Chapter XLIII

1.2K 27 7
                                    

Katie's POV

"Finally! Someone came out of her cave to join us in today's workshop" agad na bungad sa'kin ng dance instructor namin.

Agad na pinagtinginan ako ng mga ka-batch ko.

I smiled apologetically to my instructor and sa co-batch ko at umupo sa isang corner.

"Hi, I'm Rey isa sa ka batch mo" biglang pagpapakilala nung isang lalaki na lumapit sa'kin habang nakalahad ang kamay niya.

Nabigla man ako, inilahad ko din ang kamay ko sa kanya and shake his hands. "Katie." tipid kong sagot sa kanya.

Hindi na siya nagsalita pa pero tumabi siya sa'kin.

Hindi ko na lang siya sinuway dahil baka ma-issue pa akong snob.

Tumayo ang dance instructor namin at tumayo sa harapan namin.

"Welcome to your first dance workshop, I'm teacher Gella and I'll be your dance instructor. For your first day, we'll be doing interpretative dance. Therefore, the person sitting next to your right, we'll be your partner. I want everyone to stand up and face your partners." wika ni Teacher Gela.

Wala na akong nagawa kundi ang harapin ang lalaking kanina ay nagpakilala sa'kin.

"I'm glad we're partners" Rey flashed a cute smile but I didn't respond to him.

Alam kong napahiya siya sa pagbalewala ko sa kanya pero wala talaga ako sa mood makipag-usap sa ibang tao.

"Girls, I want you to put your hands around the neck of your partner and boys, put your hands to your partner's waist" Teacher Gella carefully instructed us pero hindi ako kumilos.

Nag-alangan naman yung kapartner kong ilagay ang kamay niya sa beywang ko dahil obvious na wala ako sa mood.

Pinandilitan ako ni Teacher Gella ng makita niyang wala akong ginagawa.

"Katie and Rey, what are you two doing? Do what I say!" mariing wika niya.

Okay mainitin ang ulo niya.

Dahil wala pa rin akong ginagawa, si Rey na mismo ang kumuha sa kamay ko at inilagay sa leeg niya at inilagay niya ang kamay niya sa beywang ko.

Hindi ko nagustuhan ang pagdantay ng kamay niya sa balat ko.

"Let's just do what Teacher Gella wants" he said before I could open my mouth.

"Then, move closer to your partner"

Lumapit ng kunti si Rey sa'kin at gusto ko siyang itulak papalayo pero ayaw kong mapagalitan na naman.

Workshop lang naman.

Inumpisahan na kaming turuan ng steps ni Teacher Gella ng biglang bumukas ang pintuan ng studio at iniluwa dun ang pigura ni Cywen.

I blinked five times.

Totoong nandito siya!

Biglang naging eratiko ang pintig ng puso ko at tanging siya lang ang may kakayahan na pabilisin ang pintig nun.

I gulped hard when I saw his handsome face.

I missed him!

I noticed a one-day old stubbles in his chin and it added more to his oozing appeal.

Natigilan ang mga kasamahan kong babae at tumitig kay Cywen, bigla akong nainis at gusto kong dukutin ang mga mata nila para hindi na nila masilayan ang ka guwapohan ni Cywen.

The Last SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon