Chapter 14

3 0 0
                                    

"Sungit mo talaga. Wala lang dito si insan."

" Wala nga kasi. Saan nyo ba nakuha mga ganyang pagiisip?" Nakasimangot kong tingin sa dalawa. What are they're trying to say?

" Oy wala kaming sinabing meron ah?"

Nakataas pa ang kamay ni Daniel na parang inosente pero nakangisi naman sakin. Lakas din talaga manukso nito.

Tinigilan lang nila ako ng dumating na ang sasakyan at sumakay na kami.
Nakangiti kong pinagmamasdan nang biglang may tumabi nanaman sakin na makulit na patapik tapik pa sa balikat ko.
Baliw talaga.

"Bilis magbago ng mood mo ah? sa gwapo kong to swerte mo na nakadikit ka sakin." bulong pa ni Marco sabay tingin sa kalapit naming mga babae.

"Lakas mo talaga! Pati pagcoconclude lakas mo."
Gwapo daw sya. Oh well. Oo nga.

"Totoo naman e kita mo yang katabi natin kanina pa yan gusto kong lapitan pero inuna kita kasi kaibigan kita." Sabi nya pa na parang napakalaking bagay na kausap ko sya.

"Talaga? Hindi dahil sa mas maganda ako?" Nakataas kong kilay na tanong.

"Wooooh lakas mo talaga! Pati sa pagcoconclude lakas mo."
Bawi nya na ikinasimangot ko. Hindi talaga ako mananalo dito.

"Tigilan mo ako ah."

"Bagay nga talaga kayo" sabi nya pa at pinitik pa ang noo ko saka lumapit sa mga babaeng malapit samin.

Pinagsasabi nito.

Sus mga paraan talaga nito masyadong halata. Hahanap lang pala ng tyempo para pumorma mangaasar talaga muna.

Pagdating namin sa Isla ay kanya kanyang lakad at tingin sa paligid.

This is perfect. White sand. Fresh air. Relaxing feeling.

Sarap tumira dito. Hindi ko pinagsisihan na sumama ako maganda talaga ang lugar. After admiring everything my eyes can see we headed to the house.

Malaking bahay bakasyunan talaga ang kinuha nila para daw samasama. This house has 3 floors and every floor is circled with verandas.

Pagpasok namin nafeel ko agad na makakapagpapahinga ako agad nito. The ambiance is just so relaxing that you just want to sleep ang feel the natural ventilation given by nature.

The second to third floor consists of rooms. Kami lang ang dumiretso sa third floor. Ako si Marco, Daniel ,Irene at Irish.

Kaya kami lang ang tumuloy at pumili ng kanya kanyang kwarto since ayaw akong kasama ng dalawa.

"Bakla kaya nga ito pinili namin kasi madaming space para sa lahat tapos makikishare ka lang sa ganda ko." Nakasimangot na sabi sagot ni Irish sakin pagakatapos kong magtanong kong pwede ba kaming magshare.

"Arte mo naman ayoko lang magisa sa kwarto."

"Bakla tigiisa tayo  wag kang demanding. Sige na pumili ka ng gusto mo ayoko sa maingay." Si Irene na pumasok na sa katabing kwarto.

"Wow nagsalita ang tahimik." Baling ko sa kausap.

"Tse dami mong sinabi." Sabay pasok sa napiling kwarto.

"Ipahinga mo na lang yan friend." Sigaw ni Irish sabay sara ng pinto.

Hay .

Sampo lang naman kami kaya madami talagang pagpipilian no need for sharing rooms.

Napili ko ang Room 13.

Malas.

Ito katabi ng kwarto ni Irish kaya dito ako.

The EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon