lied to me Katie."

"Oo nagkamali ako pero hindi mo ba ako kayang patawarin Cywen? Hindi mo ba kayang kalimutan yun?" pasumbat kong wika sa kanya. Kinuha ko ang kamay niya at inilapit sa mukha ko. "Cywen, tingnan mo ako. Tingnan mo ako sa mata." He turn to me and meet my eyes. I look at him lovingly. "Cywen, kung hindi mo na talaga ako kayang mahalin at pagkatiwalaan ulit, okay lang. Naiintindihan ko. I just want you to know na baon ko ang lahat ng memories natin, baon ko ang lahat ng pangako mo sa'kin. Kahit na anong mangyari, I am still going to hope na may karugtong pa ang kwento nating dalawa. Dadalhin ko ang pagmamahal ko sa'yo. Cywen...pumarito ako to take a last chance on us. I am hoping mababago ko ang isip mo but looks like wala ka na talagang tiwala sa'kin. Bago ako umalis ng bansa, ipangako mo sa'kin na isasali mo sa susunod na album mo ang kantang naicompose mo. Please?" wika ko sa kanya habang patuloy sa pag-iyak.

Napatingin si Cywen sa'kin.

"Aalis ka ng bansa?" tanong niya sa'kin.

I nodded with a gloomy face. "I have to. Hindi ko kayang mag move-on kung nandito lang ako Cywen. Baka masiraan ako ng bait sa kaiisip sa'yo kaya nakapagdesisyon akong sumama kina Mommy at Daddy sa US"

"How about singing? Are you going to give up on your dreams?"

I smiled bitterly. "Ayoko na siguro Cywen. Sapat na sa'kin na naovercome ko ang takot ko dahil sa tulong mo." mahina kong sagot sa kanya.

Hindi siya sumagot at iniwas niya ang tingin sa'kin.

I heaved out a deep sigh.

"I have to go." pagpapaalam ko sa kanya.

The Last SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon