Chapter XXIX

1.2K 28 3
                                    

Katie's POV

Hindi ako mapakali sa loob ng mini dressing room backstage.

Ngayon ang opening ng Foundation Day at ngayon ang araw na magpeperform kami ni Cywen.

Crap! Para akong matatae na maiihi sa kaba!

"Katie? Are you alright? Namumutla ka" biglang lapit ni Cywen sa kinaroroonan ko. Tapos na siyang magbihis, gayundin ako.

Niyakap ko siya bigla. "Cywen, kinakabahan ako. Ikaw na lang kaya tumuloy?" alinlangan kong wika sa kanya. I am freaking nervous right now.

Sweat is dripping over my forehead kahit malamig naman ang simoy ng hangin dahil gabi ang opening ng Foundation Week.

Cywen tapped my head and gave me an encouraging smile. He cupped my face and look deep into my eyes. "Katie, listen to me. I know that you can do this. Nagawa mo na 'to dba? Just like before, just focus on me and imagine na tayong dalawa lang ang nasa stage. Wag mong isipin na may nanunood sa'tin, okay?" He said and held both of my hands tightly.

"Cywen, parang di ko kaya. Kinakabahan talaga ako eh." natataranta kong wika sa kanya.

He caressed my cheeks. "Sshhh..kaya mo 'to. Ikaw kaya si Katie Rivera. Always remember, nandito ako para sa'yo kahit ano ang mangyari"

I tried to smile and inhaled deeply. "Ita-try ko Cywen"

"Atta girl" he beamed. "Besides, sayang kung hindi nila makikita ang kagandahan mo ngayon. Have I told you how beautiful you are tonight, my princess?" he said in a smile.

Natawa ako sa kanya. "Ikaw ha? Kita mong ninenerbyos ako, binobola mo pa ako" wika ko at kinurot ko ang cheeks niya.

Napa aray naman siya at tumawa ako.

"Ilang beses ko bang sabihin sayo na di kita binobola. Maganda ka, matagal na. Kaya ang swerte swerte ko dahil ako ang unang lalaking pinagtuonan mo ng pansin at binigyan mo ng tsansang makalapit sayo"

Napangiti ako. "Oo na, naniniwala na ako sa'yo. At ikaw naman, sobrang guwapo mo rin ngayong gabi"

"Ahem.."

Napalingon kami ng may biglang tumikhim. Yung event organizer pala.

Namula naman agad ang mukha ko dahil tiyak na nakita niya ang paglalambingan namin ni Cywen.

"Mr. Cyrus Wendell, your manager wants to see you" pag inform niya kay Cywen pero hindi umalis agad.

Napasimangot ako tuloy. Dami ko talagang karibal sa asungot na'to.

Cywen squeezed my hand. "I'll be back okay?"

Tumango ako sa kanya.

He planted a kiss on my forehead before siya umalis.

Kinilig ako ng sobra!

I grin widely. Napansin kong nandun pa rin ang event organizer at matalim ang tingin sa'kin.

Tinaasan ko siya ng kilay.

Mainggit kayong lahat! Hanggang tingin lang kayo sa Cywen ko!

Nginitian ko siya ng nakakaloko kaya umalis na din siya at inirapan ako.

Ang daming malandi sa mundo, jusko! Kita mo ng may jowa na yung tao! Tss...

Bakit kayo na ba ni Cywen? Niligawan ka na ba? Di pa nga sinasabi sayong gusto ka niya or mahal ka niya. Hanggang special girl lang ang sinasabi niya sayo.

The Last SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon