Chapter 2

9 1 0
                                    

Inabot ako ng 3 hours bago makakita ng pansamantalang matutuluyan.

Pagkatapos kong magpark sa may lumang gusali sa gilid ng kalsada at tiningnan kung pwede ba akong makapagpahinga dito.

Mukhang para talaga ito sa mga overnight stay lang. Pahingahan sa mahabang byahe para sa kinabukasang byahe ulit.

Mukha namang maayos kahit luma na may natatanaw naman akong guard.
Okay na to dito na ako magpapaumaga malayo pa ako sa pupuntahan.

Bumababa na ako ng sasakyan. Kailangan ko ng talagang magpahinga ng maramdaman ko ang pagod at pangangalay sa byahe.

Agad akong pinagtinginan papasok pa lamang ng gusali lalo na yung guard at iba pang nakaupo na mukhang dito rin magpapalipas ng gabi.

Grabe naman sila makatingin. Kinakabahan ako. Naiilang ako. 

Tuloy tuloy lang ako matapos akong batiin ng guard, diretso ako agad sa reception desk.
Pagod na ang katawan ko. Kailangan ko ng magpahinga.

''Magkano po ba ang isang kwarto?''

Tinignan muna ako ng nagbabantay. Mga 3 seconds din at ramdam ko din ang tingin ng mga taong nandito saakin.Ano bang mga problema nila. Staring is rude. Nakakaawkward tumayo dito sa gitna.

Nakipagtitigan nalang ako sa babae pinagtanungan at hinintay na magsalita.

''300 po ma'am sa pangisahang kwarto. May kasama ho ba kayo?''

Pigilan ko man pero tuluyan na akong nainis sa tanong nya. Nakitang magisa lang ako magtatanung kung may kasama ako why ask for the obvious?

Dagdagan pa ng mga taong to na kung makatingin ngayon lang nakakakita ng babaeng magisang magchecheck in sa motel. Kailangan ba dapat laging may kasama pag nagchecheck in sa ganitong lugar. I feel judged. Malas ko lang talaga matao ngayon dito.

''Wala.''
Simple kong sagot.

Pagod ako wala akong lakas para pairalin ang inis at pahabain ang usapan ang kailangan ko makaalis agad.

Hindi na ako sanay sa masyadong maraming nakatingin I always have this unease feeling everytime I'm stared at for far too long.

''Sige po ma'am pero wala pa pong available punuan kasi ngayon sila nga din po naghihintay'.  Dali daling paliwanag ng babae.

Kung minamalas ka nga naman. Hindi ko na kayang maghanap ng bagong matutuluyan. Maghihintay nalang siguro ako, wala naman akong choice kahit mukhang mas matagal pa akong pagmamasdan ng mga tao dito.

''Mga ilang minutes pa ako maghihintay?''
Oo minutes talaga hindi ko na kakayaning pag oras pa ang aabutin kung sakali.

'' 5-10 minutes po maam. Pasensya na po punuan talaga valentine e madaming nagmamahalan ngayon.''

Joke ata yun hindi ako natawa mas nagulat ako.
Feb 14  na pala ngayon .Kaya pala punuan kahit ang layo nito sa syudad napuno parin. Punuan talaga siguro ng pagmamahalan pag valentine kaya kahit dito dinadayo.

Bumuntong hininga nalang ako at naglakad papunta sa bakanteng upuan at naghintay, after siguro 5 mins may naglabasan ng mga magkaholding hands na magkasintahan at mukhang napuno nga sila ng pagmamahal.

Kita pa ang bakas pagtalikod nung isa may punit na damit yung lalaki, yung babae punit ata yung lace ng dress.

Yung isa naman abot langit ang ngiti habang nakaakbay.

Yung sumunod mukhang nagaway ata hindi nagpapansinan nauna pa yung lalaki maglakad hindi ata nakascore si kuya mukha naman kasing mahiyain yung babae baka hindi napagbigyan.

The EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon